TMIK4

260 11 5
                                    

That's when everything started.

I met my cold and stiff personal bodyguard who I thought is a man who is bald and a big stomach one.

I mean, I don't have any problems with that at all but you know, iba ang nagagawa ng imagination.

Hindi ito nagsasalita hangga't hindi ko kinakausap pero sumasagot lang sa tuwing tungkol sa trabaho ang pag uusapan.

Mas malamig pa sa northpole 'to.

Kahit ilang buwan na ang lumipas ngunit ganoon parin ang pakikitungo nito sa akin.

"If you own the company, why are you still working as a personal bodyguard?"

I asked him one time.

I didn't even think that he will answer me kasi ilang minuto ang lumipas hindi naman ito sumagot. Kaya ganoon nalang ang gulat ko nang magsalita ito.

"I was not born to handle the business but to do the job."

Napatango nalang ako dahil nandoon pa rin ang gulat.

Akala ko okay lang ang lahat, e. Na hindi niya ako pinapansin. Na hindi ito umiimik. Pero araw araw rin akong sinusubok ng panginoon dahil nagiging gwapo ito sa paningin ko.

Gwapo naman na talaga ito at matikas ang tindig pero sa mga araw na nagdaan...nagiging iba ang tingin ko dito.

That's also when I started to do the moves to him.

Nakalimutan ko na ngang may asawa siya, e. I swear to God.

At minsan...nasasaktan ako kapag mini-mention niya ang asawa niya. I think he is purposely mentioning his wife everytime I flirt with him.

Ewan ko ba...hindi naman ako pinanganak na desperada. Pero mas lalong hindi ako pinanganak na hindi nakukuha ang gusto ko.

Well, if kakagat siya...meaning hindi niya talaga mahal ang asawa niya.

I know that he knows na nagda-damoves ako sa kanya pero kever lang siya kasi walang epekto naman.

My so called friends even have a crush on him..

One time, nag bar kami ng friends ko tapos iyong mga kaibigan kong malalandi ay nagpapa-cute sa kanya. Inis na inis ako talaga kaya niyaya ko siyang umuwi ng maaga.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba akong nakilala ko siya at naging bodyguard ko ngayon o maiinis at malulungkot dahil hindi na siya available.

Minsan, tinatakasan ko siya.

Nakikipag date ako sa mga manliligaw ko not because I want to give them a chance pero gusto ko lang mainis si Sephy. That's my nickname for him. Inis nga siya noong tinawag ko siya niyan. I just rolled my eyes at him..

So ayun...natutuwa ako kapag sinusundo niya ako sa restaurant kung saan ako nakikipag date o kahit sa bar kung saan ako lumalabas at umiinom.

I just really really thought that this is only a phase. And that I am only fond of him kahit naman na walang ka tuwa-tuwa dito kasi kadalasan wala naman itong emosyon sa mukha.

So...bago pa lumala ang lahat, I asked my father to change my personal bodyguard.

"Why do you want to have another one when you already have Slate with you?"

"Basta, dad! Ayoko sa kanya. He's annoying. Just...bigyan mo nalang ako ng iba, daddy!"

Bumuntong hininga si dad na nagpapasensya.

"Kausapin mo nga itong anak mo, sweetheart."

Natatawa si mommy na bumaling sa akin.

"Just give your dad a valid reason, darling."

I bit my lower lip. Alangan namang sabihin kong nagugustuhan ko na ang bodyguard ko at ayoko nang lumala ang pagkagusto ko so I want him out of my sight?

"Nevermind, mom and dad. Kalimutan n'yo nalang 'yun."

After that talk...I just did my best not to interact with him. Not to even look at him but it's just so hard to do it especially when I am with him everyday. And when he is hot in his polo shirt and slacks.

One day, I have a photoshoot with a cosmetics company and the call time is so early. I had to get up at four in the morning to prepare. Nagmadali ako hindi dahil natatakot akong ma late. Kundi dahil panibagong araw, panibagong pagsilay na naman sa bodyguard ko..

Hindi ko na siya kinakausap pero binubuo niya ang bawat araw ko kaya't excited ako palagi.

But I was really disappointed when I did not see him today. Ibang tao ang nagmaneho sa akin sa lakad. I asked the driver but he said that Sephy has an emergency.

Nag alala naman ako kaya tinitigan ko ang number niya sa phone ko. I am thinking if tatawagan ko ba at kukumustahin. S'yempre amo niya ako kaya natural lang ang mag alala ako sa kanya.

Tell that to the marines, bitch!

Napa irap ako dahil sa sigaw ng utak ko.

Huminga ako ng malalim at pikit matang pinindot ang call button sa phone ko.

Nag ring ang phone niya ng ilang beses bago may sumagot. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako nang sumagot sa tawag.

"Hello? This is Era, Slate's wife. Who is this please?"

Sabi ng malamyos na boses.

Parang nalaglag ang puso ko at biglaang nanginginig ang mga kamay ko.

"Hello? I'm sorry for answering the call but my husband is still in the bathroom, may I know who is this?"

My number wasn't even saved on his phone. Dapat naka save iyon dahil binabantayan niya ako. Paano kapag nakatakas ako sa kanya? Hindi niya ako kukontakin?

"Hello?"

Pangatlong bati na ng babae sa kabilang linya pero hindi parin ako nakasagot at pinatay nalang ang tawag. Her voice is very angelic. Ang hinhin at ang lamig.

Ganoon siguro ang mga type ni seph. Ako kasi...kapag nagsasalita ay parang nakikipag away.

I tossed my phone beside me and calmed myself.

Emergency daw? Sa narinig ko, wala namang emergency at pagpapa panic sa boses ng asawa niya? O excuse niya lang iyon para makatakas sa trabaho at makasama ang asawa niya?

Pakialam ko naman?

Napairap ako sa kawalan at kinalma ang sarili ngunit alam kong nasira na ang araw ko.

Sorry nalang in advance sa mababalingan ko ng ka badtripan mamaya.

The Moment I Knew Where stories live. Discover now