Chapter 8: High heels

8 2 0
                                    

Chapter 8: high heels

Para akong 'The Walking Dead' kasi si nike at michelle ehh! Hays push mo yan nica jealous pa more..

Naglalakad kami ni ate papuntang bahay namin. Kasi galing kami sa playground kasama si sunshine and sky hehe.

"Hoy, nica tignan mo sarili mo zombie ka na" tinignan ko yung sarili ko. Ay naku talaga si ate nakakainis. Aasarin nanaman ako, tama naman si ate ehh. Yung lakad ko lakad zombie, yung buhok ko buhaghag,yung skin ko dry. Ampf!

"Oo na ate zombie na ko" tumawa siya ng mahina bigla naman akong sinamaan ng tingin. Aba si ate abnormal na o kaya nasisiraan na ng bait.

"Anong SAGOT!!?" boss ba siya?

"O-opo bossy"ayy naku siya nga lagi akong sinasabihan ng nerdyquinn at manang

Nag lakad nalang kami. Dal-dal ng dal dal si ate veron hindi ko naman siya pinapansin.whaha edi napagod siya.

Andito na kami si bahay, tinulungan ko si mommy mag bake ng cookies. Kasi dadating pala yung kaibigan ni ate veron.

Tapos na kami mag bake ni mommy pero si ate ayun busy sa cellphone. Umakyat nalang ako sa taas gusto ko kasi ng tahimik yung walang magulo,laging nagbabasa,walang maingay. Nag basa ako ng libro ang title 'Destiny of love' :-) hobby ko talaga magbasa ng romantic.

Binuksan ko yung fb ko. Fb notification, wala kahit isa. Isa akong dakilang nobody. Humiga nalang ako sa kama ko. Ang sarap matulog kasi yung kama ko ang lambot. Pipikit na ko.

*tok tok tok*

Ayy kalabaw. Nakakainis Badtrip tlga si ano? Hmm bossy. Halos masira na yung pinto ng kwarto ko.

*tok tok tok*

Inulit pa.

[Hoy tanda lumabas ka nga!]

"Ate ayaw ko!" ate mo pala palakasan tayo ng boses ahh!

[Andito nga yung ka-i-bi-gan ko!!" woow! May diin pa yung kaibigan ahh

"Ehh ate. Anong gagawin ko!"

[Gusto niya daw ikaw makita!] ang kulit ni ate tlga

"Sabihin mo nalang ate, yung mukha ng matandang babae mukha ko rin" hahaha.

[Hindi na nakakatawa ahh] sarap pakinggan yung boses ni ate napipikon na.

Narinig ko nalang yung paa ni ate pababa. Kawawa naman kaya bumaba nalang ako.
Pagbaba ko nakita ko yung kaibigan ni ate, maganda,sexy,long hair. Si ate umuusok na yung tenga at ilong

"Hi baby tara pili ka ng high heels" naku naman mommy alam mong hanggan flat shoes lang ako ehh tsaka hindi ako marunong niyan baka pag lakad ko madapa pa ako tapos yung takong mabali pa.

"Mama hindi ako marunong maglakad pag sout ko yung mga matataas na takong"

"Don't worry baby. Your tita tel pupunta dito kaya tuturuan ka" WT!? Pupunta dito si tita Tel wag mong sabihin na si nike pupunta rin. Hmm! Pwede naman mangarap.

Tinignan ko yung high heels na yan.takte! ang ganda color light violet with glitters yung isa naman color blue. Hays kung marunong lang talaga ako maglakad edi kinuha ko yang dalawa.

"Ohh! Ano anak meron ka ng napili?" kahit kailan tlga si mama ehh! Ayaw ko nga ehh.

Hmmm! Ayaw ko naman ma-disappointed yung kaibigan ni ate. Kaya sige pipili na ko.hmm! Teka yung ano--

"Ano na? Hurry up" may lakad kaya sila parang aalis yung pupuntahan nila ehh

Tinuro ko yung color ligth violet with glitters.hmm hindi ko rin madsosout. Binigay agad sakin yung high heels mukhang mabait naman yung kaibigan ni ate, magaan yung pakiramdam ko pero may something ehh? Ano kaya yun?.

Lumabas sila agad tapos nag roll yung eyes sakin ni sabay smirk aba! Ano kaya nakain nun parang abnormal na. Whahaha!!

*Ding dong*

Kinakabahan ako baka sila tita Tel na yun. Pumunta ako agad sa pinto nag dadasal pa ko na hindi niya kasama si nike. Pagbukas ko.....

"Hi Nica, pwede ba kaming pumasok jan" malamang papapasukin ko sila.pero sabi ko na ba ehh kasama niya yung anak niyang ---- ehh!

"Sure tita. Come in" ngumiti ako sa kanya :-)

Pumasok na kami ni tita tel baka ano pang isipin ng lalaking to..

Pumunta ako sa kwarto para kunin yung high heels na yan. Bumaba ako agad kaso hindi ko pa rin nakikita yung katawan ng lalaking yun sa loob ehh! Ba't ayaw niya bang pumasok dito ang init kaya sa labas.

"Ahh! Tita tel eto po yung high heels ohh" ngumita siya sakin

"You know nica, bagay sayo to" nang bola pa hahaha. Alam kong hindi naman tlga totoo ehh.

"Kain muna tayo" yes! Gutom na rin ako, pero teka yung lalaki na yun hindi pa rin pumapasok. Gusto niya yatang umitim.

Umupo ako sa chair tsaka kinain yung masarap na luto ni mommy. Habang kumain ako tinignan ko sila mommy at tita tel na naguusap, hindi ako tsismosa no.

"Alam mo Veronica si nike ang totoong pangalan niya Niell Kennedy Wilston" kaya naman pala eh! Kaya nike kasi Ni+Ke. Pero brand yun ng sapatos ahh!.

"A-a-ah kaya pangalan ng anak ko Veron at Nica kasi kinuha yun sa pangalan ko" hehehe! Si mama nag shy pa.

"Ehh diba meron ka pang isang anak"

"Oo meron si Demi" si ate demi yung isa ko pang ate. May kapag kasungit yun. Kaya siya yung naiiba sa pangalan kasi gustong gusto siya ni daddy pero gusto niya rin kami nasa Australlia siya.gusto muna daw niyang mag isa kasi iniwan siya ng pinakamahal niyang tao.

Inubos ko yung pagkain ko tapos sinilip ko si lalaking yun. Alam ko naman pangalang niya pero ba't hindi ko masabi sakanya yun. Pagkasilip ko wala siya, asan ka yun? Bumalik ako sa living namin tapos start na kong turuan maglakad. Seryoso si tita tel sa pagturo sakin. Kaya seryoso din ako.

Habang tinuturuan ako si mommy tumatawa kasi naman pag maglalakad na ko yung paa ko kinakaskas ko lang sa floor. Ang hirap talaga maglakad pag nakasout ka ng mataas na heels. Pero sila mama at ate veron hindi si nahihirapan. Hehehe parang hindi ako naniniwala sa 'like mother like daughter'.

After 2 minutes

Hindi pa rin ako natututo

"Go! Nica kaya mo yan hooo!" parang bata lang si mommy.

Yang na nga sinasabi ko ehh madadapa lang ako neto kaya pinikit ko yung mata ko pero ba't hindi ko naramdaman na bumagsak ako sa sahig. Pagdilat ko nakita ko yung mata na kulay black na black tsaka yung makinis na mukha at matangos na ilong.

"Ayiieee!" nagulat ako sinalo pala ako ni yung lalaking to

Tinulak ko agad siya tapos sinamaan ko sila ng tingin. Pero yung puso ko tub tub tub hays kinilig ako ng sobra dun tsaka biglang slow motion...yu-yung paligid na parang kami lang dalawa.

"Thanks" sabay talikod. Hindi ko nalang iintayin yung sagot niya.

Umakyat agad ako sa taas para mag drama sa kwarto pero saglit lang yun. Bumaba ulit ako.
Simula ulit kami ng practice.. kasi ehh si mama pinapasout pa ko ng heels wala naman event. Tumingin ako dun sa lalaking yun. Nakatingin lang siya sa malayo parang may iniisip siya na malalim.. Nakita niya yata yung mahabang pilik mata ko. Hehehe!

After 6 minutes

Natuturo rin ako pero unting unti lang talaga. Hindi ko pa rin maiangat yung paa ko.

"Bye! Nica bye! Veronica" bati samin ni tita tel

"Thank you po.." tapos nag wave yung kamay ko tapos nakatingin lang yung lalaki sa kamay ko. Nagulat nalang ako kasi yung kamay niyang isa nilagay niya sa likod tapos nag wave din.. O_o   Ohh noo! Nag bye din siya. Pumunta agad ako sa kwarto ko tapos tumatalon sa kama ko para akong ewan nga  ehh! Tapos umupo sa upuan

Bakit siya nag ba-bye sakin. Shock kilig so much nako kanina para na akong matutunaw at mahihimatay >_< ....


____________

A/N : maraming salamat po...hehehe


ANG revenge ni NerdyquinnWhere stories live. Discover now