Chapter 9:mouse house
"Nica, come here" istorbo si ate veron... Nag-babasa pa ko ng libro
"Ate wait lang" bakit kaya ako tinatawag ni ate Veron
"Alam mo you are so g-r-r-r-r-r, Nica" lumabas nalang ako ng kwarto ko (istorbo) tapos sinilip ko siya sa baba, Takte naman ohh! Ba't anjan siya sa baba si Nike...."bilis nica baba ka na"
Bakit kaya andito yung lalaking to, bakit pinuntahan niya ba ko rito ?, hmmm hindi rin, bakit kaya pumunta siya dito tapos liligawan niya si ate? Hmm si ate 22 years old na to eh. Sabi ni tita Tel si Nike 17 years old palang ehh.
Bumaba ako tapos pumunta ako kay ate Veron.. Tinignan ko din si Nike mukhang malayo siya nakatingin, tinignan ko yung tinitingnan niya.. Hah! Yung picture frame ko may kasamang lalaki, bata pa ako niyan.. Matagal na rin yan, nakalimutan ko na yung pangalan ng lalaki ehh..
"Ate ba't mo ko tinatawag?" tanong ko
Ngumuso siya kay nike
"Ba't andito siya?" tanong ko ulit
"I don't know" haah ba't di niya alam? Ayaw kong tanungin si Nike buti siya nalang unang kumausap sakin.
"Sinusundo kita" tama ba narinig ko? Sinusundo niya daw ako?! Wee?
"Bakit? Sinusundo mo ko? Saan mo naman ako dadalhin" ang Weird naman
"Ulyanin ka" aba! Wala siya sinabi sakin eh na susunduin niya ko dito
"Teka! Wait!" bigla niya ko hinila palabas tapos tumingin ako kay mommy naka ngiti lang sakin.
"Hoy! Kunin mo nga pala yung high heels mo" ahh! Ayun naman pala ehh! Tuturuan ako mag lakad na suot ang high heels.
Kinuha ko sa taas yung high heels ko tapos bumaba ako.
Sumakay ako ng kotse.
"Oops! Dun ka sa likod, close the door" kainis! Crush ko nga siya pero ayaw ko na. Isa siyang lalaking bad, oo alam ko pinagtanggol niya ko dun sa mga tatlong babae na bad.. Pero sa loob bad din siya.
***
Andito na kami sa bahay nila. Wow! Mansion yung bahay nila walang wala yung bahay namin sakanila pero malaki din yung bahay namin kaso hindi mansion. Pagpasok mo palang may fountain na. Tapos puro flower sa gilid at puno.
"Hi! Tita tel" ngumiti naman siya sakin.
"Hi! Din.. Baby boy dun ka muna sa taas" muntik na ko matawa, baby boy? Hindi bagay sakanyang tawagin baby boy. Sa bagay baby girl din tawag minsan sakin ni mommy.
Habang tinuturuan ako mag lakad suot yung high heels na yan. Kinausap ako ni tita Tel.
"Nica, kunin mo nga yung bag ko dun sa taas" sa laki ng bahay nila parang maliligaw ka na. Maraming pinto.
"Tita san ko po kukunin"
"Hanapin mo yung kwarto ni Nike tapos kunin mo dun" hala! Sa dinami dami nilang kwarto dun pa talaga sa lalaking yun.
Umakyat ako tapos hinanap ko yung kwarto niya buti nalang mabilis kong nahanap kasi may nakasulat na 'poging Nike' .. Kumatok ako dun ng isang beses pero walang sumasagot, dalawang beses ko na siyang kinatok wala pa rin, tatlong beses na wala pa rin.. Naiinis na ko kaya sumigaw na ko."Hoy! Lalaki buksan mo to" psst! Hindi niya pa rin binuksan.. Kakatok na sana ako pero binuksan na niya.
Halos malusaw na ko dito kasi nakatapis siya tapos walang suot na T-shirt kaya kita ko yung pandesal niya este abs.
"Bakit ba! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya