18

240 7 1
                                    

Gia's POV

"Zy, hija! Kamusta kana?" Tanong ni Tita Beng.

"Okay lang po, Tita. Kayo po?"

"Maayos naman, ito tumatandang maganda." Nagtawanan kaming dalawa.

"Happy birthday po pala, Tita." Bati ko st iniabot ang paper bag.

Tinaggap niya iyon. "Naku, nag abala ka pa, thank you, hija."

Inaya niya ako sa lamesa kung saan nakalatag ang mga handa, kumuha ako ng sapat ng pagkain na kaya kong ubusin.

Matapos kumain ay naupo ako sa sofa katabi si Tita.

"Kamusta naman ang Papa at Mama mo, hija?" Tanong niya.

"Okay lang po sila, hindi nga po sila nakasama dahil may trabaho po."

Lumapit ang photographer sa amin at kinuhanan kami. Tinawag ni Tita si Rome at itinabi sa akin.

"Ayan, ngiti kayo!" Sabi ni Tita.

Ngumiti ako kasabay ng flash ng camera.

"Ayan, may picture kana kasama ang crush mo, anak!" Pumapalakpak na sabi ni Tita.

"Mommy!" Sabi ni Rome.

Bumaling sa akin si Rome. "Pasensya ka na kayo Mommy ha, n-nagjojoke lang 'yon." Napakamot siya sa ulo.

Matapos ay umuwi na rin ako. Ng maalala ang sinabi ni Tita kanina sy napangiti ako.

Pero bakit ba ako ngumingiti?

Between AffectionWhere stories live. Discover now