Gia's POV
"Good evening po, Tita." Nagmano si Rome kay Mama.
"Good evening po, Tito." Nagmano rin siya kay Papa.
Napangiti si Mama sa akin. "Aba ay napakagwapo naman ng manliligaw ng aking anak." Sabi ni Mama.
"Ma, si Audi po 'yan." Ng sinabi ko iyon ay nagulat si Mama.
"Aba, ay hijo hindi kita nakilala." Niyakap niya si Rome.
Natawa kami ni Papa sa relasyon niya.
"Oh siya, tama na 'yan at may lakad pa silang dalawa. Next time na lang kayo mag catch up." Sabi ni Papa.
"Sige, mag iingat kayo." Sabi ni Mama.
"Ingatan mo ang anak ko ha, ipagkakatiwala ko siya sa 'yo. Walang curfew, may tiwala ako sainyo." Sabi ni Papa.
"Yes po, Tito." Sagot ni Rome.
"Mauna na po kami," Paalam ni Rome sa kanila.
"Ma, Pa, alis na po kami." Paalam ko.
Sumakay na kami sa kotse at umalis na.
: )