PROLOGUE

202 28 52
                                    

    Impit na mga sigaw at halinghing. Ang gabing malamig ay pinaiinit ng bawat silakbo ng damdamin. Nakararahuyo ang kaniyang kagandahan. Nakaaakit ang taglay niyang alindog at kariktan.

    "Ahh! Ughh!"

    Kay sarap pakinggan ng bawat pag-ungol niya dahil sa sarap na nararamdaman.

    Naghalo na ang aming mga pawis. Ilang ulos na lamang at maaabot na namin ang rurok ng kaligayahan.

    "Ughhh!"

    Lupaypay na ang kaniyang katawan at tila lantang gulay na nakahiga sa kamang basa na ng pawis at katas naming dalawa, habang ako naman ay nakatayo lamang sa gilid nito; tila walang kapaguran. Nais ko pang namnamin ang huling gabing makakasama ko siya.

    Pinakatitigan ko ang kaniyang maamong mukha. Hinding-hindi ko makalilimutan ang imahe niyang iyon. Pinatay ko ang ilaw at tumabi sa kaniya sa pagkakahiga. Niyakap ko ang kaniyang kahubaran at dinama ang init ng kaniyang katawan. Muli ko siyang hinagkan sa kaniyang mga labi, pisngi, hanggang sa kaniyang leeg.

    "Uhm... Hmmn..." mahinang pag-ungol niya.

    "Ano'ng nakikita mo?" tanong ko sa kaniya.

    "Wala. Masyadong madilim," malanding bulong niya.

    Napangisi ako. Muli kong binuksan ang lamp shade at pinagmasdan ang mukha niya habang nakapaskil sa kaniyang mga labi ang isang matamis na ngiti.

    "Ngayon, ano'ng nakikita mo?"

    "Baliw! Siyempre, ikaw. Ano bang klaseng tanong 'yan?"

    "Hmm... I just wanted to know what those beautiful eyes are seeing."

    Napatawa siya sa sinabi ko saka niya ako kinabig papalapit sa kaniya. Nang magtagpo ang aming mga labi at muling maghinang ay nagising ang hindi dapat magising. Ngunit huli na upang pigilin pa ito. Hindi na ako makapaghintay. Nasasabik na ako sa kaniyang mga mata.

    Pumatong ako sa kaniya at sinabunutan siya. She moaned while my lips travelled down her neck, nibbling her skin and leaving marks on it. Dumausdos ang kamay ko mula sa buhok niya papunta sa mukha niya habang patuloy pa rin sa paghalik sa katawan niya. At nang makapa ko na ang kaniyang mga mata ay unti-unti kong ibinaon ang mga daliri ko sa mga iyon.

    "Ahh!"

    Ang kaninang mga halinghing dahil sa sarap ay naging isang sigaw ng rimarim.



    Naputol ang pagtitipa ko nang makarinig ako ng sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng aking kuwarto. Inis kong ginulo ang aking buhok saka inihilamos sa mukha ang aking mga palad. Padaskol akong tumayo saka tinungo ang pintuan. Pabagsak kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Serene, ang asawa ko.

    Napako ang kaniyang tingin sa hubad kong katawan at bahagyang tumikhim nang makahuma. "Magkape ka muna, Marcus," aniya saka pumasok sa kuwarto at inilapag ang tasang dala niya sa lamesa.

    "Tsk. Serene naman. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yong h'wag mo 'kong iistorbohin kapag nagtatrabaho ako?" iritable kong anas sa kaniya.

    "S-sorry. Baka lang kasi kailangan mo nito."

    Napakamalumanay ng boses niya. Bagay na bagay sa pangalang ibinigay sa kaniya ng mga magulang niya. Napabuntonghininga na lamang ako saka mariing pumikit. Pagdilat ko'y nilapitan ko siya saka niyakap ng mahigpit. Hindi alintana ang kulay pulang likido na nagmantsa sa aking balat.

    "H'wag mo na lang uulitin sa susunod."

    Ginantihan niya ako ng yakap saka tumango. Hinalikan ko ang kaniyang noo bago siya ihatid sa pintuan.

    "Hintayin mo akong matapos dito. Sabay tayong kakain."

    Nakangiti siyang umalis sa harapan ko kaya naman agad kong isinara ang pinto at muling bumalik sa pagtitipa.

    Muli akong pumikit at sinariwa ang mga pangyayari kani-kanina lamang. At nang hindi ko makapa ang emosyong nais kong ipakawala ay muli kong tinignan ang duguan at walang buhay na katawan ni Veronica. Hindi ko mapigilang mapangisi nang maalala ko ang kaniyang itsura. Kung paano siya magmakaawa na huwag ko siyang saktan. . . Na huwag ko siyang patayin. But it is already too late. Siya mismo ang nagbato ng sarili niya sa akin. Sino ba naman ako para humindi? Ika nga nila, masamang tanggihan ang grasya.




    "Ngayon, Veronica. Ano nang nakikita mo?"

    "Ahh! D-dugo! H'wag! Maawa ka Matthios! H'wag!"

    Umalingawngaw ang sigaw niya sa kabuuan ng kuwarto habang ako nama'y tuwang-tuwa sa aking ginagawa. I really love her eyes, and I want them for myself. Wala akong pakialam kung gaano man kalakas ang mga palahaw niya dahil wala namang makaririnig sa kaniya mula sa labas. This room is sound proof; only built for my fetish and darkest desire.

    Pilit niyang hinahawakan ang mga kamay ko upang pigilin sa mga balak kong gawin sa kaniya. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak ko sa mukha niya, at kung ikukumpara ang lakas niya sa lakas ko ay wala talaga siyang panama.

    Naghalo na ang dugo at luha niya, umaagos ito sa kaniyang makinis at mamula-mulang pisngi. Mas lalo ko pang idiniin ang mga daliri ko sa mga mata niya upang dukutin, ngunit maingat pa rin upang hindi mapisa ang mga ito.
   
    Nagpapapadyak pa siya at pilit nanlalaban, habang ako ay hindi magkamayaw sa galak nang sa wakas ay matagumpay kong nadukot ang kaniyang magagandang mga mata. Dinilapan ko ang dugong nakapalibot rito at napapikit nang malasahan ang mala-kalawang na lasa niyon. Malansa ngunit nakatatakam.

    Umalis ako sa pagkakadagan ko sa kaniya at nagtungo sa lamesa kung saan ko ipinatong ang isang garapon. Pagkatapos ay maingat kong isinilid roon ang magagandang mga mata ni Veronica.

    I watched her cry in pain and agony while blood were gushing out her face. 'Yan ang napapala ng mga babaeng uhaw sa mga lalaki. If she is a virgin, maybe I can spare her life. But she's not.

    Muli akong lumapit sa kaniya dala ang isang cutter. Sinabunutan ko siya saka dahan-dahan ngunit madiin na pinadaan ang patalim sa kaniyang makinis na leeg. Muli pa siyang sumigaw bago manginig ang kaniyang katawan at tuluyan nang manlupaypay at mawalan ng buhay.



    I can be a saint. . . But who said saints can't rip the hell out of someone?

    I can. . . Because I am St. Ripper.
   

Under The Skin | COMPLETED✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon