Chapter 4

60 17 33
                                    

    "Hon . . . Breakfast is ready! Kain na tayo."
   

    Ang nakangiting mukha ni Serene ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata ko. The sun is already up and is shining brightly. It's rays flooded my room, making me squinch my eyes. I blinked a few more times until my sight adjusted to the light and gave her a sweet smile.

    "Good morning, hon," I greeted her and pull her on top of me to gave her a hug and a peck on her cheek.

    Nagkatitigan kaming dalawa habang parehong nakangiti, na para bang normal lamang ang mga pangyayari araw-araw para sa aming mag-asawa. Na para bang namumuhay kami na katulad ng iba . . . Masaya, kuntento at walang itinatago.

   "Kumusta ang tulog mo?" malambing na tanong niya sa akin.

    "I slept well. Thank you." I am sincere with what I said. Siya lagi ang dahilan kung bakit masaya ako at nakakatulog ng mahimbing; dahil sa mga babaeng dinadala niya sa akin.

    Marahan niyang pinisil ang ilong ko at umalis na mula sa pagkakadapa sa katawan ko. "Maghilamos ka na at mag-toothbrush. Kakain na tayo. Hintayin kita sa baba, ha," aniya saka lumabas na ng kuwarto.

    Napabuntong-hininga ako saka napatitig sa sariling repleksiyon ko mula sa salaming nasa kisame na katapat mismo ng aming kama. Isang malaking ngisi ang gumuhit sa aking mga labi.

    I wonder who will it be today. I can't help but to be excited. Sana lang ay hindi ako biguin ni Serene.


    Pagkatapos naming mag-almusal ay dumiretso agad ako sa study room upang linisin ang isinulat kong kabanata kagabi. Ito ang kadalasang ginagawa ko kapag wala pa ang aking inspirasyon sa pagsusulat.

    After cleaning my draft, I immediately publish it on one of the writing platform where it has an exclusive contract. Hindi ko pa man ito maaaring maipasa sa mga publishing house ay kontento na 'ko sa dami ng tumatangkilik at patuloy na nagbabasa nito. Kumikita pa rin naman ako rito kahit papaano. At isa pa, nalilibang ako sa mga komento at kritiko ng ilang mambabasa. Mas lalo akong ginaganahan kapag nanggigigil, naiirita o nagagalit sila sa karakter kong si Matthaios. That just means I made an effective character. Doon pa lang ay nagbubunyi na ang kalooban ko.

    I'm just scrolling and reading some comments when I heard my phone rang. Nang makita kong ang kapatid kong si Martina ang tumatawag ay agad ko itong sinagot. May bahid pa ng pagtataka ang aking isip kung bakit mukhang napapadalas yata ang pagtawag niya sa 'kin. I just find it odd. Dati-rati lang ay wala silang pakialam sa mga ginagawa ko, pero sa ginagawa nila ngayon, tila nagkakaroon na ako ng ideya.

    "What made you call? Ano na namang nakain mo?" walang ganang bungad ko sa kaniya.

    I heard her heave a sigh before she spoke, "Hmm . . . S-si Mama kasi . . ." she trailed off.

   "O? Ano'ng mayroon kay Mama?" Napasandal ako sa back rest ng inuupuan kong swivel chair habang hinihintay ang sagot niya.

    "P-pinapatanong niya kung may extra ka pa raw bang ano . . . Alam mo na . . ." Bakas ang hiya sa tono ng pananalita niya.

    Tsk!

    Sino bang hindi mahihiya? Hindi nila ako kailanman sinuportahan sa pangarap ko at ngayong namamayagpag na ako sa karerang pinili ko, saka sila susulpot na para bang kasama ko sila sa bawat paghakbang ko patungo sa kung nasaan man ako ngayon.

Under The Skin | COMPLETED✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon