Chapter 1 : A Cancer

15 1 0
                                    

Chapter 1 : A CANCER



Casper's POV

September 18, 2014 ang gabi na binalot ako ng takot at pag-aalala. Hindi ko maipinta ang kaba na bumalot sa aking katawan. Ang panghihina ng aking mga kalamnan. Ang hindi maipaliwanag na dahilan. Ang sakit na dumurog sa aking puso. Ang panaghoy ng bawat butil ng aking mga luha. Nakakapanghina

Masaya ang lahat noon habang nakaharap kaming nakaupo sa bonfire. Katabi ko si Delilah habang katabi naman niya ang kanyang matalik na kaibigan, si MC. Kasama ko din ang dalawa kung kaibigan, sina Joseph at Nikko. Kilala na sila ni Delilah mula nung umpisa. Nagpatuloy ang gabi na punong puno ng saya ang bawat isa. Walang makakapigil sa kasiyahang nararamdaman nila, maging ako ay hindi ko maitatanggi ang saya na nakaguhit sa aking mga labi.

"Are you happy?" Ang tanong ko kay Delilah. Napatingin siya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. Nakaramdam ako ng pagtataka ng makita ko ang nakakubling lungkot sa kanyang mga mata.

"Of course! Sino ba naman ang hindi magiging masaya, kasama kita at ang mga taong mahahalaga sa atin. Thank you for making me happy." Ang saad niya.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat at nagpatuloy ang masayang inuman at kwentohan

Sa loob ng mahabang panahon ay inalay ko na ang aking sarili kay Delilah, nangako ako na siya lang ang mamahalin ko at iingatan ko. Buong buhay ko ay nakalaan na sa kanya at para sa magiging mga anak namin.

Nagpasya kaming maligo muna sa pool upang mawala raw ng bahagya ang tama ng alak sa aming katawan. Dahan dahan ko pa siyang inalalayan dahil pansin ko ang pamumutla ng kanyang mukha. Nanghihina rin ang kanyang katawan, hindi ako sanay na ganito ang nakikita ko. Ang tamlay niyang tingnan na para bang may sakit.

"Okay ka lang ba?" Ang pangatlong beses kung tanong sa kanya. Tiningnan niya ako sabay tango niya bilang tugon sa tanong ko. "Ang tamlay mo, mabuti pa magpalit ka na ng damit, magpahinga na tayo. Let's go?"

"I'm okay. Nahihilo lang ako dahil sa alcohol, but don't worry, kaya ko ang sarili ko." Ang mahinang saad niya.

She's not okay, kita ko iyon sa kanyang mga mata. She's weak. Tinawag niya si MC upang magpasama sa comfort room. Tinanong ko pa ulit si Delilah kung okay lang ba siya at kung ano ang nararamdaman niya. Niyakap niya lang ako sabay bulong na okay lang siya.

Sinundan ko sila ng tingin habang paahon sa pool area. Nakaalalay si MC kay Delilah.

Ang kaba na nararamdaman ko ay sobrang lakas. Puno ng pagtataka ang aking isipan.

May hindi ba ako alam?

"Okay lang ba siya?" Ang tanong sa akin ni Joseph. "Mukhang nanghihina ang girlfriend mo. Okay lang ba siya?"

"Dude, sundan mo kaya baka kung ano na nangyayare doon." Ang saad naman ni Nikko.

Nagkatitigan pa kami ng ilang minuto bago ako umahon sa pool at mabilis na tinungo ang direksyon kung nasaan sila. 'May kakaiba sa mga nangyayare!' ang nawika ko sa aking isipan.

To My Beloved, DelilahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon