I-Rose

15.5K 235 4
                                    

I looked beside me. Nahihiya man ako, pero I need to ask Marnie to be my partner. Nakita ko kasi na karamihan na sa mga kaklase ko ay may kapartner na para sa project. "Uhm, Ma-"

"Sige ba!" masiglang sagot ni Marnie hindi ko pa man natatapos ang tanong ko. Agad syang tumayo at lumipat sa ikalawang row para sumama kay Arnold. Mukhang nahuli yata ako kung kaya kay Arnold na siya nakipag pares. Umiling ako at napayuko.

Well, it's not as if it's new to me if I don't have a partner right? I am sure that I can make the project alone. Dahan dahan akong nagtaas ng kamay para kunin ang atensyon ni Mr. Rivera.

"Yes, Caramela?" agad na tanong nya ng napansin ako.

"Sir, can I.. Will it be.. Ah.. Sir, can I do it alone?" nag aalangan kong tanong. I don't want to appear 'kawawa' dahil lang wala na naman akong kagrupo. Hanggang ngayon kasi na mag iisang linggo nang nagsisimula ang klase ay wala pa din akong nakakausap o nagiging kaibigan sa mga classmates ko.

I am not snob or anything. It's just that it's hard for me to fit in. I look like a geek. Like a nerd. I have this big glasses, and braces for obvious reasons. I will not deny too that I am smart. I graduated in elementary as top of our batch. Mula elementary ay ganito na ang nakasanayan ko. Alone.

Nakita kong umiling si Mr. Rivera bago ako tinignan at akmang tatango. Just then I heard a yawn coming from the back of the class. Halos lahat ay napalingon sa kaniya dahil sa eksaheradong pag-hikab. Nakita ko pa kung paanong namula ang tenga ni sir na para bang gusto siyang batuhin ng eraser.

"Wala pa din pala akong partner, sir. Kami na lang siguro ni Rose ang magpapartner." tila balewala niyang sinabi.

Nakita kong kumunot ang noo ni Mr. Rivera. "Rose?" nagtatakang tanong ni sir. Pati ako ay nag isip. May kaklase ba akong Rose? E karamihan sa kaklase ko ay moderno at sosyalin ang pangalan. Chloe, Beatrice, Samantha, Carlyn at kung ano ano pa. Tunog maganda, tunog sosyal. Mine? It's a simple Caramela. Minsan nga feel ko pang-aso ang pangalan ko.

"Yes, sir. Si Rose Melendrez. Sabi nya wala syang kapartner. Wala din po ahh" naputol ang sasabihin nya sa muling paghikab niya bago siya tumayo at lumipat sa tabi ko.

Nagtaas ng kilay si Mr. Rivera bago nagsalita nang naiinis. "Mr. Perez, at least have the decency to know your classmate's real name. It is Caramela Melendrez. Not Rose. "

Nagkibit balikat lang siya at agad na humarap sa akin. "Chandy Perez." Simpleng sabi niya saka ngumiti. I know him. Who wouldn't know him? Kapatid siya ni miss Charlotte. Ang reigning Miss St. Ives. Maliban doon ay siya mismo ay gwapo. Hindi lang minsan na may mga taga ibang sections ang sumilip sa klase namin dahil sa kaniya.

Maliban kasi sa gwapo sya ay andito pa siya sa pilot section. Kaya naman inassume na nang lahat na matalino at gwapo sya. I am not sure though. He's always quiet and doesn't seem interested to our topics. But what makes me curious is sa tatlong quiz na tinake namin, lagi siyang second to the highest.

"Now you two will be partners for the whole year for this subject. Kaya If I were you ladies and gents, you really should treat each other well. Ayaw ko na gitna ng taon at makikiusap kayo. This subject is an easy subject. Now, kindly pass a 1/4 sheet of paper with your name and your partner's name." agad akong kumuha ng papel at isusulat sana ang pangalan ko nang makita kong inabot sa akin ni Chandy ang isang 1/4.

Chandy Mar Perez
Rose Melendrez

"It's Cara-"

"But Rose suits you." putol nya sa pagtutol ko at bahagya pang tinagilid ang ulo. Wala akong nagawa kundi tumango.

I am even lucky to be able to talk in front of him. He's the kind of guy that can fluster you just by smiling. Lumunok ako at tumayo para sana ipasa na ang papel sa teacher namin. Pero binura ko muna ang nakasulat na Rose at pinalitan ng totoo kong pangalan.

After that day, ay lagi na siyang tumatabi sa akin. Kahit pa gawing alphabetical ang seating arrangent ay nagagawan nya ng paraan na magkatabi kami.

Pero hindi lang minsan na may naramdaman akong masama dahil sa set up na to. Deep inside me, I hoped and prayed that one day, e madevelop siya sa akin.

Siya ang naiisip ko habang pinapanood si Kim Chiu at Gerald Anderson sa movie na Paano na Kaya. Hindi ko maiwasan na di tumili nang naghalikan ang dalawang bida.

"You watch those?" tanong niya at dali dali ay tumayo ako para i-stop ang laptop.

"Anong problema mo?" tanong kong nagtataray.

"Kita mo to. Birthday ko. Tara sa bahay." simpleng sabi niya. What? Birthday nya? Paanong hindi ko alam? Tinitigan niya ako ng natatawa saka ako hinagisan ng isang paper bag. "Suot mo." kumunot ang noo ko pero ganoon pa man ay sinuot na din.

That's the first time na inuwi niya ako sa kanila. First time na magsuot kami ng couple clothes, at first time na umamin ako sa sarili ko na talagang patay na patay ako sa kaniya.

"We look a bit.. Uhm"

"Cute. Right?" Nakangiting sabi niya. Umiling ako. I was supposed to say stupid.

Nakahoody kami pareho. Hoody top ang kaniya while hoody dress ang sa akin. Ito yung mga nakikita kong suot ng mga Korean couples. Kinilig ako at may kaonting pag asa sa akin.

Baka nga gusto nya din ako. Na baka nga we feel the same way. Cliche na cliche man ang dating, pero masaya ako at umasa.

Just when I thought na pwede kami, just when I thought this is the happiest days of my life, he talked and say something that crushed my heart.

"Chandy, iho, is she your girlfriend? Ipakilala mo naman sa amin." tanong ng isang glamorosang babae. By the looks of it, this is her mom. Though she doesn't look like a mother of a high schooler.

Chandy chuckled. "My, this is Rose. She's not my girlfriend."

"So why are you wearing that couple clothes, then?" singit naman ni Ate Lotte. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. At dahil likas na mahiyain ay tatanggi sana ako ngunit naunahan ako ni Chandy.

"Girlfriend? Are you nuts?" pasigaw na tanong niya sa ate nya. At hindi pa sya nakontento. Dinugtungan nya pa ito ng isang mapait, matalim at masakit na "She's like my twin sister!"

That was one of the most painful line I thought I ever heard. But I thought wrong. Because that was just the beginning of my painful life.

Painfully in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon