Hindi ko masabi kung gaano ako kasaya ngayon, matagal na namin itong pangarap ni mama. Satagal ng panahon na aking pag hihintay ngayon nakapila na ako at mamaya ay aakyat na sa stage at kukunin ang matagal ko ng pinapangarap na papel. Ngayon ang aming graduation at sa wakas ay makakatulong na ako kay mama. maya maya pa ay tumunog na ang tugtog na pang graduation. Lahat ng tao dito sa venue kung saan gaganapin ang graduation ay masaya maya maya ay pinag handa na ang aming section dahil kami na ang mag ma marcha papunta sa mga upuan. Ng makaupo na ang lahat ng stdents na mag ga graduate ngayon ay may isang maikling speech ang aming head teacher at ang dean ng university na pinapasukan ko. Pag katapos ng speech nila ay nag palakpakan kami nag pahatid din ng mensahe ang mayor ng aming barangay.

And our summa cum laude of this year Fabyn Laura Croto. Lumakad ako papuntang stage upang sabitan ng medal at kunin ang aking diploma na matagal ko nang ninaasam mag bibigay na sana ako ng aking speech ng.......

"Laura... Laura ...... LAUUUUURRRRAAA....... Ayy summa cum laude "sabi ko dahil sa gulat

"Anong summa cum laude na  ka dyan laura nanaginip ka nanaman na gumagraduate ano?"  - sabi ng magaling kong nanay

"Bakit ba nay ang aga aga ehh" - tanong ko habang kumakamot sa ulo.

"Anong maaga laura 11 na ng umaga  bilisan mo na jan. Nakatapos na ako mag laba tulog kaparin "- sabi ni mama.

HALA!

"Pero bakit di mo ako ginising nay dapat natulungan kita" - sabi ko ang kulit kasi ni nanay ehh dapat ginising na lang ako.

"Naku nak alam ko naman na pagod at puyat ka kakabenta ng balut kagabi "- sabi ni nanay may sakit kasi si nanay kaya kailangan nyang maka inom ng gamot para di umatake ang sakit nya.

"Tumayo kana dyan at mag ayos at kakain natayo ng tanghalian di kana tuloy nag agahan "- sabi nya pa kaya nag ayos na ako at lumabas na pumunta ako sa likod ng bahay sa may poso para mag hilamos at mag toothbrush mamaya pa ako maliligo dahil kakain muna ako. Pagtapos ko mag hilamos ay pumunta na ako sa sala at tinawag na si nanay para kumain. Pag tanggal ko ng mga nakatakip na plato ay tumambad sa akin ang masarap naming tanghalian,   sinangag at piniritong tuyo diba ang sarap at may kape pa pala

"Nay hulaan ko ito pa yung ulam natin kahapon ng tanghali,  kagabi, ito din yung almusal mo kanina ano nay "- sabi ko kay nanay at sabay pa kaming natawa

"Ang galing mo nak hah pano mo nalaman?" - sabi ni nanay

"Ehh kasi nay ito padin yung Plato na pinag lagyan ko nung nag luto ako nito" - sabi ko sabay tawa

"Ohh sya kumain na tayo at mag titinda pa tayo ng gulay sa palengke "- sabi ni nanay sabay higop ng kape. Maya maya ay tumingin sa akin si nanay ng malungkot

"Pasensya kana anak huh alam kong gustong gusto mo na makapagtapos ng pag aaral pero wala kasi tayong pera eh, wala nga tayong pambili ng ulam ehh pasensya kana talaga anak ahh" - sabi ni nanay  habang tumutulo ang luha. Alam kong gusto din ni nanay na makapagtapos ako ng pag aaral pero sa hirap ng buhay at iniwan pa kami ni p..... Ayyy nevermind  ay di ko na natapos ang ang highschool kaya ayun.

"OK lang nay naiintindihan ko naman po at tsaka darating din ang araw na makakapagtapos din ako ng pag aaral "- yun nalang ang nasabi ko dahil yun lang ang alam kong ikagagaan ng loob ni nanay. Alam ko na hanggang ngayon ay nasasaktan parin si nanay sa pang iiwan  ng taong yun sa amin kahit matagal na yun.

Simula nasi noong di na sya nag paparamdam. si nanay na ang bumuhay sa akin kaya proud na proud ako kay nanay kasi kahit mahirap yung mga pinag daanan naming pag subok ay kinaya nya parin. Kahit na grade 10 lang ang natapos ko ay ok lang atleast may natapos at nakapag aral, di ako nag rereklamo na mahirap lang kami dahil alam ko na ginawa na ni nanay ang lahat para lang guminhawa kami pero dahil sa hirap talaga ng buhay ay nabale wala din.

"Tama na nga yang drama natin nay at mag tatanghali na "-  sabi ko nalang para di na malungkot si mama at ma divert na din ang usapan pag tapos naming mag tanghalian ay umalis na kami para mag benta ng gulay sa palengke.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You 'Til The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon