MORRIS POV:
8:30 na ng gabi pero hindi parin dumadating si Skyler para sunduin ako, ilang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi na siya sumasagot.
Kanina ko pa siya hinihintay dito sa office ko, naiirita na nag aalala na ako sa kanya because even text hindi rin siya nag rereply, napa tayo ako sa swivel chair ko nang bumukas ang pinto, I thought it's her pero hindi, pumasok si Patricia na may dalang dalawang malalaking plastic na puro chichirya at chocolate ang laman at walang imosyong inilapag sa desk ko ang mga yun without losing eye contact with me.
"Buong araw mo na akong hindi pinapansin, you treat me like other person!,you're acting like immature bitch!" Inis na sabi niya at inirapan pa ako ng gaga.
Kanina ko pa kase siya hindi pinapansin dahil sa away namin kagabi, pero wala naman na akong inis sa kanya ngayon, hinihintay ko lang talaga siyang mag first move para magkaayos kami, alam ko namang kahit patayin mo ang babaing to ay never kang makakarinig na mag sosorry siya sa akin, mas pipiliin niya pang mag effort kay sa mag sabi ng 'sorry' sa akin, kagaya ng ginawa niya ngayon, binilhan niya ako ng kung ano-anong snacks.
"Ano?!, tutunganga ka na lang sa akin!" Pagtataray niya, I automatically smile at lumapit sa kanya and planted kiss both of her cheeks.
"Wag kang magagalit!, ang pangit mo pag naiinis ka sa totoo lang" pang-aasar ko, pareho kaming natawa pero agad din siyang sumimangot at yumakap sa akin.
"So bati na tayo?" Tanong niya.
"May choice ba ako?" Tanong ko at niyakap din siya "hindi tayo pwedeng mag friendship over, marami ka ng nalalaman tungkol sakin, itutumba muna kita bago mangyari yun" I said dahilan para kumalas siya ng pagkakayakap sa akin at hinampas ang balikat ko "ouch!" Napatigil kami nang may kumatok.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang bodyguard ni Skyler.
"Ma'am, pinapasundo na po kayo ni Ma'am Skyler, di na niya daw po kayo masusundo dahil nag overtime po siya sa work, hinihintay na po tayo ng drive niyo sa labas" he said, kaya napa kunot naman ang noo ko.
"Overtime?, bakit hindi siya nag sabi?, I tried to contact her pero hindi siya sumasagot"I said.
"Baka po busy lang" sagot niya.
"Hintayin niyo lang ako sandali, lalabas na ko" I said, tumango lang siya kaya muli kong isinara ang pinto at humarap kay Patricia.
"She's gone again?" Tanong niya pero hindi ako sumagot "sis wag mong mamasamain tong sasabihin ko ha, pero...hindi ka ba nag tataka, minsan bigla-bigla na lang siyang nag oovertime sa work pero kapag tinatawagan mo yung phone niya hindi niya sinasagot or laging patay?" She said kaya napa kunot ako ng noo at napa cross arm.
"What are you trying to say?" Tanong ko.
"Hindi kaya She's cheating on you o may bagay siyang ginagawa na hindi mo pwedeng malaman" bigla naman akong napa isip dahil sa sinabi niya.
"Bakit kaya, hindi mo siya hulihin?, mag surprise visit ka sa work niya to check kung nasa ospital ba talaga siya" dagdag niya, bigla naman akong nagkaroon ng idea dahil sa sinabi niya kaya I grabbed my bag at nag tungong pinto.
"Ikaw na ang bahala dito" I said pero hindi na lumingon sa kanya at naglakad na palabas.
"Pupunta tayo sa ospital" I said sa bodyguard ni Skyler.
"Po-po?, pero Ma'am busy po si Ma'am Skyler" he said.
"I said pupuntahan natin siya and don't try to call her para sabihing bibisitahin ko siya...DON'T YOU DARE" pagbabanta ko.
BINABASA MO ANG
MY PSYCHOPATH WIFE
RomanceGenre: Dark Romance What if the person you loved most... was hiding a dangerous secret? She's everything-sweet, gentle, beautiful, and full of love. She makes you feel like the most important person in the world. But behind that perfect smile is a t...
