IVORY'S POV:
"Doc, kamusta na ang lagay ni Morris?" Agad na tanong ko sa doctor pag labas pa lang nito ng kwarto ko.
"Stable na ang lagay ng pasyente Ms. Herrera, mabuti na lang ay nasalinan agad natin siya ng dugo, sobrang daming dugo ang nawala sa kanya at kung hindi natin naagapan yun, siguradong bibigay na ang katawan niya" he said.
"So... What else do we need to do for her fast recovery?" I ask.
"Kailangan niya lang ng sobrang pahinga ngayon.... all we can do now ay hintayin ang paggaling ng sugat niya" he said. I just nodded at tipid na ngumiti sa kanya.
"Thank you doc" I said.
"Mauna na ko Ms. Herrera" paalam niya. Kaya inutusan ko ang tauhan ko na ihatid siya palabas.
Nasa tago kong property kami ngayon dahil hindi pa kami nakakahingi ng tulong sa mga pulis, dahil hanggang ngayon ay hindi pa sumasagot si Atty. Reyes para tulungan kami sa isasampang kaso para kay Skyler. Dahil paniguradong hindi kami pakikinggan ng mga pulis hanggat wala kaming napapakitang mga ebidensya. Family Hasegawa is a very influential family, they have many connections kaya mahirap silang makaaway.
I open my room door at pumasok ako, nakita ko si Morris na naka higa at may malay na, ngunit tila malalim ang iniisip nito.
"Morris?" Mahinang pagtawag ko sa kanya. Kaya dahan-dahan siyang lumingon sa akin.
"Kamusta na ang lagay mo?" I ask at umupo sa gilid ng kama.
"Hindi ko natupad ang pangako ko kay Skyler" she said habang naka tingin parin sa kawalan.
"Hindi ka ba masaya na nakatakas ka na sa kanya?" I ask. Ngunit na pa iling lang siya at tuluyan nang bumagsak ang mga luha nang lumingon siya sa akin.
"Papaano akong magiging masaya? Kung naiisip ko pa lang na ligtas na ko, but Patricia still in danger.... Siguradong papatayin siya ni Skyler" malakas nitong iyak.
So I hug her at pilit siyang pinapatahan.
"Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Pat" patuloy na malakas na pag-iyak nito na tila hirap na siya sa pag hinga.
I know kung gaano kahalaga si Patricia sa kanya, and I know na ganun din si Patricia para kay Morris, they are best friend since childhood. Kaya malabong mapag hiwalay silang dalawa.
"Shhhh.... Tahan na" I said softly at mahigpit paring naka yakap sa kanya to help her to calm her self.
"Don't worry walang mangyayaring masama kay Patricia... Maililigtas natin siya, I promise" bulong ko at hinalikan ang ulo niya.
"Hi-hindi siya nagdalawang isip na subukang iligtas ako kahit pa alam niyang mapapahamak siya" patuloy na iyak niya.
Kaya I just listen to her words habang nananatili parin ang mga braso kong nakayakap sa kanya.
To be honest, I miss this touches... it's been a long time since I experienced this, pero ayoko siyang nakikitang nasa ganitong sitwasyon. It's literally breaking my heart.
So I need to do something to save Patricia to that psycho.
Maya-maya pa ay pareho na kaming naka higa sa kama and her head resting in my chest while she's hugging me back,hindi ko na naririnig ang pag-iyak niya at tanging pag singhot na lang ang naririnig ko, kaya binalak kong umupo para harapin siya but she stop me at mas lalong hinigpitan ang pagkaka yakap sa akin.
"Stay... please" mahinang sabi niya, kaya hindi na ako kumontra pa at muli siyang niyakap.
Ilang sandali pa ay ramdam ko ng nakatulog na si Morris sa bisig ko.
So I gently remove her head in my chest at maingat iyon na inilipat sa malambot na unan at maingat na umupo paharap sa kanya. I look at her full of admiration.
I can't deny that I'm still in love with this woman, Morris is my ideal woman na tipong mapapasabi na lang ako na 'If its not her,it's not anyone'.
Kaya hinding-hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw si Skyler sa kanya, at hindi na din ako magtataka kung bakit napaka despirado niyang mabawi si Morris... Skyler is a great actress, biruin mo mahigit limang taon niyang nakayanang itago at magpanggap kay Morris na she's an angel and very innocent woman.
FLASHBACK
Kahit hirap at nanlalambot ang katawan ko dahil sa sugat at mga pasa ay patuloy parin ako sa pagtakbo, hindi ko alam kung saan man ako makakarating basta ang alam ko lang kailangan kong maka layo dito to save my life.
Patuloy lang ako sa pag karipas ng takbo hanggang sa makarating na ako sa isang liblib na daanan, napaluhod na lang ako dahil sa sobrang panghihina at umiikot na din ang paningin ko.
Pabagsak na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko, at agad akong napagapang paatras and look at her full of horror nang makita ko kung sino iyon.
"Wag kang matakot hindi kita sasaktan" she said.
"Please..." nanghihinang sambit ko at patuloy parin sa paggapang paatras.
"Wag kang matakot.... Tutulungan kita" malumanay na saad niya habang naka lahad ang kamay at inaabot ang pisngi ko.
"Calm down.... Tutulungan kitang makatakas sa kanya" mahinahong saad ng ina ni Skyler nang mahawakan na niya ang pisngi ko.... I just want to run pero hindi ko na din iyon nagawa nang magsimula nanamang umikot ang paningin ko at nawalan na ng malay... bago pa mangyari iyon ay naramdaman ko ng may sumalo na ng mga braso sa akin.
Sa muli kong pagmulat ng aking mga mata ay inilibot ko iyon at napansin kong nasa ospital na ako.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ng babae sa tabi ko kayat nag madali akong umupo nang makita ko nanaman siya. But she stopped me.
"Easy Ivory, wag kang matakot" she said at muli akong maingat na hiniga.
"Kakampi mo ko.." dagdag niya so I look at her confuse at mukhang napansin niya yun.
"Alam kong natatakot ka din sa akin because of my daughter... pero wag kang mag alala, hindi kita ibabalik sa kanya" she said.
Pero nanatili lang akong tahimik at nakatingin lang sa kanya.
Sinabi niya ang lahat sa akin pati narin ang lagay ng anak niya.
"Tutulungan kita....basta mag tiwala ka lang sa akin" she said at hinawakan ang kamay ko, I just nodded at tipid na ngumiti sa kanya.
Binihisan,pinakain,binigyan ng sariling bahay at negosyo, tinuruan ako ni tita Esther ng ilang taon. She help me to grow and help me to be a better person, pinapalitan niya din ang pangalan ko para hindi ako agad matunton ni Skyler at pinaturuan niya din ako ng self defence to protect my self.
END OF FLASHBACK
kaya hinding-hindi ko mapapatawad si Skyler dahil pinatay niya ang babaeng tumulong sa akin kung bakit nandito ako sa kinatatayuan ko ngayon, she killed my second mother at inagaw niya sa akin ang pinakamamahal ko.
Only a monster can deal with another monster
A/N:
UPDATE MASTER???
BINABASA MO ANG
MY PSYCHOPATH WIFE
RomanceGenre: Dark Romance What if the person you loved most... was hiding a dangerous secret? She's everything-sweet, gentle, beautiful, and full of love. She makes you feel like the most important person in the world. But behind that perfect smile is a t...
