Nakatayo ako sa harap ng isa sa pinakamalaking eskwelahan ng bansa. Hawak-hawak ang backpack ko ng dalawang kamay ko na tinungo ang entrance ng eskwelahan. May magagarang sasakyan akong nakakasalubong at namamanghang pinanood ang mga iyon. Merong mga dayuhan na sa tingin ko ay dito din nag-aaral.
Akmang papasok na ako sa nasabing eskwelahan ng harangin ako ng isang may kaidaran na babae.
"Saan ka pupunta Miss? Bawal magtinda dito. Hindi ito ordinaryong eskwelahan na pwede kang pumasok ng basta-basta!"
Wala sa sariling napasadaan ko ang kabuoan ko at ibinalik ang tingin sa nagsalita.
"Ahh, Hindi po ako tindera ng kung ano Maam. Dito po ako mag-aaral." Mahinahon kong wika at tinaasan naman ako ng kilay nito.
Aba, anong problema ng babaeng to sakin? Hindi naman ako mukhang gusgusin sa suot ko! Nakakainsulto naman to.
"Ay hindi na bago ang mga ganyang rason Miss. Luma na iyan kaya kung ayaw mong kaladkarin ka palabas ay umalis kana." Sabi ng babae at bumalik sa pwesto nito.
Agad ko itong sinundan at ipinakita ang ID ko!
"Ayan po ang patunay na dito ako nag-aaral! Kaya pwede na po ba akong pumasok?" Medyo naiinis na ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili.
Hinablot naman nito ang ID ko at front at back pa itong tinignan. Halata naman iyong hindi peke dahil kumikinang pa ito dahil sa seal na ginto. Parang hindi makapaniwalang tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Ahhh.. Scholar pala.." Sabi pa nito na umiiling pa. At binalik niyon ang ID ko.
Anong problema sa Scholar? TSk.
Agad ko iyon isiniwipe sa isang machine at bumukas ang isang salamin na sa tingin ko ay umiikot-ikot pa.
Nice.
Puri ko dahil napakaHighTech nito.
Pero hindi pala doon ako mas humanga. Kundi dito sa Lobby na may naglalakihang Flat screen TV. May malalaking sofa na parang lobby lang sa hotel ang nakikita ko ngayon. May front desk pa.
Ibang klase.
"Good morning students! Welcome back to WALTER HODDAR UNIVERSITY! FRESHMENS AND TRANSFEREES WELCOME TO THE HOME OF KNIGHTS!"
Malakas na sigaw ng lalaki na nanggagaling sa hindi ko malaman na kung saan siguro ay maraming speakers dito.
Lumapit ako sa front desk at may lalaki at babae doon na parang Receptionist na nakangiti. Ngumiti nalang ako dahil nakakahawa yung mga ngiti nila.
"Good morning Maam! Welcome to Walter Hoddar University! How may I help you?" Masayang bati sakin ng lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Gwapo ito at may dimple pa sa mukha matangos ang ilong may mahahabang pilik mata na parang babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/38295217-288-k17281.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden Identity
Storie d'amoreHampaslupa.. Gold Digger.. Malandi.. Dukha... At Mang-aagaw.. Isa sa mga salitang maririnig mo sa kanila laban sa akin. Pero sa kabila niyon ay ininda ko lahat ang masasakit na salita at mga pinaggagawa nila. Dahil pinalaki akong Malakas at Mat...