Chapter 3

33 3 0
                                    



A/N: Beau Mirchoff as Alexandrei Justine Sebastian. On multimedia! *_*






Briszk Briszk Briszk Briszk

Naramdaman kong parang merong umuugong sa bandang ulo ko. Hindi ko mawari kung ano iyon pero nakakapagsakit ito lalo ng ulo ko.  Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at napagtanto ko na cellphone ko pala iyon.

Mula sa cellphone ko ay iyon lang ang nagsisilbing liwanag ng paligid. Bakit ang dilim? At Nasaan ako?

Bahagyang tatayo sana ako nang biglang kumirot ang ulo ko.

"Urgh!"

Wala sa sariling napahawak ako sa noo ko at hindi sinasadyang napisil iyon.

"Aray!" Napaigtad pa ako dahil masakit talaga. TT_TT

Kinuha ko ang cellphone ko at alas syete na pala ng gabi. At kanina pa pala tumatawag si Nanay. Nilibot ko ang patingin nang mapagtanto kong nandito pa pala ako sa CR.

Pilit akong tumayo at hinanap ang switch ng ilaw at pinindot iyon. Bahagya pa akong nasilaw ngunit nakarecover naman agad.

"Tsk!" Napasinghal ako ng wala sa oras nang bumungad sakin ang itsura ko. Putok ang labi, may mga kalmot at ang masaklap pa ay sa bandang itaas ng kaliwa kong mata ay may hiwa na sugat na napuno ng tuyong dugo. At sa tingin ko ay sa paligid nito ay nagkukulay violet na. Argghh! Bwis*t!

Inis akong naghilamos at nilinis ang natuyong dugo sa mukha ko. Feeling ko ang lagkit lagkit ko na. Pagkatapos nun ay hahakbang na sana ako palabas nang biglang parang may kuryente na dumaloy sa kaliwang tuhod ko.

Aray ko. Pest*. Napurohan pa yata ako.

 

Iika-Iikang lumabas ako nang CR ng magvibrate ang phone ko.

"Oh nay Elsa. Okay lang po ako. Pauwi na ako. Pasensya na at pinag-alala ko po kayo. Opo. Sige bye." Mahina ko wika at pinatay na ang linya. Papunta na akong parking lot nang maramdaman kong may sumusunod sakin. Hindi naman madilim ang parking lot dahil maraming ilaw naman sa paligid.

Pinilit kong diretsong maglakad dahil may nakasunod talaga sakin.

"Move out." I said in a serious tone then turn around and saw five black suited men.

Nakangiti lang iyon at lahat may itsura. Ibang klase.

"Hindi ka pa din nagbabago.....Ella." tinig ng isang pamilyar na boses sa likod ko at agad ko iyong nilingun. Isang nakangiting binata na nakasuit din ito pero nakabukas lang ang butones ng polo nito.

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon