Chapter 2

36 5 0
                                    



A/N: Brandon Routh as Vladimir Augustus Romanov . Please see the multimedia! ^_^




Second day of class at napagpasyahan kong magmotor.  Nakarating na ako nang school at naghahanap ng bakanteng lugar para ipark itong motor ko.  Halos puro kotse ang nakaparada dito pero mabuti nalang at nakakita ako ng bakante.


Pero sa di inaasahang pangyayari ay may biglang sumulpot na kotse sa harapan nito at nabunggo nang motor ko ang likod ng kotse nito. Sh*t!


Agad kong inatras ang motor ko at sinuri ang kaunting gasgas nito. Sh*T!

Narinig kong pabalibag na sinara nito ang pinto ng kotse at nanlilisik na tinignan ang gasgas.


GULP

 

"What the hell did you do!!!" Nanggagalaiti nitong sigaw sakin


"What? Ako ang nauna dito tapos susulpot ka bigla? Ayan tuloy!" Mahinahon kong sagot sa kanya at ipinakita pa ang gasgas.


Pero nagbuga ito nang hangin na parang hindi makapaniwala sa narinig.


"WHAT? BOBO KA BA?? DON'T YOU KNOW HOW TO READ?" halos liparin na ako sa lakas ng hangin na lumalabas galing sa bibig nito. Pero joke lang yun talagang galit na galit na talaga siya.


"Pasensya ka na. Hindi ko naman nakita at dapat sana sinabihan mo ako before na SAYO pala ang lugar na to." Mahinahon kong sabi dito. Ayoko nang gulo. Pero parang galit na galit parin ito dahil umuusok ang ilong nito. LOL


Dahan dahan itong lumapit sakin pero hindi ako nagpatinag at nanatili sa kinatatayuan ko. Dahan dahan nyang inayos ang kwelyo ng damit ko at unti-unti itong hinihigpitan.



"Palalagpasin ko ito. Pero sa susunod na may ginawa ka pang katangahan hinding-hindi ako magdadalawang isip na gawing impyerno ang buhay mo. Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo. Maliwanag ba?" Nanggagalaiti nyang wika sakin pero hindi ako sumagot at nakipagsukatan ng tingin dito.


Marahas ako nitong binitawan na muntik pa akong matumba. TSK.


Matapang ka lang kasi mayaman ka.

 

Mahina kong bulong sa hangin at agad na naghanap nang bakante na lugar.


—-


Nakapasok na ako ng entrance nang may marinig na pamilyar na boses na nag-uusap. Kaya napalingon ako kung saan iyon pero napadapu ang paningin ko sa flat screen Tv nang masaksihan ang mga nangyari kanina.



WTF!

 

Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon