Black's POV
"You beat the geniuses for making such out of the world theory, Black. Well, it's all a lie though. But I'm really impressed." Pumalakpak pa ito.
"And you beat the most amazing actor and actresses by your acting, you sly fox." Naiiling na saad ko.
"Ikaw rin naman, ah? At mukhang balak mo pa talaga akong ilaglag." Nag-tsk pa ito ng ilang beses habang umiling-iling. "Mabuti na lang at matalino ako. Ang bilis kung mag-isip ng makatotohanan na palusot." Humalakhak ito na parang baliw. Tumagal pa iyon ng halos isang minuto. "Ah, my stomach hurts."
"Deserve."
"Ya!" Singhal nito pero nababagot ko lang naman siyang tiningnan. "But we really did a great job to avoid ourselves from being suspicious, no? We are really good at lying."
"Mukhang proud ka pa talaga?" Tanong ko at napangiwi na lamang. "Pero ano nga ba talaga yung ginawa mo? At paano mo nagawa?" Kunot-noong tanong ko.
"Remember that I'm a gray, lady. Add the truth that I am also an assassin. That task is not a piece of cake since I really did a lot of effort to execute it well. But it's not also impossible since I already made, right? I just almost use all my braincells just to execute that on the spot plan back then and on the spot lies earlier. Man, this is the first time that I put a lot of effort in just a single task."
"So how you really did it? Paano ka nakapunta rito sa building at nakabalik?" Pagtatanong ko pa ulit.
Alam ko na magaling ito pero nagulat pa rin ako na nagawan niya talaga ng paraan na alisin yung mga sagabal. Sa kaunting panahon lang ay nagawa niya na iyon. Nakapagplano na agad ito at nagtagumpay pa.
"Tell me how you execute it." Pangungulit ko pa rito para sabihin sa akin ang ginawa niya. "Tell me how you did it, Dale."
Nilingon naman ako nito habang nilalaro sa kamay niya ang tinidor na hanggang ngayon ay nasa kaniya pa rin. Akalain mo nga namang kaya mo palang pumatay ng daan-daang tao gamit lang ang isang tinidor.
"I really hate it when you call my name, Black. I wonder why." Saad nito at inihagis ang tinidor sa ere at sinalo iyon ng palad at nilaro ulit iyon gamit ang daliri.
It's a threat. I'm sure he's pissed because I called his name.
"I'll stop calling your name if you tell me how you did it."
"Noong nakita ko na napunta lahat ng atensiyon ng mga kasama natin sa inyo ni Heide ay umalis na kaagad ako at bumalik dito." Panimula nito at sumandal sa pader at kumuha ng sigarilyo mula sa bulsa. "Dahil alam ko na ang kabuuan ng lugar na 'to ay alam ko na rin kung saan dadaan na mas ikakabilis ko papunta rito. Halos labing limang minuto lang ay nakarating na ako ng walang problema. Pagkarating ay dumeritso ako sa taas at doon nagsimula. Dahil halos karamihan sa kanila ay hindi naman marunong lumaban ay hindi na rin ako nahirapan na patayin sila. Idagdag pa ang katotohanan na hindi sila magkakasamang lahat. Hiwa-hiwalay sila at halos nasa tatlo o apat lang sila sa bawat kuwarto kaya sobrang easy lang ng trabaho. Medyo nahirapan lang ako nang nasa first floor ako dahil may mga baril na yung mga tao ro'n at halos karamihan sa kanila ay marunong pang lumaban. Medyo hassle pero ayos naman." Pagkukuwento nito habang nakatingin lang sa harapan at patuloy sa paghihit-buga ng usok mula sa sigarilyo niya. "Tinuruan mo ng mabuti si Ion. Muntek niya pa akong mabaril kung hindi kaagad ako nakatakas. Ang batang 'yon... Ang talim makatitig at palagi akong pinagmamasdan na para bang inaalam ang bawat kilos ko. Mukhang ito ang unang nakapansin na ako yung traidor sa grupo."
"Ang itinuro ko lang sa kaniya ay ang paggamit ng pana. Si Heide ang nagturo sa kaniya kung paano gumamit ng baril." Saad ko at napalingon dito nang marinig ang mahina nitong pagtawa.
BINABASA MO ANG
THE UNKNOWN CITY
Mystery / ThrillerHeide Renier, a normal lady who woke up in the different place where she can't even call it home. It's like...she woke up in different world. A place of Ruins. A place full of monsters. A place where you hide, where you can run, but cannot ever esc...