Heide's POV
At hapon na nga kami nang makarating sa ospital. Maayos pa itong nakatayo kahit na may mga kaunting sira na ang ibang bahagi.
Lampas five na...
Pero wala namang mga halimaw na gumagala kaya walang problema.
"Huwag kang aalis. Huwag kang lalabas diyan. Hintayin mo kami hanggang sa makabalik kami." Pangangaral ko kay Jay na yakap-yakap ang sniper nito at tango ng tango. Halatang kinakabahan ito. Para itong batang takot ngayon. "Babalik kami kaagad." Nakangiting saad ko at tinapik ang pisngi niya ng mahina at tumalikod na at senenyasan ang mga kasama na pumasok na sa loob ng ospital. "Alam niyo ba kung nasaan nakalagay ang mga gamot?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi eh. Noong pumunta kami rito ay hindi namin nahanap dahil bigla na lang kaming sinugod ng mga halimaw." Sagot ni Red.
Ako ang nasa harapan at si Red ang nasa kanan habang si Green naman ang nasa kaliwa at si Mang Edie ang nasa likod. Kailangan na may nakatingin sa bawat bahagi dahil baka bigla na lang sumugod ang mga halimaw na nandirito. May dala kaming apat na kaniya-kaniyang flashlight na siyang ginagamit para makita ang dinadaanan at paligid. Sa ngayon ay wala pa naman kaming nakikitang mga halimaw. Maski isa ay wala.
Nang tuluyang makarating kami sa ward ay napagdesiyonan na naming apat na maghiwa-
hiwalay para maraming lugar na mapuntahan at mapabilis ang paghahanap. Lalo na at malapit pa namang gumabi. Kailangan talaga naming magmadali.Nagsimula na akong maghanap at tinitingnan ang bawat kwarto na mapapasukan. Dahil hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa ospital ay wala talaga akong kaalam-alam kung saan inilalagay ang mga gamot. Kaya wala talaga akong choice kung hindi tingnan ang bawat kwarto.
Maliwanag pa sa labas kanina pero dahil walang ilaw maski isa dito sa loob ay sobrang dilim. Tanging ang flashlight na hawak lang talaga nagsisilbi kung ilaw.
Napangiwi na lang ako nang may marinig na ingay sa isang kwarto na nasa gilid ko. "Masama ang kutob ko rito." Mahinang saad ko at agad na inilawan ang gawing iyon at nakita ang mga halimaw na nasa loob ng kwarto. Pero napakunot naman ang noo ko ng makitang mabagal ang galaw ng mga ito. Hindi iyong kagaya ng iba kung nakasagupa na hahabolin o susugurin ka kaagad. Ito ay iba, mabagal ang paglalakad pero halimaw pa rin.
Kinuha ko naman ang baril ko na may silencer at agad na pumasok sa loob ng kwarto at binaril ang lahat ng mga halimaw na gumagalaw. Nang maubos ang mga ito ay lumabas na ako at nagpatuloy sa paghahanap.
Pero sabi nga nila... Hindi palaging madali ang daan na tatahakin mo.
May mga halimaw na pasugod sa akin at sa pagkakataong 'to ay mabibilis na ang mga ito na gumalaw. Agad ko naman ang mga itong pinagbabaril pero napangiwi pa ako nang marunong ang mga itong umiwas. "Tangina. Ang talino." Nasabi ko na lang at inubos ang bala sa kanila pero tanging tatlo lang ang napatay ko. Hinigit ko naman ang isang katana at tumakbo pasugod sa kanila at agad na sinaksak sa mata ang isa at sinipa ang isa pa na balak sana akong kagatin sa braso. Inapakan ko ito sa leeg at itinarak din sa mata nito ang katana ko.
Ang hirap dahil hawak ng isang kamay ko ang flashlight. Hindi ko magamit ang isa kung kamay para umatake.
Umiwas naman ako sa isang babaeng halimaw na sumugod. Agad kung ibinaon sa dibdib nito ang katana pero nanatili pa rin itong gumagalaw. Kinuha ko naman ang isa pang baril na dala at binaril ito sa ulo at sunod na binaril ang iba na pasugod sa akin. Lahat ng mga ito ay binaril ko sa ulo. Habol-habol ko naman ang hininga ko nang tuluyang maubos ang mga ito.
Nagpatuloy na ulit ako sa paghahanap sa bawat kwarto na madadaanan. Tagaktak ang pawis ko kaya pinahiran ko naman muna ang mga ito dahil ang iba ay napupunta na sa mata ko.
BINABASA MO ANG
THE UNKNOWN CITY
Mistero / ThrillerHeide Renier, a normal lady who woke up in the different place where she can't even call it home. It's like...she woke up in different world. A place of Ruins. A place full of monsters. A place where you hide, where you can run, but cannot ever esc...