Chapter 18

6 0 0
                                    


It's been a week since I left Baguio. I'm still trying.. and practicing myself to socialize with other poeple. Pakiramdam ko ay na-trauma akong makipag interact matapos nang nangyari saamin nila Uno. I've also become elusive in making friends. Kahit na alam kong narito na ulit ako sa hometown ko, at alam kong narito ang mga totoong kaibigan ko ay mahirap pa rin para saakin. Lalo na't.. iilan palang sa kanila ang nakaka alam na nakaka alala na talaga ako ng lubusan. 


Ilang araw nalang ay magsisimula na ang pasukan para sa college. Inaasahan ko na rin na sa iisang University lang kami papasok ng mga kaibigan ko kaya't inaasahan ko na rin na malalaman na rin nila agad na nakaka alala na ako. Ang kinakatakot ko lang ay si Rhoyde. Hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi pa kami nakapag usap kahit isang beses man lang simula noong pumunta akong Baguio. 


Maraming tumatakbo sa utak ko. Paano kapag nakaharap ko siya? Anong gagawin ko? Hihingi ba ako ng tawad? Sasabihin ko ba sa kaniya na.. nakakaalala na ako? Anong dapat kong sabihin? Dapat ko ba talaga siyang kausapin? I don't know what to do.  I also don't want to lie to everyone and pretend that I still can't remember.. But, if pretending will make my life easier, should I pretend? Temporarily?


"Nagkausap kami ng Tita mo." Napalingon ako kay mama na naghihiwa ng gulay sa kusina. Kasalukuyan akong may ginagawang report sa laptop dahil ipapasa ito sa pasukan. 


"Kukuhanan ka niya ng condo sa Manila pagka graduate mo. Tutulungan ka niyang maghanap ng mga firm na pwede mong pasukan." Napako ang paningin ko sa ginagawa. Hindi pa nga sigurado kung makakapasa ako sa board exam, may plano na kaagad sila?


Ilang araw pa ang lumipas at ngayon na ang pasukan namin for college. Suot ko na ang uniform namin. Buti nalang at komportable ang uniform namin. Pencil cut skirt paired with tucked-in white long sleeves polo na may cover ng black blazer ang uniform naming law students. 


Sa ibang bayan pa ang University na papasukan namin ng mga kaibigan ko. One hour and half hour drive rin iyon. Hindi na kami nag-abala pa na mag rent ng bahay doon dahil kaya na rin naman naming mag byahe.


"Omg! Jihan?" Gulat na sigaw ni Mercedes nang makita akong naglalakad papalapit sa kanila sa school grounds. Hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas na bigla nalang lumapit sa kanila pagkarating ko dito sa University. 


Nakangiti akong lumapit sa kanila at lumingon kay Cassandra na tumango lang saakin at nakangiting tumingin saakin.


"Namiss kita." Nakangiting sabi ni Mercedes at niyakap ako. Lumapit din ang iba naming mga kaibigan at naki yakap maliban kay Cassandra. Ito rin ang unang pagkikita namin ni Cassandra simula noong umalis ako papuntang Baguio. 


Nang kumawala ang mga kaibigan ko sa yakap ay lumapit si Cassandra para yakapin ako. Nakangiti naman kaming pinanood ng mga kaibigan namin. 


"Ang gaganda n'yo." Iyon ang una kong sinabi dahilan para matawa sila. 


"Ang ganda mo rin." Nakangiting sagot ni Camilla. 


"Kumusta ka na, Jihan?" Si Cheonsa ang nagtanong. 

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now