Chapter 16

7 1 0
                                    


"Huh? Hindi naman tayo friends ah?"

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa tinanong ko! Pero, totoo namang hindi kami friends. Wala naman siyang nabanggit na kaibigan niya ako.

"Ay hindi ba? Akala ko kase, kaibigan mo yung nagsabing bagay mo yung beanie mo."  Pinanlakihan ko siya ng mata. Paanong narinig niya yung sinabi ko kay Ate Jez samantalang nasa loob kami ng bahay?!

"Hoy ikaw! Akyat bahay ka ba? Paanong narinig mo 'yan?" Tinaasan ko siya ng boses at pinandilatan ng mata.

"Huy, masyado ka! Anong akyat bahay? Hindi noh!" Agad niyang pagtanggi. "Nang dumating ako sa labas ng gate ninyo e parang may narinig ako na ewan ko kung sigaw iyon, mukha ka raw itlog sa beanie mo. Then, I heard you na sinabi mo sa kanilang sabi ng kaibigan mo e bagay mo. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagsabi sa'yong mas bagay mo ang pulang beanie. Hindi ba?" Nagtataka niya pa kunyareng tanong at umarte pang nag iisip.

"Dinahilan ko lang 'yon baka mamaya isipin nila may ano na ako dito sa school eh." Inirapan ko siya at muling ininom ang kapeng ibinigay saakin.

"Edi sana kaklase mo nalang ang sinabi mo instead of a friend." Natawa pa siya. Inaasar yata ako nito!

"Fine, friends na tayo. Iiyak ka yata kapag nireject kita na maging friend ko." Nginisian ko siya at tinawanan.

"Go, reject me as a friend." Lumapit siya at pinisil ang ilong ko. "But not a lover." Automatiko ko siyang kinurot ng matindi sa pisngi dahilan para mapasigaw siya.

"Ewan ko sa'yo! Dami mong sinasabi!"  Umirap ako at naglabas na ng libro para magbasa. Narinig ko naman din ang mahina n'yang pagtawa.

"Tignan mo, nakalimutan mo agad na sinabi kong gusto kita. Sakit ah." Muli ko siyang tinignan at nakita kung paano siyang umarteng masakit ang dibdib.

Seryoso akong tumitig sa kaniya at ngumiti.

"Can I court you, Jihan?" Muli akong napakurap sa tanong niya.

"Teka.. bakit..." Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya. "Bakit ang bilis naman yata?" Nahihiya kong tanong.

"Hm, alam mo bang naipakita na saamin ang picture mo bago ka pa pumasok dito?." Nanlaki ang mata ko at tumango naman si Uno. "Tuwing may lumilipat dito ay ipinapakita sa buong klase ang litrato ng magtatransfer. Para raw if ever na makita o makasalubong ang taong iyon ay pansinin daw namin."  Hindi ko alam na may ganoon pala silang gawain dito.

"And.. from the first time that I saw your face, in person.. There's something in you that I couldn't get over with, Jihan." Napailing ako at ngumiti.

"There, your smile. I love your smile. It suits you." Napunta rin sa ngiti ang gulat ko. I never thought that my smile suits me. Siya ang unang nagsabi saakin na bagay ko ang ngiti ko.

I let out a deep breath and face him. "Hindi ko kasi alam kung kaya ko na ulit pumasok sa isang relationship, Uno. As you can see..." Itinuro ko ang beanie ko. "Nagpapagaling pa ako." Nahihiya akong ngumiti at umupo ng maayos. "And... I haven't talked to.. my ex yet." I smiled bitterly.

"I understand that you still wanna talk to him, Jihan. And I do understand that you're still recovering. But just so you know, I would love to watch you grow and recover from the past." Muli akong napatingin sa kaniya. Uno smiled and hold my hand.

"I... I never asked a girl like this." Umiling ako at binigyan siya ng tinging hindi naniniwala. "I never had a girlfriend, Jihan. As far as I can remember, my last crush was five years ago."

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now