CHAPTER 1

2 0 0
                                    

DISCLAIMER: THIS A WORK OF FICTION NAMES, CHARACTERS, PLACES, BUSINESS, INCIDENTS, EVENTS AND EVEN THE AUTHOR'S PRODUCT ARE FICTITIOUS. ANY RESEMBLANCE IN REAL LIFE IS PURELY COINCIDENCE.

"Are you sure ma'am? Ayaw niyo po'ng mag chemo?" Nag aalalang tanong saakin ng doctor, masinsinan siyang naka tigin saakin at pilit akong kinukumbinsi tungkol saaking buwanang gamutan.

Ngumiti ako ng matamis at huminga ng malalim. Senyales na 'oo' talaga ang aking sagot sa kanyang tanong. He looked defeated, he smiled to me and gestured 'fighting'. We took handshake before I went out.

Malalim ang aking iniisip habang naglalakad sa mahabang koregidor ng hospital. Agad akong lumingon ng may kumalabit saaking balikat at agad namang bumungad saakin ang naka ngiting mukha ni Haiden. Siya ang anak ng may-ari nitong hospital.

"Nandito ka nanaman para manggulo saakin. Umuwi kana." Nang aasar ang ngiti niya habang pa simpleng nilalaro ang kanyang neck tie, parang batang nagpa pa-cute.

I scoffed and rolled my eyes. Ang hangin talaga kahit kailan.

"Bakit naman kita pupuntahan dito?" Tumalikod ako at nag patuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya saakin agad at padabog na naglalakad.

"Bakit ka nandito?" He fired back.

Hindi ako kaagad nakapag salita. Nag isip muna ako ng magandang excuse sakanya. It's been 3 years since I was diagnosed, stage 2 brain cancer. Sa tatlong taon na iyon, kami lang ng pamilya ko ang nakaka alam ng sakit ko. Ayokong sabihin sa mga kaibigan ko dahil hindi na nila kailangang malaman pa.

"U-uhm mom! I ran errands for mom." I smiled awkwardly. Tumango naman siya at mukhang naniwala sa palusot ko, magaling akong tao at ganoon din ang kaibigan ko. Hindi siya tanga para hindi maramdamang may kakaiba sa mga kinikilos ko, besides sakanila itong hospital na pinupuntahan ko para sa monthly check up. Isang tanong lang niya sa head nurse ng pangalan ko, malalaman na niya ang lihim ko.

Duda ako na may alam nga siya kase, normal lang naman siya kung umakto saakin. Hindi siya katulad nila mom and dad na over protective. Haiden is haiden, he is an overprotective guy friend, he will treat you like his sister but more on his girlfriend. Ka inlove inlove talaga ang ugali ng kaibigan kong ito, marami nang mga babae ang sumubok sa matigas niyang puso ngunit walang nag wawagi. All I wish is, I don't want the time to come that I Thessalonica fell in love to Haiden Leonelle. Iingatan ko ang pagkakaibigan namin at lalong lalo na ang damdamin niya.

Ang tanging hangad ko lang ay ang mamatay ng walang pagsisisi. Ang mamatay ng may ngiti sa labi, yung tipong alam ko na ginawa ko ang lahat ng gusto ko at naka tulong sa maraming tao. Iiwan ko ang aking pamilya at mga kaibigan ng maraming magandang ala-ala saakin.

Sumilip ako sa bintana ng maramdamang hindi umuusad ang trapiko. Kitang kita ko ang maraming sasakyan na naka linya sa kahabaan ng EDSA. Rush hour ngayon kaya maraming tao at mga sasakyan, pero pag EDSA ang usapan always traffic yan. I sighed and check my phone, bumungad saakin ang pangalan at mukha ni Haiden. I smiled remembering how the heck I took this epic picture of him. I read his message and told my driver to change our destination. May dinner daw ngayon na magaganap sa pamilya ng mga Valdez, Haiden's family.

Borrowed Time Where stories live. Discover now