CHAPTER 2

1 0 0
                                    

Agad akong tumayo ay dali daling kinuha ang aking bag sabay takbo papalit kanila mommy. Naiwan ko ang aking bagahe kaya si Haiden na ang nagtulak nito. Tumabi ako ka'y Maliyah habang hinihintay ang van na siyang magsisilbing service namin Habang kami ay nandito. Bumuntong hininga ako at inayos ang neck pillow na malapit nang mahulog mula sa pagkakalagay saaking batok dahil sa matindinding pagtakbo ko kanina.

"Ano 'yon ha? May nabubuo yata ng hindi ko alam, kayo ah madami na kayong secreto saakin."

Napatingin ako kay Maliyah ng bigla siyang mag salita. I looked at her seriously sensing what's with her. Nag seselos ba siya or what? Wala akong ideya dahil wala naman siyang emosyon na pinapakita. I looked at Haiden when he suddenly placed his hands on mine. He interwined our hands and squeezed it a bit. Muli akong tumingin kay Maliyah na ngayon ay nagtatakang nakatingin saaming kamay, sumulyap din siya saakin at inilipat ang tingin kay Haiden. Ngumiti siya at nagloloko ang kanyang mga mata na tumingin saakin, parang tinutukso kaming dalawa.

I pinched Haiden's hand and forcely grab mine. Tumikhim ako at pinaningkitan siya ng mata. Nagkibit balikat naman siya at Tumingin sa gawi nila mommy. Abala silang lahat sa kanilang usapan at wala silang pake saamin. Mabuti nalang at hindi nila nakita ang pangyayaring iyon, kung hindi tutuksuhin nanaman kami ng aming mga magulang at pilit papaaminin tungkol saaming relasyon Kahit na wala naman talaga.

Muli akong napatingin kay Maliyah at seryosong tinitigan. Naka masid siya sa malayo at pa simpleng inaabangan ang aming sasakyan. Hindi ko alam ang iniisi niya ngayon, maybe she's hurt? Alam ko na may crush siya kay Haiden, high school pa lang kami non may pagtingin na siya sakanya. At ako naman, sinusuportahan ko lang siya sa kanyang damdamin. Ako ang salarin kung bakit nag tratrabaho ngayon sa bahay nila Haiden si Maliyah.

Puwede ko namang kuhanin si Maliyah sa office bilang secretary ko pero pumilit siyang mag trabaho nalang daw siya sa bahay ng mga Valdez para makita niya araw-araw si Haiden. Pumayag naman ako at pumayag din si Haiden, hanggang ngayon ganon parin kahit na ilang beses nang inaalok nila mommy at daddy si Maliyah na magtrabaho sa company namin.

I think, Maliyah is deeply in love with him. Hindi lang niya ma amin amin dahil sa mga galaw na pinapakita ni Haiden. Obvious naman sa mga galaw ni Maliyah na may gusto nga siya sakanya pero itong lalakeng ito parang walang nakikita. Napaka manhid ng puso niya.

Lumipat ang tingin ko kay Haiden at napa-isip. Ano nga ba ako sakanya? Ako rin ay naguguluhan dahil sa kanyang mga galaw, minsan napaka sweet niya saakin to the point na napapaisip ako at napapatanong, gusto niya ako? Kind of weird pero, kinikilig ako sa tuwing hinahawakan niya ang aking mga kamay. Sa tuwing ipinagtatanggol niya ako at sa tuwing inaalagaan niya ako, alam kong mali ito kaya hindi ko na ipapagpatuloy. Kung ano man ang nararamdaman ko, kailangan ko nang itigil dahil may isang taong masasaktan.

Dumating na ang aming service at napili kong umupo nalang sa harapan. Hindi naman umimik ang karamihan except mom na pinagbabawalan ako dito sa harap dahil maalog daw, baka mauntog ako at ano pang mangyari. Hindi ako nakinig sakanya kaya tumigil narin siya sa pagmamaktol.

Pagkarating namin sa resort, diretso na ang lahat sa kani-kanilang mga kwarto. Ako din ay dumiretso na sa kwarto at ibinagsak ang aking mabigat na katawan sa may kama. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa matinding sakit ng ulo. Tumayo ako at kumuha ng tuwalya at roba, bahagyang naka pikit ang mata at dahang dahang dumiretso sa cr para mag shower. Napaka lagkit ng katawan ko dahil sa pawis kaya hindi ako makatulog ng maayos.

Borrowed Time Where stories live. Discover now