Chair 01

43 2 0
                                    

CHAIR 01: SHE'S SITTING AT THE WOODEN CHAIR.

KALIYA

"Wake up, bitch! Wake up, bitch!"

"Fuckin' shut up!" I groaned.

Pawisan akong gumising, same nightmare the heck? Palagi nalang 'yun ang panaginip ko this few days.

Hinampas ko ang alarm clock at nagtalukbong ng unan. Bakit parang ang bilis ng oras kapag tulog ka? Ugh kainis. I need to go to university. Final exam na para makapasa ako at makatungtong sa 4th year.

I do my morning routine. Skirt shit, fitted blouse with black necktie, nakasulat duon ang section at grade namin, at sa kaliwang bahagi ng blouse ay ang logo ng univ. Pinatungan ko ang aking uniform ng hoodie kong itim, kahit mainit ang panahon wala akong pake. I'm comfortable with it! Hinayaan ko lang ding nakalugay ang mahaba kong buhok na may highlights na blue. Nakakairita umagang umaga.

Pagkababa ko naabutan ko si Mama, inaayos na ang almusal. Ma-la-late ako kung kakain pa ako. Hindi na ako nagabalang batiin siya at kinuha ko ang isang basong gatas at agad itong ininom. Halata rin namang pinaplastik lang n'ya 'ko.

"Gatas lang ang gagalawin mo? Kumain ka muna." She said.

My eyebrows furrowed. "I'm late, and I'm fine." I said in cold tone.

Why is she acting like she cares about me. Bakit hindi nalang 'yung foreigner at anak niya asikasuhin n'ya.

"Pero—" I cut her word and walk away.

Wala akong oras makipag-plastikan. Nakakadagdag sama ng loob lang.

Mahaba haba ang lalakarin bago makalabas sa village namin. Mga sampong minuto rin. Bus lang sasakyan ko, kahit na may kotse naman ako. But I crash it last night, sira ang harapan nito at salamin. Buti nga nagana pa. Muka nga lang dinaan ng bagyo.

Kinapa ko ang aking noo kung nasaan ang gasgas na natamo ko sa drag racing na dahilan rin kung bakit nasira ang sasakyan ko. Malas ang laki ng pusta tapos natalo, madaya. Saka ko nalang ipapagawa, ayaw korin humingi kay mama baka sabihin pinaperahan ko nalang siya. Hinayaan ko muna sa garahe eh kung makita niya bahala na siya.

Nakaupo ako sa bench at naghihintay ng bus na daraan. Malapit lang naman ang univ dito pero napakatirik ng araw, nakakatamad rin maglakad.

Sa wakas nakarating rin ang bus. I wear my black headphone at sa dulo ako umupo para walang abala. Last day of exam. But I didn't review. Kapag nakapasa edi good, at kapag hindi bahala na puta ang mahalaga sanay ako sumulat at magbasa.

Wala pang twenty minutes ay nasa university na ako.

"Ano ba 'yan, Kuya? Hindi naman masyadong maiksi ang palda ko ah!"

"H'wag n'yong subukang tumakas, 'yung butones mo! Ikaw naman iayos mo 'yang polo mo ano ka siga sa kanto? Aba, pasok na! Ten minutes nalang isasara na ang gates!"

"Lintik na mga bata ito oh!"

"Kuya pati ba naman medyas ko?"

Walang pinagbago, mga wala paring kwenta. Reklamo ng mga security guard at students ang bumungad sa akin. Tss, puro pasaway.

WELCOME TO EAST STONE UNIVERSITY

I rolled my eyes. Great academic? Nice rules of shits? Smart students and teachers?  Popular or famous university? I tsked.

Sa sobrang linis tignan at maayos ang bawat batas siguradong may tinatagong dumi ang paaralang ito. Ay ayon ang inaalam ko.

Wooden ChairWhere stories live. Discover now