Chair 02

29 2 0
                                    

CHAIR 02: YOUNG, WILD, AND FREE FROM THESE SHITS.

CASSIAN

Siguradong isang damakmak na sermon na naman ang aabutin ko. Nakasarado na ang main gate paano naman halos thirty minutes na akong late. Kasalanan ko bang late narin natapos ang gig kagabi.

"Ayos!" galak na sambit ko nung hinagis ko ang aking bag sa kabilang pader. Dito ako dadaan para narin hindi ako makita nung mga sekyu.

Marahan akong umakyat sa pader hindi naman masyadong kataasan ay sanay na ako mag-akyat bahay lalo na kapag late ako nauwi sa bahay at hindi maabutan ni mama.

Hay! Sa wakas nakapasok na—

"Sa tingin mo makakaisa ka?"

Oh, tangina.

"Hehe, hi, Sir. Raymond." Mahinang sambit ko. At unti unting humarap sa matandang teacher namin na parang laging may galit sa mundo lalo na sa 'kin.

"Office now." Ma-awtoridad na sambit niya.

Patay.

"Late pumasok, umakyat sa pader, may pasa sa muka. Anong tingin mo sa paaralan na 'to play ground ah!" Isang hampas mula sa kartolina ang bumungad sa akin pagpasok ko sa teachers office.

Itong matandang hukluban na 'to talaga, trip na trip akong pagalitan.

"Ano na namang nangyayari, Sir. Raymond? Bakit si, Cassian na naman ang pinag-iinitan mo?"

Napangisi ako. And there's Sir. Oscar. Head teacher namin ang laging tigasalba ko sa lintik na Sir. Raymond na 'to.

"Konting konti nalang bibinggo na sa akin 'yang estudyante mo. Nakakasira ng araw." Inis na sambit niya at dinuro duro ako.

"Morning." Nadako ang tingin namin sa kakapasok lang na si Ma'am Lilith.

She's the most smart teacher for me. Halos lahat ng subject magaling siya magturo 'yung nga lang masyadong istrikta ang istura nito at hindi pa pala ngiti. Sayang maganda pa naman siya. Kung hindi ko lang teacher 'to baka matagal ko na tong pinatulan.

"Good morning teacher Lilith," bati ni Sir. Oscar dito, tango lang ang sinagot nito. Samantalang yumuko naman ako at napailing si Sir. Raymond.

"Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti." Naiiling na sambit ni Sir. Oscar.

"Pero maganda parin siya. Ikaw pumasok kana. Kung hindi ihahampas ko sa 'yo 'to." Saad ulit ni Sir. Raymond habang tinututok sa akin ang manipis ang mahaba niyang patpat.

Makalbo ka sana.

I tsked. Pagak akong ngumiti at nag peace. Bago lumabas ng office nila.

Pasipol sipol akong naglakad patungo sa aming classroom. Sinong magaakalang dahil sa donation ng magaling kong tatay mapupunta ako sa section ng matatalino.

Mabuti nalang at naihanda ko na ang supresa ko para sa lahat kahapon pa.

Mukang magiging masaya 'to.

"Ow, she's here."

Hmm, I already see my stress reliver.

Wooden ChairWhere stories live. Discover now