C7: Widowed Pearl

1 0 0
                                    

𝗞𝗔𝗜𝗧𝗜𝗘'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Walang tigil kakaiyak si Pearl sa yumaong na asawa habang ang lahat ay nasasaktan at natatakot sa mga nangyayari.

2 days na ang nakalipas matapos ang pagkamatay ni Sid at nung nangyari sa mansyon.

Walang nagawa ang pulis kundi ay manahimik na lamang. Wala kaming sapat na ebidensiya at binayaran din ni Nikolai ang mga pulis para makatakas sa krimen niya.

Napakahayop niya.

Umuwi na ako, nag-iisa ngayon sa kwarto, si Jordan ay hinayaan muna akong mapag-isa at nandoon sa bahay ng mga Evan.

Hindi ko mapigilan na mapaiyak. Madaming nangyari sa buhay ko at sa mga kaibigan ko nang dahil sakin. Ako ang may kasalanan ng lahat ng to. Ako.

Alam mo yung masakit? Yung akala mong tao na dadamayan at mamahalin ka habang buhay ay ngayon ang dahilan ng pagdudurusa mo.

Nikolai, bakit?

Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit parang.. bakit parang hindi mo yon nakita? Bakit ginago mo ako nung mga panahon na minahal kita ng lubos?

Sana hindi nalang kita nakilala. Sana hindi nalang kita sinagot nung araw na yon. Sana hindi nalang nahulog ang loob ko sayo.

Sana... hindi nalang kita minahal.

Napahiga nalang ako sa sahig habang hindi tumitigil ang mga luha sa pag-iyak. Hindi ko lang matanggap na sinayang ko ang oras ko sa isang tao na kailanman ay hindi ako tunay na minahal.

Ang tanga ko.

"𝗔𝗱𝗶.. 𝗮𝗸𝗼 𝘁𝗼, 𝗯𝘂𝗸𝘀𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝘁𝗼 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲." kumatok si Jordan sa pinto, nakauwi na pala siya at mukhag narinig pa ang malalakas kong pag-iyak.

Binuksan ko na ito at agad niya akong hinagkan, nagkadikit ang aming mga katawan habang dinadamdam ang tibok ng aming mga puso.

Nakaramdam ako ng konting kaginhawaan kapag kasama ko si Jordan. Lagi niyang pinaparamdam sakin ang pagmamahal niya.

Pagmamahal na hindi ko man lang naramdaman nung kasama ko si Nikolai. Oo, siguro kinilig ako pero, lahat naman yon ay peke kaya balewala yon lahat.

"𝗜𝗺 𝗵𝗲𝗿𝗲, 𝗼𝗸𝗮𝘆?" ngumisi siya at mas niyakap ako nang mahigpit.

Thankyou, Jordan.
Thankyou..

𝗣𝗘𝗔𝗥𝗟'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Nandito ako ngayon sa harapan ng kabaong ni Sid, nakaupo at nakatulala habang hawak-hawak ni Aki si Baby Sid sa tabi ko.

"𝗚𝗶𝗿𝗹, 𝗸𝗮𝗶𝗻 𝗸𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗮. 𝗕𝗮𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻." pag-aalala ni Aki.

"𝗬𝗲𝗮𝗵, 𝗣𝗲𝗮𝗿𝗹. 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴, 𝘆𝗼𝘂 𝗻𝗲𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝘀𝘁𝗿𝗼𝗻𝗴. 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗺𝗼." aniya ni Jazz habang hinahagod ang likod ko.

Tumulo ang aking mga luha, "𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗵𝘂𝗵𝘂𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀?" tanong ko. Ramdam ko rin na nasasaktan ang mga kaibigan ko para sakin.

"𝗧𝗵𝗲𝗿𝗲'𝘀 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗮 𝗿𝗮𝗶𝗻𝗯𝗼𝘄 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗿𝗮𝗶𝗻. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗵𝗶𝗻𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗼𝗯, 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗺𝗼 𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗺𝗼." ngumisi si Jazz na ikinagaan ng loob ko.

When The Past Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon