C10: Expose

2 0 0
                                    

𝗝𝗔𝗭𝗭'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Nandito ako ngayon sa bahay, umuwi muna ako galing sa mansyon ni Kaitie dahil kukunin ko ang kutsilyo ko para sa magaganap mamaya.

Nagpaplano kami para sa mangyayari sa Grand Celebration ng mga Oliver. At kailangan namin itong matagumpayan.

Papunta ako ngayon sa itaas, sa lumang kwarto ko. Doon ko yun nilalagay dahil natatakot si Jai sa kutsilyo kong yon.

Ilang minuto pa ay nakapasok na ako, maalikabok na ang lugar kaya napabahing nalang ako. "𝗔𝗔𝗖𝗛𝗨𝗨"

Nagsimula na akong maghanap, matagal ko nang hindi nagagamit yon kaya nakalimutan ko na kung saan ko yun nilagay.

Hinanap ko sa mga cabinet, drawers at iba pang pwedeng paglagyan non pero hindi ko to makita.

"𝗡𝗮𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆 𝘆𝘂𝗻?"

Nakita ko ang maliit na box sa ilalim ng dati kong lamesa, "𝗛𝗺𝗺, 𝗯𝗮𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼."

Pinuntahan ko na ito at dahan-dahang binuksan, hindi ko alam ang box na ito kaya natatakot ako sa kung ano ang nandito.

Bumungad sakin ang kutsilyo, finally. Matulis pa rin ito at kumikinang, kaya ito ang paborito kong gamitin.

Ngunit nagtaka ako, bumungad rin sakin ang bracelet na nasa tabi nito.

"𝗛𝗮? 𝗞𝗮𝗻𝗶𝗻𝗼 𝘁𝗼?"

Kinuha ko ang kwintas upang makita ito nang maayos. Ang bracelet na ito ay may heart-shaped pendant. Pero nagtaka ulit ako dahil hindi ko alam kung kanino ito.

"𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘆𝗮𝘆𝗮 𝗯𝗮 𝘁𝗼?" tanong ko sa sarili. Baka nga, baka sa mga yaya to. Imposible namang kay Jai e di ko pa siya nakitang sinoot yon.

Binalik ko nalang sa box ang bracelet at di na ito pinakialaman. Kinuha ko na ang kutsilyo at nagtungo palabas ng bahay.

𝗦𝗛𝗘𝗜𝗥𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩

"𝗔𝗻𝗼 𝗯𝗮?! 𝗦𝗵𝗼𝘁 𝗽𝗮!" sigaw ko kina Jane at Ezeila.

Nandito kami ngayon sa bahay ko, kasama ko ang dalawang mga bruhang to. Dapat nga ay si Jane lang ang kasama ko pero sumama din si Ezeila.

And yes, pinyansahan ko silang dalawa para makalabas ng kulungan. Si Ezeila ay alalay ni Jane doon, kaya sumama na rin siya.

"𝗛𝘂𝘆, 𝗵𝗶𝗻𝗮𝘆-𝗵𝗶𝗻𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗲𝗶𝗿𝗮. 𝗛𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗽𝗮 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗹𝗮𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗮." nagtawanan ang dalawa.

"𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗺𝗼 𝗶𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻?" pagpapatigil at pagbabanta ko sa kanila.

"𝗢𝗽𝗽𝘀, 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆." tumahimik nalang sila.

"𝗣𝗲𝗿𝗼 𝘁𝗲𝗸𝗮, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴. 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗺𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗽𝗶𝗻𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻?" tanong ni Jane sakin.

Ininom ko ang GSM Blue at tumingin kay Jane, "𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶𝘆𝗼."

"𝗧𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴-- 𝘀𝗮𝗮𝗻?" tanong ni Ezeila.

"𝗞𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗲𝘅 𝗸𝗼 𝗱𝗶𝗯𝗮? 𝗬𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗰 𝗻𝗮 𝘆𝗼𝗻.." panimula ko. "𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶𝗸 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗶𝗻!"

When The Past Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon