C8: Explosion

4 0 0
                                    

𝗔𝗕𝗜𝗘 𝗚𝗔𝗜𝗟'𝗦 𝗣𝗢𝗩

"𝗜𝗻𝗺𝗮𝘁𝗲 247, 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗮." aniya ng dalawang guard.

My time has come!

Niligpit ko na ang mga gamit at lumabas na ng kulungan. Inirapan ko lahat ng mga pulis na laging nilagang itlog ang pinapakain sakin. Mga peste!

Nagring ang aking telepono. Finally, makakaselpon na ulit ako matapos ang mahabang panahon ng pagdurusa.

Etong si Kaitie ay parang pusa, kailanman ay hindi namamatay. Madami na nng nagtangka sa buhay niya ngunit walang isang nagtagumpay.

Grrr!

"𝗢𝗵, 𝗮𝗻𝗼 𝗯𝗮? 𝗣𝗮𝗽𝘂𝗻𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗱𝘆𝗮𝗻. 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗹𝗮𝘅." sabi ko nang aking sinagot ang tumatawag.

"𝗢𝗸𝗮𝘆. 𝗦𝗲𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘀𝗼𝗼𝗻." naririnig ko ang mga tawa nito na parang baliw.

Binaba ko na ang telepono at sa oras na aalis na sana ako ay bumungad saking harapan ang isang itim na van. Lumabas ang dalawang lalaki na parang bodyguards, "𝗠𝗮𝗮𝗺, 𝗵𝗮𝗹𝗶 𝗻𝗮 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘀𝘂𝗻𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼."

Oh, wow! Laki naman ng budget ng taong yon. No wonder siya ang pinagkatiwalaan nung lolo naming walang utak.

Pumasok na ako sa van at nagtungo na kami sa mansyon ng mga Oliver.

Ilang minuto pa ay nakadating na kami, nilagay ko lang sa van ang mga gamit ko at pumasok na sa mansyon. Walang pinagbago, malaki parin ito at kumikinang ang malaking dyamanteng chandelier.

"𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼 𝗽𝗼, 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗔𝗯𝗶𝗲 𝗚𝗮𝗶𝗹. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗶 𝘀𝗶𝗿 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗮𝘀." sinalubong ako ni Jian na hindi ko ikinatuwa.

"𝗧𝘀𝗸, 𝗯𝗮𝘁 𝗸𝗮 𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼?" tanong ko. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pagtraydor niya saking ina.

"𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗽𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗶 𝘀𝗶𝗿 𝗡𝗶𝗸𝗼𝗹𝗮𝗶, 𝗺𝗮𝗮𝗺." sabi nito at tumango nalang ako. Pumunta na kami sa rooftop ng mga Oliver.

"𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼, 𝗔𝗯𝗶𝗲 𝗚𝗮𝗶𝗹." ang lamig ng boses ni Nikolai at lalaking-lalaki. Akala niya ata ay hindi ko alam ang totoong pagkatao niya.

Nililihim ba niya na siya ay isang bakla? Magagamit namin itong magkapatid laban sa kanya.

"𝗕𝗮𝘁 𝗺𝗼𝗸𝗼 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝘂𝗻𝘁𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼?" tanong ko.

"𝗚𝗿𝗮𝗯𝗲 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮𝗸𝗶𝗻, 𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻. 𝗪𝗮𝗹𝗮 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗱𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝘀𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻?" he smirked.

"𝗢𝗸𝗮𝘆. 𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂, 𝗰𝗼𝘂𝘀𝗶𝗻" sabay sarkastiko kong pagngiti.

"𝗝𝗶𝗮𝗻, 𝗶𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝘄𝗮𝗿𝘁𝗼 𝗻𝗶𝘆𝗮." tinawag niya si Jian, "𝗬𝗲𝘀 𝘀𝗶𝗿." at sumunod naman ito.

What?!

"𝗪𝗮𝗶𝘁-- 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗲𝗹𝗹 𝗶𝘀 𝗵𝗮𝗽𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴?" tanong kong naguguluhan.

When The Past Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon