#AshMatt: Past.

851 10 0
                                    

***

***

***

***

***

***

***

Right now, I'm driving our way to a Restaurant with my bestfriend John Lloyd Cruz...

" Bro, I heard na... you and Maja broke up last week. Is that true? " bigla naman akong napatingin kay JL saglit. Sumulyap lang ako kasi nag da-drive ako.

" Psh. Balita nga naman ang bilis kumalat. " sabi ko habang umiiling iling pa.

" Totoo yon? " sabi niya.

" Yes. It's a misunderstanding. " sabi ko sabay mabilis na pinatakbo yung sasakyan.

" Woohhh! Bro! Easy. Kung ano man yang misunderstanding nyo, siguro malaki yan, nag break ba naman kayo eh. " sabi niya habang pangisi ngisi pa.

" Psh. Gusto niya kasi kanya lang ang oras ko, can't she understand na I have more important things to do? " nag-iinit na naman ang ulo ko kasi naalala ko na naman! Badtrip.

" Siguro bro. Pero, sino ba ang nakipag break? Ikaw o siya? "

" Siya. " cold kong sabi para ma warningan si JL na tumigil na sa kakatanong.

" Okay. " sabi niya rin.

Siguro mga 10 mins. din na walang nagsalita samin hanggang sa napasigaw na lang siya.

" BRO WAIT! " bigla ko namang hininto yung sasakyan.

" Tsk. What?! " bigla niyang tinignan yung phone niya.

" Ito nga yon! Yung resto. nila Sarah! " sabi niya sakin habang binabalik sa bulsa niya yung Cellphone niya.

" Sarah? " Sinong Sarah yon? Girlfriend niya? Akala ko ba si Angelica Panganiban ang nililigawan niya?

" Sarah G. Sarah Geronimo! Ano kaba? Tagabundok? "

" Baliw! Lagyan mo kasi ng apelyido! Ang dami daming Sarah sa mundo! " sabi ko ng maypagka pasigaw.

" Tsk. Dito na lang tayo kumain, baka nandito rin kasi si Angelica eh. Tinext ko siya kagabi, sabi niya lalabas daw sila ni Sarah GERONIMO, kakain daw sila sa resto. nila Sarah kaya tumanggi siya sa alok ko kagabi na mag dinner kami ngayon. " grabe tong si JL! Stalker!

" Stalker ka talaga. Psh. " sabi ko na lang sabay patay sa makina.

" Syempre, gusto ko si Angelica eh. Haha! Tara bro! Sakin si Angelica, sayo si Sarah GERONIMO. " At talagang lagi na niyang ineemphasize yung Geronimo?

" Psh. Ayoko munang magka Girlfriend ulit. Sakit sa ulo eh! " sabi ko sabay park ng sasakyan at labas na ng pinto.

Papasok pa lang kami ng Resto. nagsalita si John Lloyd.

" Ayaw mo pang magka Girlfriend ha? Baka kainin mo yang sinasabi mo kapag nakita mo na si Sarah Geronimo? Hahaha. " psh.

" Ewan ko sayo. Basta ayoko pa. " sabi ko tsaka pumasok na sa resto.

" Bro! Tatanungin kita ng seryosohan ha. Nakita mo na ba si Sarah GERONIMO sa personal? " tanong niya na parang may hinahanap.

" Nope. Not yet. Sa TV pa lang. " napahinto naman siya bigla at napangiti ng nakakaloko.

" So, first time kayong mag mi-meet? " nag nod lang naman ako.

" Okay then let me introduce HER to YOU! " bigla naman akong nagtaka kasi bigla niya akong pinatingin sa likuran ko.

Pagbibigyan Pa Ba? [AshMatt F.F]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon