Chapter 5 - He's Hurt

367 6 1
                                    

Sydney's POV

"Anong nangyari kahapon? Tell us!!" Camille.

Andito kami ngayon sa tambayan kasama ang barkada, pero wala si James at Luke. May pinuntahan daw kasi silang dalawa, di namin alam kung saan.

"Wala naman. Dinala niya lang ako sa isang lugar kung saan ko pwedeng ilabas yung galit ko."

Tumango lang sila pero ngumiti si Sam ng nakakaloko. Ewan ko ba diyan. Kung pinag-uusapan kami ni Luke, parang tinutukso kaming dalawa. -______-

"Saan--" Camille.

"OHMYGOD LUKE!! What happened?!" Sam.

Kahit ako nagulat sa itsura ni Luke pero hindi ako nakareact.

He's full of blood. AS IN PUNUNG PUNO SIYA NG DUGO! Akay akay siya ni James dahil hindi na niya kayang maglakad. Pumutok yung labi niya tapos may sugat siya sa pisngi.

"Tangin*! Anong nangyari sa kanya James?!" Tanong ni Brando habang inaalalayan si Luke na makaupo.

"Nag-CR lang ako saglit eh. Tapos bigla siyang nawala. Hinanap ko siya sa buong school tapos nakita ko siya sa gym na ganyan na yung itsura. Hindi ko rin naabutan kung sino yung gumawa sa kanya niyan." James.

"Wala namang may galit kay Luke dito sa school ah? At tsaka grabe din yung guts nilang gawin 'to sa anak ng may ari ng school ha. Epic." Jenny.

"Alalayan mo yung paa, James!" Sheryll.

"Ugh.." medyo nasaktan ata si Luke nung ginalaw ni James yung paa niya.

"Ron, first aid mo si Luke bilis!" Sigaw ni Sam na kanina pa nagpapanic.

Pero bago pa makalapit si Ron sa kanya,

*blag!*

"LUKE!"

nawalan na siya ng malay.

**hospital

"Sino ba kasi ang gumawa nito kay Luke para mapatalsik na sa school!!!" Nanggigigil na tanong ni Samantha.

"Sam, walang may alam satin. Kahit si James nga na mismong kasama ni Luke hindi alam eh. Chill ka lang." Ron.

Natahimik naman si Samantha.

Unti-unti na silang umalis hanggang si Sam nalang at ako ang natira.

"Syd, baka hinahanap ka na sa inyo, ako na bahala kay Luke."

"Okay lang. Ikaw baka kailangan mo na umuwi?"

"Sure ka dito ka lang?" Tumango ako at ngumiti. "Okay I'll go ahead. Dalhan nalang kita ng damit bukas. Bye, Syd."

"Ingat ka Sam."

Umupo ako sa gilid ng kama ni Luke at pinagmasdan siya.

Para siyang bata pag natutulog, pero pag gising ang angas tignan. Oo, gwapo siya. Mahaba yung pilik mata, matangos yung ilong, mapupulang labi.. No doubt maraming nagkakagusto sa kanya.

Kahit may mga sugat siya sa mukha, gwapo pa rin siya. Pero meron siyang scar sa ilalim ng lower lip niya. Ano kaya nangyari ba't meron siyang ganun? Pero nakakadagdag pogi points ha.

Hindi kaya siya yung napanaginipan ko? Medyo hawig kasi.. Kahit malabo, parang nakita ko naman. Pero hindi ako sigurado eh.

Pero kung sino man siya, sana makilala ko na. Para naman siya nalang ang mahalin ko.

Man of My Dreams (KathNiel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon