Prologue
Malay mo, Tayo…
"P*tangina mo talaga, Ligaya! Huwag na huwag ka na talagang iinom na p*tangina mo!" Natawa ako dahil sa pangmumura sa akin ni Mayumi. "Umayos ka nga! Paano kita iuuwi nito sa inyo?!" sigaw niya pa.
Nakangiti lang ako habang nakapikit. Wala na akong pakialam kung anumang oras ay matumba na ako. Bahala na si Batman ika nga nila.
"Gago! Huwag mo yang iuwi. Tawagan mo na lang si Tita sabihin mo sleepover na lang. Kaya mo yan, Mayumi. Alis na ko," rinig ko na sabi ni Ron.
"Umupo ka na muna nga. Nahihirapan lang ang damdamin ko sa'yo!" Naramdaman ko na inalalayan niya ako paupo. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan. Nasa labas kami ngayon ng bahay nila at galing kami sa bahay nila Ron dahil birthday ng bunso nitong kapatid.
Narinig ko na may kausap siya sa phone sa hindi kalayuan. Siguro si mama na yun. Doon na naman nagsidhi ang damdamin ko. Nagsimula na naman akong humikbi at patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Naalala ko na naman yung sakit na nararamdaman ko.
"Mahal ko eh," humagagulhol kong sambit.
"Gaga! Anong mahal mo?! Ang tanga-tanga, girl! Tumigil ka nga diyan, Ligaya! Gosh! Papasok tayo sa bahay namin haler kunwari hindi ka lasing tandaan mo yan! Pagod na pagod na ako sa'yo! Kanina ka pa!" hasik niya.
Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari basta ang alam ko lang ngayon ang sobrang sakit ng ulo ko. Pagkagising ko ay nakita ko na mahimbing pa na natutulog si Mayumi. Dumiretso ako sa cr ng k'warto niya at naghilamos. Pagkatapos ay kumuha na ako basta ng damit niya dahil amoy alak ang damit ko.
Hindi ko na matandaan ang mga pinag-gagagawa ko kagabi. Nang makita ko ang phone ko sa ibabaw ng desk niya ay kaagad kong kinuha. Pag-open ko ay messages galing kay Mayumi ang nadatnan ko.
Mayumi:
Huwag mo akong tanungin dahil nakakapagod hindi ka naman maniniwala kaya ito na ang mga prof. Bahala ka! Magsisi ka!
Unang video ay kumakanta ako at panay ang english ko. Pangalawa naman naglulupasay na ako sa sahig at paulit-ulit ko na sinasabi na mahal ko. Pangatlong video ay yung halos maglupasay na ako sa tabi ng pinto at ayaw ko pumasok. Pang-apat ay umiiyak ako at sinasabi ko na mahal ko siya eh. Panglima ay wala puro lang ako iyak.
Kaagad ko itinapon sa kama ang phone ko at napasabunot sa buhok ko. Tumalikod ako sa gawi ni Mayumi at humarap sa may bintana.
"Hindi na talaga ako iinom," sabi ko.
"Ay talaga ba, Ligaya? Kingina mo," sagot ni Mayumi habang kinukusot ang mata at nakaupo na sa kama.
"Sorry," nag-aalinlingan kong sambit.
"Ilibre mo ako sa school tomorrow. Wala ng libre ngayon. Sabi pala ng nanay mo umuwi ka ng maaga. Bahala ka na basta sabi ko pinag-sleepover ka na nina mama kaya ayusin mo yang buhay mo dahil dignidad ng pamilya ko at ako ang nakatayo rito."
Dali-dali akong lumapit at sumampa sa kama saka yumakap sa kaniya.
"Sorry talaga. Promise gagalingan ko ang arte. Una na ako ah."
"Magbreakfast ka na muna." Umiling na ako. "Sure ka?"
"Oo. Need na eh."
Pagkalabas ko sa k'warto niya ay nakita ko ang mama niya.
"Tita, una na po ako. Hinahanap na kasi ako sa amin."
"Kain ka muna." Umiling ako. "Magdala ka na lang nitong sandwich oh."
Lumapit ako saka ko kinuha. Mas tatagal pa ang usapan kapag hindi ko tinanggap. Mabuti na lang at hindi naman ako nakakarinig ng kung anu-ano kay Tita. Siguro dahil kahit magkasama kami ni Mayumi ay talagang kahit lasing na lasing na ako hindi naman talaga umiinom si Mayumi kung nakainom man siguro isa o hanggang tatlong shots lang.
"Salamat po, tita. Una na po talaga ako."
"Ingat ka."
I nodded.
Nag-antay ako ng tricycle. Mabuti na lang din at mayroon kaagad. 15 minutes lang naman ay makakarating naman na kaagad ako sa amin.
Napabuntonghinga ako ng maalala ko kung bakit ako nagpakalasing. Dahil iyon sa ex ko. Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay kami at tuluyan na siyang lumantad sa publiko sa kung ano talaga siya pero nandito pa rin ako, umaasa na sana pwede pa.
Tanga na kung tanga yun na rin naman ang tingin nila sa akin. Hindi ko naman sila masisisi, kahit si Mayumi alam ko na pagod na pagod na rin siya sa akin. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi niya pa rin ako iniiwan.
Yes, I'm still into my ex. Kahit… harap-harapan kong nakikita na hindi na ako, na hindi na babae ang gusto niya. Na sinasaktan ko na lang din ang sarili ko. Na kahit na ako naman na talaga yung una hindi na magiging huli... baka nga talagang wala na… na hindi na pwede.
Can I still fix him?
AN
Give me your thoughts. Don't be a silent reader I want to interact with you all:)
BINABASA MO ANG
PAGITAN
RomanceLigaya is madly inlove with his ex. Handang gawin lahat at indahin ang sakit para sa mahal niya. Lahat ay kaya niyang gawin para rito. Knowing Joy, she can do everything even if it hurts. Devi is Joy's ex boyfriend who turns out gay after a month wh...