Chapter 2

37 6 7
                                    

Krist's Pov

         Matagal-tagal na rin kaming nandito sa loob ng kubo sadyang napakalakas parin ng ulan sa labas kaya wala talaga kaming pagpipilian kundi manatili dito at dito magpalipas ng gabi hanggang umaga.Hindi kumikibo si Singto,siguro dahil pagod s'ya o naiinis saakin.Nakaupo s'ya sa kahoy na higaan habang nakababa ang mga paa n'ya sa lupa.Lumapit ako sa unahan n'ya at lumuhod para tingnan ang paa n'ya kung masakit pa ba o hindi.

“Masakit pa ba?”. Ginalaw ko nang bahagya ang paa n'ya.

“Oy!!! Masakit pa,wag mo nang galawin!”. Kunot noong sinabi ni Singto.

“Gagawa-gawa ka ng mali tapos mag-rereklamo ka.”

“Ano namang mali ang ginawa ko? At isa pa,hindi ko nga alam kung bakit ako nandito.”

“Yan ang mali mo,alam mo kung bakit ka nandito.”

“Kung alam ko ba,tingin mo mag-aaksaya ako ng laway sa pagtatanong sa'yo?”.

“Hindi na ako nagtataka kung bakit nagawa 'to sa'yo ng sarili mong kapatid.” Sabi ko pa dahil doon ay mas lalong kumunot ang noo n'ya,aaminin ko ang kyut n'yang tingnan doon.

“Anong sinabi mo!?” Inis n'yang itinanong saakin yan,'di ko s'ya sinagot at inirapan ko na lamang s'ya.“Akala naman hindi ko narinig.” Bulong pa n'ya.

“Ano!?”. Tanong ko na parang hindi ko narinig ang sinabi n'ya,inirapan n'ya na lang din ako. “Isip bata!”.

“Sinong isip bata!?”.

    
        Tanong naman saakin ni Singto,ano singto bingi ka lang? Kailangan bang ulitin ko ng dalawang beses ang sinasabi ko ha? Lumapit ako sa kanyang unahan at yumuko upang maabot ang mukha nito at sandali akong ngumiti,na nagpa-urong ng bahagya sa ulo n'ya.

“Sinong isip bata?............ikaw.” Sabi ko at dumiretso na ako sa paliguan upang maligo.

      Ayoko nang humaba pa ang usapan namin kaya ako na ang umalis,nagpunta ako sa paliguan na tanging kurtina lamang ang humaharang dito,kung tatantsahin,hanggang kili-kili ko lamang ang natatakpan hanggang sa pinakasahig.Naghubad na ako at napansin kung ang sama ng tingin ni Singto saakin.

“Awww..........gusto mo bang sumabay? Pwede naman para hindi sayang sa oras............” Pang-aasar ko pa,kita ko ang pagkainis n'ya.

—————————————————

Singto's Pov

        Sobrang sakit ng paa ko dahil sa nangyari kanina,nilalamig pa ako parang magkakasakit ata ako nito eh.....Tiningnan ko si Krist.Anong nakain nito at tahimik s'ya? Napipi ba s'ya? Basang-basa din naman s'ya mula ulo hanggang paa,bakat din yung upper part ng katawan n'ya dahil white tshirt ang suot n'ya at mukhang,talagang manipis ang T-shirt n'ya,sexy din pala ito eh..........................Akala ko magdamag na kaming mapapanisan ng laway dahil walang kumikibo,alangan ako ang mauna,galit pa ako sa kan'ya. Hanggang s'ya  na ang kumilos na ikinagulat ko pero sa loob-loob ko lang,bigla na lang kasi s'yang lumuhod sa harapan ko at tinitingnan ang paa ko.Alam naman n'yang masakit,ginalaw n'ya pa,dagdag mo pa na tinawag n'ya akong isip bata.

“Sinong isip bata!?”. Tanong ko sa kan'ya.

        Ngumiti s'ya bago lumapit sa unahan ko tsaka n'ya iniyuko ng bahagya ang ulo n'ya para maabot ang mukha ko,iniurong ko nang bahagya ang ulo ko dahil sobrang lapit n'ya.Baliw ba s'ya? Pero kahit maganda ang mga mata mo sa malapitan,hindi mo 'ko madadala sa pa-charm charm mo.

“Sinong isip bata?..............ikaw.” Sabi n'ya at iniwan na lamang ako bigla para maligo.

       Nakakainis s'ya,ang lakas talaga ng loob n'ya para kalabanin ako,porke ba,naka-usap n'ya si ate? Ano bang relasyon nilang dalawa at tiwalang-tiwala si ate sa kan'ya? Nagsisimula nang maghubad si Krist mula sa banyo na paliliguan n'ya.Tanging kurtina lang ang tumatakip dito.Hawiin ko kaya 'to nang magkaroon naman s'ya ng hiya sa katawan,sigurado akong nakakatawa kapag nangyari 'yun.

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon