Chapter 17

25 3 2
                                    

Ilang linggo na rin ang nakalipas ng maging official na mag-boyfriend sina Krist at Singto.Maingat sila sa kinikilos nila lalo na si Singto,Kung si Krist ang tatanungin ay handa na s'yang ipaalam sa mga kasama n'ya kung ano man ang mayroon sa kanila ni Singto pero mas nangingibabaw kay Krist ang kagustuhan ni Singto na i-sikreto muna ito. (Spoiled nga naman ang Singto natin, s'ya ang wife dito e 😅🤣)

AU POV,

NASA isang lamesa sina Krist at Singto.Wala silang ginagawa pero si Krist ay may hawak na notebook at papel, animo'y lumulutang ang isip dahil tulala lang s'ya at diretso ang tingin.Napansin ito ni Singto kaya minabuti nitong gisingin ang nobyo n'ya na nananaginip ata ng gising. (Oh baka naman iniisip lang ni Krist kung kailan ulit ang third round ng something nila ni Singto. 😏)

"Kit,kanina ka pa gan'yan ah,tinawag mo lang ba ako dito para samahan kang tumunganga,ha?". Tanong ni Singto.

"Nag-iisip kasi ako mga plano para mapa-ayos ang gawaan ng mga baskets natin,paluwagin ba kumbaga or.......magpalit ng products.......". Sagot ni Krist habang pinapaikot sa daliri n'ya ang hawak n'yang ballpen.

"Kanina ka pa nag-iisip pero wala ka pang naisusulat! Nag-iisip ka ba talaga o iba ang iniisip mo?". Masungit na tanong ni Singto kay Krist.Madidinig mo sa boses n'ya ang pagka-irita. (Ito naman........gusto lang ni Krist ng time for both of you,kung ano ano naman ang iniisip mo Singto)

"Wala akong iniisip na iba....IKAW LANG!". Pang-aasar naman ni Krist.

"Kaya ka hindi makapag-pokus eh,puro kabalastugan ang iniisip mo."

"Oo na......." Nakangiting sinabi ni Krist habang may sinusulat sa papel,napatingin naman si Singto sabay ngiti.Kinikilig din naman pala eh,umaarte pa.

Habang nagsusulat si Krist ay bigla na lamang s'ya napatingin kay Singto at napatitig.Hayan na naman ang titig ni Krist kay Singto,may drawing at sitwasyon na namang nabubuo sa isip ni Krist.Hindi natanggal ni Krist ang tingin n'ya kay Singto kaya nahuli s'ya nito at nasermunan na naman.....WIFEY DUTY ALERT ‼️

"Ano bang problema mo!?". Inis na tanong ni Singto.

"Hindi talaga ako magkapag-isip ng maayos e." Reklamo ni Krist sabay kamot sa ulo n'ya.Sige isip pa ng palusot,may naglalaro lang na something diyan sa isip mo,krist,aminin mo na kasi.

"Ano ba kasi?".

"Sa totoo lang,nakaka-distract ka kasi." Seryosong sinabi ni Krist na nagpakunot naman ng noo ni Singto.Parang inararong lupa ang noo ni Singto dahil sa sobrang lukot nito.Patay ka Krist,preno naman kahit konti.

"Ako ? Anong ginawa ko!?".

"Wala."

"Paano naman ako naging distraction kung wala akong ginagawa!? Gusto mo bang iwanan kita dito ?". Medyo iba na ang boses ni Singto sa pagtatanong n'ya kay Krist.Tumayo si Singto at tiningnan ng masama si Krist. "Sabihin mo lang, KRIST!". Pag-didiin n'ya sa pangalan ng boyfriend n'ya. "Kung nakaka-istorbo ako,e di sana hindi mo na lang ako isinama at hinayaan mo na lang sana ako na ituloy ang trabaho ko."

"Ang cute mo kasi.".Nakangiting sinabi ni Krist na nagpawala naman ng ararong lupa,este kunot na noo ni Singto.Bigay agad e,ang rupok naman. 😅😅

"Ano?." Mahinang tanong ni Singto.

"Nakaka-distract kasi ang ka-kyutan mo."

"Tch! Baliw ka talaga.".Nahihiyang sinabi ni Singto at akmang aalis sa p'westo n'ya.

"Saan ka pupunta?".

"Nagugutom ako,kukuha lang ako ng pagkain."

"Bakit kukuha ka pa nandito naman ako?". Biro naman ni Krist.

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon