Chapter 21

22 1 0
                                    

Naninirahan noon ang pamilya ni Singto sa farm nina Krist.Magkasundo ang mama ni Singto na si Fern at mama ni Krist na si Anya,kumbaga bestfriend forever .Wala ng tatay si Krist habang sina Singto at Pang naman ay mayroon pa kaya hindi nararamdaman ni Krist na wala s'yang amang gagabay sa kan'ya dahil sa tatay nina Singto.Isang gabi,narinig na lamang ng batang Singto,Krist at Pang na nagkakasagutan ang kanilang mga magulang kaya sinilip nila ito at nasaksihan ang pag-aaway ng mga magulang nila.

"Fern,patawadin mo kami hindi namin sinasadya ang nangyari!". Naiiyak na sinabi ni Anya habang hawak ang damit n'yang hindi nakabutones sa unahan.

"Hindi sinasadya!? Sinadya n'yong magkaroon ng relasyon! Tapos sa isang I'm sorry lang tingin n'yo madali lang lahat!?". Galit na sinabi ni Fern.

"Tama na,walang may gusto sa nangyari!". Pigil naman ng tatay nina Singto at Pang habang humaharang sa gitna ng dalawa dahil akmang susugudin ni Fern si Anya.

"Aksidente lang ba na nasa ibabaw ka n'ya at nasa ilalim mo s'ya!? Natumba lang ba kayo pero bukas ang katawan n'yo sa isa't isa,ha!??". Galit na galit na tanong ni Fern sa asawa n'ya habang hinahampas ito kahit wala na s'yang lakas.Paulit-ulit na binabanggit ni Anya ang salitang patawad kahit pugtong-pugto na ang mga mata nito sa kakaiyak.

Naalala ni Singto ang lahat ng nangyari kasama na ang katawan ng mama n'ya na nakabulagta sa k'warto dahil sa depression na naranasan nito,nakabulagta at wala ng buhay.Napapikit si Singto at tumulo ang luha na nanggagaling sa mga mata n'ya.Nahiga s'ya sa kama n'ya at ipinagpatuloy ang pag-iyak.Sumagi din sa isipan n'ya ang alalang kasama n'ya si Krist sa farm, kasama ang unang halik nila sa isa't isa.Sobrang nasaktan si Singto sa lahat ng nangyari.

Singto's Pov

Lumabas ako sa bahay namin ni ate Pang para lumanghap ng sariwang hangin t'saka naman dumating sina Earl at Mike.Mga kaibigan ko,naupo sila sa katapat ko.Ilang buwan din kaming walang koneksyon sa isa't isa.

"Long time no see!" Pasimulang bati ni Mile,kahit kailan talaga,ang taas lagi ng energy nito.

"Kayo pala? 'di n'yo man lang sinabi na dadaan pala kayo dito." Sagot ko.

"Umiiyak ka ba?". Tanong naman ni Earl.

"Ba't naman ako iiyak?". Natatawa kong sinabi kahit alam ko na magdamag akong umiiyak.

"Ilang buwan ka ding nawala ah,kumusta ang buhay bukid?". Seryosong tanong ni Earl.

" Pinahirapan ka duon no? Si ate Pang pa!". Sabat naman ni Mile.Hindi n'ya ako pinahirapan,wala s'yang ginawa,si Krist ang may dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon.

"Singto?,may naging problema ka ba sa farm?". Seryosong tanong muli ni Earl.

"May itatanong ako...........Tingin n'yo sapat ang present para kalimutan ang past? Tingin n'yo ba ..........normal ang mahalin ang kapwa mo lalaki? Paano kung hindi sapat ang salitang mahal lang?". Sunod sunod na katanungan ni Singto at nagpangiti naman kina Mile at Earl.

"Singto,walang abnormal relationship,nasa tao na 'yun kung paano sila mag-isip,kung paano nila buksan ang puso at isipan nila.Totoo na,may pangangailangan ang isa't isa sa inyo pero love can conquer everything,maaaring hindi kayang maibigay ang kagustuhan ng iba pero ang love laging nanduon.Kung matured enough ang dalawang magkarelasyon kaya nilang intindihin ang limit ng relasyon nila at kaya nilang i-provide sa isa't isa. Love man 'yan o sex." Paliwanag naman ni Earl sa mga binanggit ni Singto.

"Tsaka Singto,we live in a new world,it doesn't matter what kind of relationship or gender you want to love,the important is how would you or both of you handle everything,Also THE LOVE." Dagdag naman ni Mile sa paliwanag ni Earl. "Wait........tinatanong mo ba 'to kasi may gusto ka sa lalaki o nagkaroon ka ng relasyon sa isang lalaki?". Panghuhula naman ni Mile na nagpahinto kay Singto. "Bakit hindi mo s'ya kasama?".

Under The Umbrella (KRISTSINGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon