Bulan (oneshot)

7 0 1
                                    

Bakasyon na para sa PPop Idol na SB19 kaya naman nagkaroon na ang bawat member nang oras to be with their family and friends.
Other members plan to have vacation sa ibang bansa while Felip wanted to visit his hometown lalo na ang isang village sa bundok na malapit sa puso niya.

Village-

Nakarating na si Felip sa nasabing Village at agad naman siyang niyakap ng mga bata. Makikita sa mga mata nila ang saya na makita muli ang kanilang kuya Felip.
Dahil sa busy na ang kuya Felip nila sa mga ganap ng kanilang grupo kaya minsan na lamang siya makadayo dito.

"Felip, anak kamusta ka na? Masaya kami na nakabalik kana ulit dito"
Sabi ng isang matandang babae, anak na ang turing nito kay Felip

"Nanay masaya din po ako na makita kayong lahat. Meron po akong dala na pasalubong sa inyo"

Matapos ang kanilang usapan agad naman silang nagtanghalian at namasyal sa ilog, ilang minuto lang ang layo sa mismong mga bahay.

"kuya ang sarap po ng pagkain na dala mo, nabusog po ako"

Agad na kinarga ni Felip ang bata papunta sa kanyang leeg at ngumiti sa batang nagsasalita.
Habang ang mga bata ay masayang lumalangoy sa ilog, siya naman ay nakangiting tinatanaw ang mga bata ng biglang nagsisigaw ang mga ito. Agad namang tumayo si Felip at patakbong nilapitan ang mga bata.

Kanilang nakita ang isang babae na wala ng malay. Kinarga niya ang babae at dinala sa bahay kung saan sila kanina kumain.

"maayos na ang kalagayan niya, di mo na kailangan magalala ng husto" sabi ng matandang babae

"Sino po ba siya at parang ngayon ko lamang siya nakita dito" tanong ni Felip

Nagusap na nga sila tungkol sa babae na kanilang natagpuan sa ilog.

- - - - - - - - - - - -

Nasalabas ng bahay silang lahat at naguusap, natapos na din silang lahat na maghapunan.
Si Felip naman ay nakaupo at nagkukuskus ng gitara habang ang mga bata ay nagsasayaw sa gitna.

Lumapit sa kanya ang babae na kanilang tinulungan sa ilog kanina. Umupo ito sa kanyang tabi at siya ay umawit, sinabayan nito ang musika galing sa gitara.

"Maganda ang iyong boses" Masayang pagkakasabi niya, habang ngumiti lamang ang babae sa kanya.

Lumipas pa ang mga oras at unti-unti nang nagpaalam ang mga bata at sila ay matutulog na.

"Anak, tayo na pumasok sa loob"

Agad namang tumayo si Felip patungo sa kubo na kanilang tutulugan. Hindi pa man siya nakakalayo may humawi sa kanyang palad at agad niya itong nilingon.

May nilagay ang babae sa kanyang palad at agad din itong umalis.
Nilagay na lamang niya iyon sa kanyang bulsa at pumasok na sa bahay at silang lahat ay natulog na.

Ilang Araw pa ang lumipas at dumating na ang huling araw ng bakasyon ni Felip sa kanilang village. Nagkaroon sila ulit ng malaking pagsasalo sa araw na iyon.

Mas malakas na musika pa ang maririnig sa naturang pagsasalo. Maraming pagkain ang inihain at nagsuot sila ng kumikinang na kasuotan na angkop din sa kanilang tradisyon.

Dumating na ang oras upang magpaalam sa bawat isa.

"Salamat sa lahat, babalik po ako dito"

"Felip, salamat din sa iyo, sa lahat ng tulong na naibigay mo para sa amin. Naway magingat ikaw sa iyong paguwi.

Habang papalayo na si Felip hindi na maalis ang tingin ng babae na kanilang tinulungan noon sa ilog.

Akin na lamang aalahanin ang mga pagkakataong kasama ka.

Noong ako ay niligtas mo doon sa ilog, sa pagdilat ko ang napakaganda mong wangis agad ang sumalubong sa mga mata ko.

Kay saya ko rin na kasabay kitang umaawit, sumasayaw sa mga pagtitipon.

Ang munti kong handog sayo sana ay pagkaingatan mo.

Alaala ng babae

"Binigay mo ito sa akin ngunit hindi ko man lang ikaw napasalamatan"

"Isuot mo ito lagi... BULAN"

"Bulan?"

"Upang maalala mo, Bulan ang tawag ko sa kwintas na ito. Naway maging liwanag mo din ako. Ako si Luna"

"Luna" nakangiting sambit nito

- - - - - - - - - - - -

Lumipas pa ang mga buwan at nagkaroon ulit si Felip ng pagkakataon na bumalik sa village.

"Magandang umaga po" -masiglang pagbati niya

"Anak napadayu ka, hindi ka nagpasabi sana ay nakapag handa kami agad"

"Hayaan niyo na po, maari pa naman tayo magsalo-salo sa hapunan.
Nasaan po pala si Luna?"

Hindi siya sinagot ng tinatawag niyang nanay. Pumasok ito sa kubo at may binigay sa kanya na liham.

"Ang sabi niya ibigay ko sa iyo pag ikaw ay bumalik na dito"

Agad na umupo si Felip at binasa ang liham na iniwan sa kanya ni Luna.

Aking BULAN kung nababasa mo ang liham na ito maaring wala na ako sa lugar na ito.
Aking nais sabihin na sana ako ay hindi mo ako makalimutan.

Itinuloy niya ang pagbabasa sa liham ni Luna.

Noong araw na makita ninyo ako sa ilog bumalik na ang alaala ko sa kung sino ba talaga ako. Nabigla ako na makita ka sa araw na iyon kaya nahulog ako sa ilog at nahimatay.

Bulan, Felip, Ken ... Ang mahalin ka ay hindi mahirap ngunit ako lamang ay iyong tagahanga. Aking Bulan lumiwanag ka pa. Hayaan mo akong tingala-in ka sa kamurayan.

Bumalik na si Felip sa Maynila at naghahanda dahil malapit na ang Solo Concert niya. Kabado man siya pero suportado siya ng apat na sobra ang pagmamahal sa kanya.

Malapit na matapos ang concert, last song na niya at may mukha siyang nasisilayan, nakangiti ito sa kanya.
Matapos ang kanyang awitin ngumiti siya at nagpasalamat sabay turo sa kung nasaan si Luna.

Naging successful ang Solo Concert ni Felip.

Makalipas ang ilang araw na pagpapahinga mayroong post si Felip sa IG nito.

Kuro & Luna 🐈‍⬛💕 🐈‍⬛

(insert photo)
Larawan ni Kuro at Luna
(persian black)

-END

BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon