CHAPTER 4

15 11 0
                                    

Ella

"Hayts. Nakakapagud. " -Kaira

Pero ako parang wala lang saakin ang pagod,dahil sa buong trabahu ko, ay ang contrata ang iniisip ko.

Kong papayag ba ako o Hindi.

8:00 PM na pala ng gabi, at out kona ngayon. Iba nanaman ang papalit saken.

Minsan pang gabi ako,  pero minsan hindi. Nasa manager na kong anong oras ka at kong saang pwesto ka.

Pag labas ko ng hotel, naamoy ko kaagad ang simoy ng hangin na may kasamang dagat. Napansin kong my mga tao paring naliligo, at ang iba naman ay nag da-date.

Ang saya nila, may iba namang kasama ang kanilang mga anak.

Napa ngiti nalang ako dahil ang saya nila at parang walang problema.

While enjoying the breeze habang naka pikit ang mga mata , I was so upset that I collided with something. 

Pag tingin ko kong sino ang nabangga ko para sana humingi ng tawad, nagulat ako dahil ang dati ko palang kaibigan na nooy karamay ko kapag akoy umiiyak.

Minsan kasi noon,nag aaway kami ni Mark.Pero nag kakabati naman kaagad, at hindi aabot sa hiwalayan.

Ang babaeng nasa harapan ko lang noon ang pinopuntahan ko kapag malungkot ako.

Nang lambut ako ng makita ang kaniyang nag aalab na galit na mga mata.

"Tumingin ka nga sa dina-daanan mo. Nakaka bangga ka ng tao. "Galit na pasigaw niyang sabi.

Yumuko nalang ako habang pinipigilang umiyak. Kahit na tinalikuran ko sila noon, hinding-hindi ko sila makaka limutan.

My part saakin na masaya ako dahil na kita ko ulit siya ng malapitan, pero sa puso ko ay malungkot ako dahil galit siya saakin.

Hindi ko naman siya masisi. Rose Scarlett.

"Be-best--"Napa hinto ako sa pag sasalita ng unahan niya ako na nag padurog ng puso ko.

"Dont you ever call me Best, wala akong kaibigan na magnanakaw."

Sigaw niya sa akin at umalis, napa luhod nalang ako at hindi mapigilang mapa hagulhol ng malakas.

Wala akong paki kong maraming naka tingin saakin ngayon. Mailabas ko lang ang hinanakit ko.

Ngayong araw dalawang beses akong umiyak. Napaka ilap talaga ng mundo.

Napa ngiti nalang ako ng mapakla at tumingin sa kalangitan, at hiniling sa Diyos na sana matapos na ito.

Ayaw kona, Hindi kona kaya.

Dahan-dahan akong tumayo,at sinabi sa sarili na...

"Ayos lang ako, kaya kopa. " Ngiti kong sabi.

Para akong baliw na ngumingiti habang umiyak mag-isa.

May napapatingin din sakin na para bang baliw ako at may iba namang naaawa.

Sabagay sa itsura kong ito hindi nila ako pag titinginan. Yong buhok ko na parang dinaanan ng bagyo, ang mukha ko na punong-puno ng luha.

Hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy sa paglalakad papauwi.

Malapait lang naman ang bahay namin, kaya hindi kona kailangang pumara ng sasakyan. Sayang lang ang pera ko kong sasakay pa ako.

Nagtitipid na nga kami, my time pakong sumakay.

Pagdating ko sa labas ng bahay, minasdan ko ito. Kahit na gawa lang ito sa kahuy maganda naman dahil malinis, sa loob man o sa labas.

Mafia Series Mark Josh King:The Mafia's Revenge Where stories live. Discover now