Sinong gustong bumasa ng story ko tungkol sa isang babaeng nahuli niya ang kanyang Boyfriend na may kakamang ibang babae tapos hiniwalayan niya ang lalaking iyon at pumunta siya sa bar at nagising na lang siya kinabukasan na may ibang lalaki na siyang naka One night Stand at agad siyang tumakas at nung pumasok siya sa Kompanya nila ay di niya inaasahan na ang naka one night stand niya ay ang Bagong Boss nila.
💚TITLE: THE TYRANT'S BOSS
💚AUTHOR: LMCD22
💚HERE'S THE LINK IF YOU WANT TO READ THE COMPLETE STORY
https://m.dreame.com/novel/2302485248.html*****
#StoryPromotion #PinoyPrideStories
#DreameComeTrue #readerpromoCHAPTER 1
Luna Muños POV*
Nagmamadali akong lumakad papasok sa isang Hotel kung saan sinabi ng kaibigan ko na si Stella na nakita niya si Nico na may kasamang babae sa tawag kanina.Pero di pa ako naniniwala hangga't di ko pa nakikita ang patunay na nambabae talaga siya. Ngayon ang ika 2nd Anniversary namun ni Nico at akala ko isusurprise niya ako dahil nagmamadali siyang umalis kanina sa lakad namin.
Pumunta ako sa lobby ng hotel at lumapit ako sa babae na nasa desk.
"Pwede bang magtanong," agad na sabi ko sa babae.
"Good Evening, Ma'am, how can I help you?"
"May nagcheck ba dito na may pangalang Nico Santos? Ah ito po ang itsura niya."
Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ang mukha ni Nico sa kanya at mukhang namumukhaan niya base sa mukhang nakikita ko ngayon.
"Kaano ano niyo po siya, Ma'am? Di po kasi kami pwede magpalabas ng private info sa mga customers namin."
"Girlfriend niya ako."
"I'm sorry, Ma'am."
"Oh my God, mabuti at naabutan pa kita."
Napatingin ako sa nasa gilid ko at ang kaibigan kong si Stella ang nakikita ko.
"Stella," sabi ko.
Muntik ko ng makalimutan Boyfriend pala niya ang nagmamay ari ng Hotel na ito.Nakita ko pa na hinihingal pa ito na parang galing sa malayong takbuhan ang nangyayari.
"What's with that face, my Luna."
Hinawakan niya ang pisngi ko dahil nakikita niya na malungkot ako.
"Di niya sasabihin kung nasaan si Nico."
Biglang napakunot ang noo nito na humarap sa babae at nakataas pa ang isang kilay niya at nagmasungit mode na naman siya.
"Do you know me diba?"
"Yes, Miss Stella," sagot naman ng babae.
"Sabihin mo sa kanya ang gusto niyang malaman kung ayaw mong masisante sa trabaho mo. Bilisan mo ayaw ko ng pahina hina."
Walang nagawa ang babae kundi ang ituro kung nasaan si Nico at nagmamadali kaming lumakad ni Stella hanggang makarating kami sa room na sinabi nung babae at di ko mapigilan na sipain ang pinto. Bahala na masira babayaran ko naman.
Nanlaki ang mga mata namin na tumambad ang nakahubad na sina Nico at isang babae na nakahiga sa kama at yakap yakap pa silang dalawa at nakita ko na gulat na gulat silang nakatingin sa amin na parang di sila makapaniwala na nandito ako ngayon at huli ko silang dalawa.
Huminga ako ng malalim sabay buga ng mahina kailangang kumalma.
"L-Luna,magpapaliwanag ako," agad na ani ni Nico at agad tumayo sa kama pero mukhang nakalimutan niya na wala siyang sout na damit.
BINABASA MO ANG
LMCD22 Promotions Books
RomanceLahat ng mga librong nakita niyo dito ay makikita ninyo sa DREAME, YUGTO and ALL NOVELS. Same penname po tayo at please follow me also in that sites. Thanks!