THE VILLAINESS CHANGE HER FAITH

13 2 0
                                    

TITLE: THE VILLAINESS CHANGE HER FAITH
AUTHOR: LMCD22

CHAPTER 1

Queen Genevieve POV*

Nagising ako sa isang di pamilyar na magandang kwarto. Luminga linga ako at di ko alam kung nasaan ako. Kung nasa langit ba ako o nasa panaginip? Ang huling naalala ko ay naglakad ako pauwi galing trabaho nang biglang may isang malaking truck at doon na ang huling naalala ko.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang tatlong katulong na nakayuko sa akin.

"Good Morning, Her Majesty the Empress." Sabay bati nilang tatlo at ako naman ay naguguluhan sa kanilang sinasabi.

Teka ano daw? Mukhang nabingi atah ako ha. Tama ba ang narinig ko?

"Pakiulit nga ng sinabi niyo?" Tanong ko. Bigla naman silang namutla at pinagpapawisan. Teka di ko naman sila inaway ha!

"G-Good Morning, Her Majesty the Empress..." Sabay na sabi nila.

Napanganga ako. Bakit nila ako tinawag na Empress? Anong nangyayari?!

Agad akong tumayo at dumiretso sa salamin baka panaginip lang ito. Kasi pag di ko makikita ang mukha ko sa salamin ibig sabihin nun nasa panaginip ako pero ngayon nakikita ko ang isang magandang babae na may malaginto ang buhok at mga mata. Hinawakan ko ang mukha ko at ako nga ang nakikita ko ngayon sa salamin.

"Sino ako at ano ang nangyari kahapon?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa salamin.

"H-Her Majesty, kayo po si Empress Genevieve Watson Lewis at kahapon po kayo kinasal sa Emperor na si Emperor Amon Luther Lewis." Paliwanag nung isang katulong at ako nakanganga lang. Teka pamilyar ang mga pangalan nila.

Amon Luther Lewis... Siya ang Ama ng Female Lead na si Snow Lewis at nagpakasal si Amon at Genevieve dahil sa yun ang kagustuhan ng mga magulang nila noon bago ito namatay.

Di ko pa nababasa ang boung storya kung saan talaga galing ni Snow at kung sino ang Ina niya basta ang pagkakaalam ko na mag ama talaga sila dahil parehas sila ng features bilang mag ama.

Teka ako ang Stepmother ni Snow na si Genevieve! Ang walang puso na naging Ina ni Snow na parati siyang sinisigawan, inaaway, minamaliit at inaapi.

"Her Majesty, a-ayos lang po ba kayo?" Napatingin ako sa tatlong katulong. Ay nakalimutan ko sila. Kailangan ko munang mag bihis. Di ako pwedeng lumabas na naka pajama lang.

"Nasaan ang damit ko?" Tanong ko. Nagulat ako dahil hawak na pala nila. At nagulat nalang ako dahil sila na ang umasikaso sa mga susuotin ko.

Matapos ang ilang minuto ay nakasout na ako ng magandang damit. Nakatulala akong nakatingin sa salamin at napahawak sa alahas na nasa akin.

"Totoo ba ito?" Mahinang sabi ko. Pwede na itong ibenta sa pawnshop.

"Her Majesty, handa na po ang almusal ninyo." Magalang na sabi ng isang katulong ko parang siya ang Lady-Waiting ko (kanang kamay na maid)

Siya si Hannah at anak siya ng isang count at simula bata pa sila ni Gene ay magkasama na sila.

Lumakad na kami papunta siguro ito sa hapagkainan nang makasalubong namin ang isang magandang bata na babae at may itim siyang buhok at pulang mata at ayun sa nabasa ko ay ganun din ang kulay sa Ama nito. Teka siya na si Snow.

Nang makita niya ako ay namutla siya at agad yumuko upang mag bigay galang sa akin.

"Greetings, Your Majesty the Empress." Magalang na sabi nito.

Ang masasabi ko nalang ay ang cute ng batang ito! Para siyang baby! Gusto ko siyang yakapin pero baka magulat siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

LMCD22 Promotions BooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon