Sinong gustong bumasa ng Romance, Action and Comedy story ko? Tungkol sa isang babae na nag apply siya bilang Assistant ng Ex Boyfriend niya na isang CEO. Kahit wala silang closure ay umalis siya dahil nabalitaan niya na nagkaroon ito ng Fiancee sa ibang bansa. Biglang tinawagan siya ng Ama ng Ex boyfriend niya at inoffer sa kanya ang nagkakahalagang 5 million dollars para mabago lang ang dating ex boyfriend niya dahil ito na ang pinaka malamig, tyrant at emotionless na CEO sa boung mundo at nagsimula ito nung umalis siya sa buhay nito. Makakaya kaya niyang pigilan ang konting pagmamahal niya sa ex nitong hiniwalayan na niya kahit wala silang closure noon?
📣Title: I became the tyrants tamer
📣Author: LMCD22
📣COMPLETE TAGALOG NOVEL AND AVAILABLE IN DREAME APPChapter 1
Sophie Avery Bond POV*
Kanina pa ako nakaupo dito habang hinihintay na mainterview sa loob bilang Assistant ng Khaled na yun. Kung di lang sa pera ay naglalaro lang ako ng Vegetable vs Zombie boung araw at gabi.
Napabuntong hininga na lang ako at binasa ang nasa bio data ko. Kailangan perfect ang lahat. Kailangan kong makapasok bilang Assistant niya at maliit lang ang isang taon para sa bagay na yun at kung mapapadali ko ang pag aamo sa lalaking iyon ay dadagdagan pa ng Employer ko ang sweldo ko. Magiging mayaman na ako at mapapaaral ko na ang mga alaga ko sa Milk tea shop.
Tumingin ako sa oras mukhang matatagalan pa ang pagtawag maglalaro na lang ako sa cellphone ko. Habang nag eenjoy ako sa paglalaro ay di talaga mawawala ang mga taong papansin.
"It's so very unprofessional to play games like that."
Alam ko na ako ang sinasabihan ng babae sa gilid pero di ko siya pinansin at nagpatuloy pa din sa paglalaro.
"Pabayaan mo na yan Sis dahil ang mga kagaya niya ang hindi makakapasok dahil sa mga utak na ganyan mag isip. Hindi siya bagay dito. Mas bagay siya sa mga pambata."
Umikot lang ang mga mata ko dahil sa mga chika nila at di na lang nila iniisip ang mga sarili nila.
Napansin ko na nabobored na ang nilalaro ko kaya pinasok ko sa bag ang cellphone ko at tumingin ako sa labas ng bintana at ang taas pala ng floor na ito.
Di ko napansin nakatulog ako sa inuupuan ko dahil sa pagod sa paghihintay kung kailan pa ako tatawagin.
Bigla akong natumba dahil sa nakatulog nga ako. At walang sumalo sa akin ha. Nagmamadali akong umupo at pinunasan ko ang laway ko. My God! Ang tagal talaga! Di pa din natatapos sa loob? Ano ba ang mga tanong na ginagawa nila doon? 100 items ba ang mga tanong nila?
Pero nahulog talaga ako sa kinauupuan ko as in? Napabungong hininga na lang ako at napatingin sa gilid ko at nakita ko na natawa pa ang mga kasama ko doon at tinaasan ko lang ng kilay. Anong nakakatawa doon? Parang di natutulog ang mga ito ha.
Makatawa parang hindi napapagod.
"So very unprofessional."
At ayun nagtawanan na naman sila. Ang over ng boses nila nakakarindi.
"Hindi ba kayo natutulog? Mabuti na yung nakatulog para fresh ang utak."
"So ibig sabihin wala kaming utak?"
Mag aaway na sana nang biglang may lumabas.
"Okey, next five."
Napatingin ako sa nagsalita at mukhang assistant ito na nakatayo sa may pinto at ako ang ika Lima kaya tumayo ako at kinuha ang gamit ko at inayos ang mukha ko at tumayo. Napapansin ko na ang liliit ng palda na sout nila at pencil. Habang ako nakasout ng mataas na pants.
At kasama ko pala yung mga Professional Girls. Hays ang aarte sarap ihulog sa bintana.
Pero ano ang papasukan nila dito? Porn star? Kita ko na atah ang kaluluwa nila dahil sa sout nilang pang ibaba.
BINABASA MO ANG
LMCD22 Promotions Books
RomanceLahat ng mga librong nakita niyo dito ay makikita ninyo sa DREAME, YUGTO and ALL NOVELS. Same penname po tayo at please follow me also in that sites. Thanks!