Makalipas ang 100 years...charrr.. ay nakarating na rin ako ng school kaya nagbayad na ako sa traysikil na aking sinakyan.
Nasa harap na ako ngayon ng napakalaking gate na may kulay na Black and silver na may logo na Dragon at may pangalan na Lee University. Talagang napakayaman ng may ari neto.
Pumasok na ako sa loob at sa pagpasok ay bumangad sa aking harapan ang napakalapad na field, papunta sa nagtataasang mga classrooms at kung ano- ano pa.
Halos ata nalibot ko na papunta sa canteen na parang restaurant dahil sa napakamahal ng mga pagkain nila dito. At higit sa lahat ang napakalaki nilang stadium...oh diba parang may gaganaping concert.
"Cring....Cringgg..."rinig kong tunog ng bell hudyat na maguumpisa na ang klase kaya hinanap ko na ang building ng Business Management.
Ng mahanap ko na ito ay agad kong hinanap ang Section ko dahil na sa 1A ako nalagay.
Sa wakas ay nahanap ko na rin ito kaya pumasok na ako at unti pa lang ang tao, na sya ring may kanya kanyang ginagawa , hindi ko na ito pinansin at naghanap na lang ng upuan at salamat dahil nakahanap rin ako malapit ito sa may window kung saan makikita mo yung tanawin sa labas at makikita mo rito yung napakalaking stadium.
After a minutes na paghihintay ay parami ng parami na ang dumadating na mga studyante at kasabay nun ang guro siguro namin.
"Good morning students...I'm Mrs. Marilyn Teodosio and Im your adviser for the whole school year, I hope that we could be close to each other not only me but to your classmates also..so before we start our discussion can you introduce your selves kahit na dyan na lang sa upuan ng sa ganun mabilis tayo matapos.." Mahabang lintaya ng aming guro at isa lang masasabi ko napakabait nya at maganda rin sya kahit na may asawa na ito.
Ayun nagumpisa na magpakilala ang mga kaklase ko na yung nasa likuran ko.
Hanggang sa ako na ang magpapakilala kaya tumayo na ako.
"Hi' everyone I'm Nicolene Vargas..Nic for short, Im 19 years old and i hope that we could be friends that's all thank you.." pagpapakilala ko at sila naman ay pumalakpak ,ngumiti lang ako sa kanila at umupo.
At sa matapos ang pagpapakilala ay nag umpisa ng magturo si Mrs. Teodosio.
.
.
."Kringgg...Kringgg..."
Tunog ng bell pahiwatig na tapos na ang class hour namin at lunch break na tamang tama gutom narin ako kanina pa kumakalam ang aking sikmura doon na lang siguro ako kakain sa labas dahil hindi kaya ng bulsa ko yung mga pagkain sa canteen parang nanghihinayang akong gumastos.
Niligpit ko na aking gamit at isinukbit na aking bag at lumabas na ng classroom.
"Heyy..Miss.."
Lakad lang ako ng lakad habang may palinga linga pa kabuuan ng school.
"Miss...wait.." natigil lamang ang palinga linga ko ng may narinig akong tumatawag hindi ko alam kong ako ba o iba eh ako na lamang mag isa sa hallway kaunti na lamang ang tao dito kasi busy sa pag chichismisan.
"Hey..Miss..ikaw.."sabi naman ng kung sino at hinanap ko ito at dun nakita ko ang isang matanggad na babae at papalapit ito sa akin grabi ang tanggad niya parang nahiya naman ako sa height ko.
"A-ako ba yung tinatawag mo.."medjo utal na sabi ko ng makalapit ito sa akin napakaganda niya singkit ang mata nito, na may matangos na ilong at mapulang labi.
"Oo gusto ko sanang sumama sayo...saan kaba pupunta eh nandun yung canteen..?"Tanong na sabi niya sa akin may paturo turo pa.
"ahh..ehhh..hehehehe h-hindi ko kaya yung mga presyo doon kaya doon ako sa labas kakain may nakita kasi akong karinderya doon mas doon mura at masarap.."sabi ko sa kanya ulit na may hiya eh mayaman tong kaharap ko eh basi na rin sa paglakad niya kanina at sa malaporselanang kutis nito.
BINABASA MO ANG
𝖳𝖱𝖠𝖯𝖯𝖤𝖣 𝖡𝖸 𝖠 𝖡𝖨𝖫𝖫𝖨𝖮𝖭𝖠𝖨𝖱𝖤'𝖲 𝖣𝖠𝖴𝖦𝖧𝖳𝖤𝖱
Romance𝖧𝖨𝖨𝖨𝖨𝖨...𝖲𝖺 𝗂𝗇𝗒𝗈𝗇𝗀 𝗅𝖺𝗁𝖺𝗍 𝖺𝗄𝗈'𝗒 𝗇𝖺𝗀𝖻𝖺𝖻𝖺𝗅𝗂𝗄 𝖺𝗍 𝗌𝗎𝗆𝗎𝗌𝗎𝖻𝗈𝗄 𝗎𝗅𝗂𝗍 𝗇𝖺 𝗆𝖺𝗀𝗌𝗎𝗅𝖺𝗍 𝗇𝗀 𝗄𝗐𝖾𝗇𝗍𝗈 𝗄𝖺𝗁𝗂𝗍 𝗇𝖺 𝗁𝗂𝗇𝖽𝗂 𝖺𝗄𝗈 𝗀𝖺𝖺𝗇𝗈 𝗄𝖺 𝗋𝗎𝗇𝗈𝗇𝗀 𝗁𝖾𝗁𝖾𝗁𝖾 𝗌𝖺𝗇𝖺 𝖺𝗒 𝗆𝖺𝗌𝗎𝗉�...