FOUR

1 1 0
                                    

"Ma, nandito na po ako..."sigaw ko pagkapasok ng bahay.

"Oh..anak kamzta ang school..."sabi niya.

"Okay naman ma masaya at may nakilala akong kaibigan mabait tyaka maganda na mukang higante."sabi ko sa kanya at sya naman ay tumawa lang.

"Oh mabuti naman..oh sya magpalit kana at magpahinga..tatawagin na lamang kita mamaya pag hapunan na..."sabi niya kaya tumango lang ako at pumasok na sa aking kwarto at nagbihis.

Makalipas ang Ilang linggo na may saya at maraming natutunan sa pagaaral ngayon ay isang selebrasyon ang magaganap ngayon dahil Intrams na namin at lahat kami ay nasipaghanda na sa lahat sa pagde-decorate ng stadium at sa kung ano ano pa lahat ng mga manglalaro ay nakahanda na para mga paligsahang gaganapin at mayroon ding mga sayawan, tugtugan at Search for Mr. and Ms.Intrams 2021 lahat ay naghahanda na para mamaya at mamaya rin ay may mga espesyal rin kaming mga panauhin na nang galing pa sa ibang bansa at nandito na raw yung may ari ng School na pinapasukan namin.

Lahat ay excited na at naghahanda na.

"Heyy..Nic kamzta ang pagiging Organizer hahha.."tawang biro sa akin ni Micheal kakaklase ko sa Business at kasama ko rin sya sa pag mamanage ng mga bagay-bagay.

"Mahirap pero kakayanin hahaaa kaya tulungan mo na lang ako rito mabuti pa.."sabi ko sa kanya kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama si Rei eh kasi nag papraktis sila para sa mamayang Contest which is yung Mr. And Ms.Intrams 2021.

Sya kasi pambato namin mamayang hapon. Mamaya bibisitahin ko sya sa practice room ng mabigyan na rin ng kunting pangpagoodluck.
.
.
Makalipas ang ilang minutong paghahanda ngayon ay naguumpisa na ang program at ngayon ay ipapakilala na ang mga panauhin.

Matapos ang mahabang speech ng principal namin , ngayon araw ay ipapakilala na ang mga bisita namin.

"I know that you are ready for this big event and ready na rin kayo para makilala yung mga panauhin natin which is yung Nagiisang anak ng mga Lee...at hindi ko na ito patatagalin pa..Ladies and Gentlemen the one and only daughter of Mr. Keron Lee and Mrs. Leah Lee...please all welcome Ms. Addison Rae Lee....Wala ba kayong mga kamay dyan..?"Masayang pagpapakilala ng Mc namin sa mga bisita at umakyat doon ang isang anghel na maladyosa sa ganda.. isa lang ang masasabi ko napakaganda niya, kahit na malayo ako sa kinarorouanan niya ay halatang napakaseryoso neto at walang makikitang expresyon sa kanyang mukha.

Matanggad din ito mas matanggad pa sya kay Rei.   Napadako naman yung tingin ko sa kanyang kasuotan nakasuot ito ng sluxx na medjo maluwag at kulay mint blue ito na bumagay sa kanyang maporselanang kutis at sa pangitaas naman ay White longsleeves na pinatungan ng Coat at ang astig niyang tingnan sa kanyang style siguro model to halata naman Nicolene ehh.
.
.
.
Matapos ang program ngayon ay magsisimula na ang palaro ako naman ay pupunta kung saan si Rei nag eensayo, hindi rin naman ako mahilig sa mga sports.

"Oh Nic..si Reighn ba yung pinunta mo dito..."bungad na wika sa akin ni Nikky kaklase namin sya kasi yung nagaasikaso kay Rei.

"Oo nandyan ba sya...nag eensayo pa rin ba sila.."Sabi ko rin sa kanya.

"Oo..pumasok kana lang ...ikaw na bahala sa kanya may kukunin lang akong susuotin niya para mamayang contest" sabi niya at umalis na tumango lang ako rito bilang tugon.

Pagkapasok ko ay hinanap, kaagad ng mata ko si Rei at nasa dulo ito kasama ang partner niyang si James Santos sya kasi yung partner niya.

"Rei.."tawag ko sa kaibigan ko na umiinom ng tubig.

"Whaaaaa...Nicole.."sigaw niya rin habang tumatakbo pang naka heels.

"Hoyy...dahan dahan baka madapa ka..hahaha"may pagalalang sabi ko at natawa na lang.

𝖳𝖱𝖠𝖯𝖯𝖤𝖣 𝖡𝖸 𝖠 𝖡𝖨𝖫𝖫𝖨𝖮𝖭𝖠𝖨𝖱𝖤'𝖲 𝖣𝖠𝖴𝖦𝖧𝖳𝖤𝖱Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon