Five

2 0 0
                                    

"Segi po magpapalit lang ako..."sabi ko at dumerestso na ng kwarto..magpapalaam pa pala ako sa kanila sana payagan nila ako.

Pagkatapos kung magpalit ay lumabas na ako at pumunta na kaagad sa hapag.

"Upo na nak.."sabi ni mama kaya umupo na ako ay kumuha ng makakain sa mesa.

"Ma,Pa magpapaalam po sana ako sa inyo.."sabi ko sa aking magulang at sila naman ay tumingim sa akin at naghihintay ng kasunod na sasabihin ko.

"Nanalo kasi kami sa contest at yung mga kaklase ko ay nagyaya na mag celebrate..."sabi ko sa kanila medyo hininaan ko yung boses ko.

"Saan ba yan nak..."sabi ni papa sa akin.

"Sa B-bar daw ng kuya ng kaklase ko.."sabi ko na may utal dahil Bar kasi yung pupuntahan ko baka hindi nila ako papayagan.

"Bar.."sabi ni mama at tumingin sa kay papa nagtinginan pa silang dalawa.

"Okay...papayagan ka namin pero sa isang kondisyon.."sabi nila sa akin at parang nabuhayan yung sistema ko sa sinabi nila pero may kondisyon pa.

"Ano..po iyon pa.."sabi ko sa kay papa.

"Wag kang uminom doon dahil alam mo naman hindi man natin hinihingi nuh baka kung anong mangyari sayo don bar kasi yun..."May pagalalang sabi sa akin ni papa kaya tumayo ako at niyakap sya. Sila ni mama.

"Promise po ma, pa hindi ako iinom...salamat po talaga sa inyo.."sabi ko sa kanila.

"Walang ano man segi na kumain kana.."sabi niya kaya bumalik na ako sa aking upuan at masayang kumain.
.
.
.
Ngayong Gabi na ang selebrasyon namin..at nagtext na rin sa akin si Rei na susunduin niya daw ako dito para sabay daw kami.

Nakabihis na rin ako simple lang yung suot ko naka Highwaist at nakahoodie jacket ako dahil alam kong malamig doon sa loob.

"Tingggg...ting..."rinig kong tunog ng selpon ko kaya tiningnan ko ito.

Si Rei pala nasa labasan na pala sila kaya nagmadali na ako at lumabas na ng kwarto ko.

"Ma, Pa aalis na po ako.."sabi ko sa aking magulang na busy sa kakapanood.

"Segi anak maiingat kayo okay.."sabi ni papa sa akin tumango lang ako at humalik na sa kanilang pisngi. Pagkatapos ay lumabas na ng bahay at naglakad papuntang labasan kong saan naghihintay si rei.

Ng makita ko ay tumakbo ako sa kanilang nilalagyan.

"Rei.."sigaw ko sa kanya.

"Whahaa ang ganda mo...Nic.."sabi niya na may pasigaw pa.

"Ikaw rin kaya.."sabi ko eh kasi totoo naman talaga na maganda siya nakasuot pala sya ng Dress na Red na above the knee at naka flat shoes ito at umangat talaga yung ganda nya pag gabi.

"So tara na baka nag hihintay na sila sa tin.."

sabi niya kaya sumakay na kami ng kotse at pinaandar na ito ng driver nila.

Makalipas ang ilang years...charr minuto ay nakarating narin kami sa aming destinasyon.

Bumaba na kami ng kotse at tumambad sa aming harapan ang maingay na lugar at malaki din ito nasa tatlong palapag din

"Tara pasok na tayo.."sabi niya sa akin kaya sumunod ako sa kanya.

Pagkapasok namin ay rinig na rinig mo yung malakas na tugtugin, amoy ng sigarilyo at alak pati narin mga taong sumasayaw sa dancefloor na para bang may mga tama na.

"Ayun sila tara..."sabi ni Rei ulit sa akin at tinuro yung mga kasamahan namin sa hindi kalayuan.

Umakyat kami sa taas dahil nandun sila.

𝖳𝖱𝖠𝖯𝖯𝖤𝖣 𝖡𝖸 𝖠 𝖡𝖨𝖫𝖫𝖨𝖮𝖭𝖠𝖨𝖱𝖤'𝖲 𝖣𝖠𝖴𝖦𝖧𝖳𝖤𝖱Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon