CHAPTER 4

5 2 1
                                    


Habang nag aantay ako kay shai inilabas ko muna ang libro ko at yung notes ko sa lecture kanina.


"Hi." Malamig na bati ng pamilyar na boses kaya napaangat ako ng tingin. Napaawang ang labi ko ng makita si matt sa harap ng table namin.


"Pwedeng maki upo?" Malamig nyang paalam. "Ang ingay kasi nila dun eh." Sabay tingin sa pwesto nila andrew na nagtatawanan. Tumango ako bilang sagot at umurong para may maupuan sya.



"Thanks." Pag papasalamat nito at ngumiti ng kaunti. Nilapag nya ang mga libro at gamit nya sa mesa at nag simulang magbasa. Nakatitig lang ako sakanya habang patuloy lang sya sa pagbasa. Ang kapal ng librong binabasa nya at mukhang importante dahil seryoso sya sa pagbasa.



Ang ganda ng mukha nya makapal ang kilay, maputi, makinis, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi nito. Para siyang angel. Idagdag pa ang katangkaran nya at maskuladong katawan at yung buhok nya na itim ang ganda din ng gupit nya.


Ano bayan adrielle lahat nalang napapansin mo. Nakatitig lang ako kay matt habang nag babasa siya ang ganda ng view ko sana kayo rin.


"Uy baka naman matunaw si matt." Biglang bulong ni shai naikinagulat ko. Umupo sya ng nakangisi sa harap namin ni matt at binaba ang pagkain na inorder nya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa siya nang hindi kalakasan.



"Bakit nandto sya?" Tanong nya habang nakain ng inorder nyang tapsilog , soft drink at ice cream Tumabi ako sakanya para hindi masyadong marinig ni matt ang pag-uusap namin.


"Maingay daw kasi dun" sabay nguso ko sa gawi nila andrew na nakatingin pala sa may gawi namin nginitian ko ito at binalik ang tingin kay shaira na kumakain.


"Ahh..... Kilig ka?" Mapang-asar na tanong ni shai habang nakangisi. Umirap ako sakanya bago tumango. "Ay wow shuta ka, Sana all beh." Sabay hila sa dulo ng buhok ko.

"Ehe sana ikaw din" Pang-aasar ko. Sinamaan nya ako ng tingin at inubos na ang pag kain nya.

Nag basa nalang ako ng libro na binili ko nung isang araw. Halos matapos kona ang buong novel na yun dahil sa tagal ni matt. Pero okay lang feel ko worth it naman.


"Tapos nako adrielle leanne, Ano hindi pa ba tayo uuwe?" Pag mamaktol ni shai.


"Mamaya na hintayin muna natin si matt" pag pupumilit ko.


"Haynako pangit mo naman mainlab, Gusto kona humiga sa kama eh." Inis na sabi nya sabay irap sakin.

"First time na ngalang mabaliw sa lalaki kokontra kapa." Ganti ko sabay irap sakanya. "Wag ka mag alala ililibre kita mamaya ng SB, okay?" Ngumisi sya ng marinig ang magic word addict sa kape eh.


"Siguraduhin mo lang adrielle leanne." Adrielle leanne amputa ka-irita.

"Oo na SHAIRA VIANNA." Ganti ko. Sinamaan nyako ng tingin sabay hila sa dulo ng buhok ko.

"Namo ka talaga epal eh" Iritang sabi nya kaya napahalakhak nalang ako.


Tumayo na si matthew sa upuan kaya naman napalingon kami ni shai kanya. Mukhang tapos na siya sa binabasa nya. Nilingon ko naman si shai nakangisi ito dahil uuwe na kami at ililibre ko na siya.

"Tapos ka na?" Tanong ko kay matt tumango naman siya bago nag salita.

"Yeah, thank you sa pag papa-upo,"pag papa-salamat nya tumango at ngumiti kang ako sakanya.


"Can I treat you guys dinner? Para maka bawi naman ako sa pag istorbo sainyo." Pag aaya nya. Napalingon naman ako kay shai na nakangisi ng malaki.


"Hindi ka naman naka istorbo eh, okay lang samin yun, diba shai?" Siniko ko si shai. tumango naman siya at ngumiti na abot mata.

"Uy naalala ko may gagawen pa pala kase ako sorry matt ah, kay elle ka nalang bumawi, pero thank you parin." Pinag-sasabi netong babaeng to kala ko ba ililibre ko siya. "Bye elle, see you later." Kinuha nya ang bag nya sa mesa at humalik sa pisngi ko. "Bye matthew please take care of my bestfriend, bye guys have fun." Pahabol ni shai at tuluyan ng umalis.


Totoo bayun iniwan lang ako dto ni shai. Shaira vianna fernandez humanda ka mamaya sakin.


Tumahimik ang paligid ng umalis si shai. Wala na din kaseng masyadong tao sa cafeteria dalawa nalang kami ni matt at ang janitor na nag lilinis sa mga table.



"So let's go?" Pag basag ni matt sa katahimikan. Tumango nalang ako sakanya at ngumiti kinuha ko ang bag at libro ko sa table at nag lakad na palabas.



Kinakabahan ako na kinikilig hindi ko ma-ipaliwanag. pakiramdan ko din ay namumula ang mga pisngi ko dahil sa kaba o dahil sa kilig. Ay ewan kasalanan to ni shaira eh kung hindi nya ako iniwan edi sana di ako mag isa dto.



Nakarating na kami ni matt sa parking lot at ngayun ko lang naalala na hiniram nga pala ni shai ang kotse ko kanina. Nakakahiya naman na sumabay sakanya badtrip naman tong araw na to.


"Uh, matt." Pag tawag ko sakanya kaya naman napalingon siya sakin at nag hihintay ng sasabihin ko. I bit my lower lip at huminga ng malalim bago sumagot.


"Wala kasi yung kotse ko eh, kung pwede makiki-sabay nalang sana ako sayo, k-kung pwede lang naman." Paliwanag ko sabay yuko dahil sa kahihiyan tanga mo adrielle.
Ngumiti siya sakin at tumango.


"Sure no problem, let's go?" Napangiti naman ako sa sagot nya kaya napatango nalang ako.


Nag lakad na kami papunta sa kotse nya. Napahinto siya sa pag lalakad at bumungad samin ang kulay itim na BMW. wow ah yayamanin sana all.
Binuksan niya ang pinto sa shotgun seat at inalalayan akong maka pasok nang maka pasok ako sa kotse nya ay agad ko na-amoy ang pabango sa kotse 'ang bango'. Umikot si matt at pumasok na sa driver seat at ini-start ang engine ng kotse.


"Saan tayo kakain?" Tanong ko kay matt na busy sa pag mamaneho.


"Saan mo ba gusto?" Sagot nya habang naka focus padin sa highway.


"Sa ayala nalang tayo? Okay lang ba?" Pag-aaya ko gusto ko din kasing bumili ng bagong mga libro dahil nabasa kona ata lahat ng mga libro ko sa bahay.



"Okay lang, ano ba gusto mong kainin?" Uhh.. pwede bang ikaw nalang. Shempre joke lang diko yun sinabi baka pababain ako bigla sa kotse eh di pa naman ako marunong mag commute.

"Uhh.... I wanted to eat pasta but malayo kase dto favorite restaurant ko eh so samgy nalang tayo?, okay lang?" Tumingin ako sakanya at hinihintay ang sagot nya.

"Don't worry hati tayo sa bill may allowance pa naman ako eh."

He chuckled "Don't bother I said I'll treat so no need" Ngumiti sya bago ibalik ang focus sa daan.

"Oh okay"

"How long it can take if dun tayo sa favorite resto mo?" My eyes widened when I've heard what he said. Shoot sa subic pa yun girl don't tell me na pupunta pa kaming subic para lang kumain ah. Tumingin ako sakanya bago sumagot naka diresto lang ang titig neto sa daan. ganda ng side profile



"What no sa subic pa yun." I chuckled "Sa ayala tayo m-mag samgyup nalang tayo hehe."


"You sure?" Tanong nya. Tumingin siya sakin habang nag aantay ng sagot. Ngumiti muna ako bago tumango sakanya.




"Oh okay next time I'll treat you sa favorite resto mo, is it okay?" What shit may next time pa omg wtf.



"O-okay lang naman" nauutal Kong sagot "k-kung hindi ka busy baka kase nakaka abala ako."



Tumingin siya sakin bago ngumiti at binalik ang tingin sa daan."Never kang naging abala sakin elle." Malambing na mahina nyang sabi.

______________________________________________________________________________________

:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CHASING ELLE (on going)Where stories live. Discover now