Lumipas ang mga araw, naging linggo at buwan. Ganun lang set up namin. Walang palya tuwing Friday bago CAT. Pang-asar na din namin sa mga nagco-command. Si Markus laging nakakapush-up dahil tawa ng tawa. Pano ba kasi pag pinapatindig ng maayos, gumigiwang dahil lasing. Tapos yung pinsan niya pala section B. Dahil late na siya nakapag-enroll at transferee siya. Parang di nalalasing. Habang ako? Okay lang. Exempted kasi kami na kasali sa banda. Lyrist ako. May CAT naman kami pero hindi masyadong strict kesa sa kanila. Friend ko pa leader so peteks peteks lang.
So heto ako ngayon papuntang SSG Office. Sa baba ng room namin. Bali kaming 4th year nasa second floor. Nasa baba ang laboratory room, ssg office at isang room na sa third year tas sa math club office sa pang huli.
Magkaharap room namin. Both sides amin tas may dalawa pang room sa gitna nitong second floor. Napapagitnaan namin ang hagdan. Nasa hagdan lang siya habang nakatanaw sa labas. May grills ang hagdan para pwedi ding umupo doon. Tsaka si kami nagpapansinan nito sa school.
"may disco daw mamaya?" Biglang tanong niya nung papaliko nako para makababa na.
"Oo, itutudo na namin. Every ganap sa school papa disco kami kahit card day yan"
"bakit? Hindi ba aksaya lang sa time?" Curious nyang tanong. "Halos buwan buwan nalang eh"
"Paki mo? Halos lahat ng officers gustong-gusto to. You know to lossen up a bit. Kakapagod puro acads nalang ba? We value the sanity of every students here. And most especially to raise funds." Sagot ko sa kanya with a smile.
"Ano role mo? Bat ang busy mo? Excuse ka pa ah?" Nagsalubong ang aking kilay.
"As for my sanity is concern, bat nakikialam ka?bf kita?" Daming tanong nakainis. Pumapapel pa ang hayop.
"Bakit gusto mo?" Panghahamon niya.
"Di nga kita boyfriend kung maka-asta ka daig mo pa bf. Pano nalang kong oo? Nako wag na. Masasakal lang kitang tunay!" Iniwan ko na siya doon. Kairita. Decisonavility masyado ang mokong.Hindi ko namalayan ang oras. Ikaw ba nama naka-assign sa decorations sa stage. Aligaga kami. Ni pagkain nakalimutan na. 7 pm na kami natapos at nagsisi datingan na mga tao. Gaya ng dati puno at maraming tao from different schools.
Pabalik nako ng room to get my things so I can go home and change and eat. But don't get me wrong. I have extra clothes with me. Wala ng tao dito since everyone is at the oval.
"Tanginang bata ka bat hindi ka nalang pinunas ng tatay mo!!" Hawak hawak ko ang aking dibdib. " Bat ba anjan ka?" Sita ko kay Theo. Nakaupo siya sa hagdan. Tinatanaw ang nangyayari sa grounds. Habang yung dalawang kamay niya nasa pisngi and ang siko niya nakapatong sa kanyang hita.
"Did you eat?" Simpleng tanong nito.
Umiling nalang ako kasi hindi pa naman ako kumakain. Akmang lalagpasan ko na sya ng bigla biglang hinablot ang aking wrist to stop me.
"I ordered some barbecue outside. Let's eat?"
Inilagay ko ang palad ko sa kanyang noo at siyang ipinagtataka niya. "Bat ang bait mo? May sakit ka ba?".
" Kung ayaw mo, edi wag" tatayo na sana siya.
"To naman. San tayo kakain? Room moor sa room ko?"
"You pick. Which ever you're comfortable"
"Sa room nalang namin. May plato at utensils doon". Aniya ko sabay lakad papuntang room to prepare.Saktong kakatapos ko lang ng dumating siya. Kala ko tamang isaw isaw lang. Aba galanti! May pa manok pa.
Inilapag niya ang pagkain sa mini sala ng room namin which is malapit lang sa lavatory. Tahimik lang akong kumakain since I am so tired and hungry.
" How can you be so irresponsible and responsible at the same time?" Nakakunot na sabi niya.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Saw you the other day. At the back of the library where the gambling always take place. You were there cheering the spider to fight. And when you saw a teacher coming to that place you acted like you caught them and you acted like you're confiscating it.""You know, all I want is a little percentage of the prize money I got everytime someone wins." Biro ko sa kanya. " kidding aside. I know it's bad to gamble. But come to think of it, others do that in hope to make money so they can go back to school the next day. Some of the others, barter papers or anything to use for school. They are just trying to make ends meet. Not all are privileged enough to go to school with enough money to sustain the academic requirements ."
"But that's gambling. You just teaching them bad habits."
"Bad habits or not at least I'm able to help them. Plus I had fun, that's all that matters." Tinitignan ko lang siya habang kain kain ang bituka ng manok. Habang siya naman titig na titig sakin. Hindi pa rin ata nakakaget over sa sagot ko.
"And you are so active at school. I heard you're one of the honor in class. But you never study. Your projects are on time. You got trainings. And you still manage to drink despite of workloads".
" Updated mo naman masyado. Gusto mo ko?" Pabiro kong saad.
"You cut class more than being on a class. Saw you jump on the wall just to get out of the school premises", dismayadong to.
"You know what, as long as I got that 75 passing grade, I'm good. Not my fault if they give me more than that. Learning should be free not by forcing a child to sit while her brain is in somewhere else," sabay ngiti sa kanya. "Besides i learn more on my own."
Natapos ko din naman pagkain ko kahit mas madami siyang tanong kesa subo ko. Niligpit ko na pinag kainan namin at naghugas na din. Habang siya pinabayaan ko nalang mag-ikot-ikot sa room namin.Pagkatapos ko maghugas pumunta ako sa aking upuan kong saan ang aking bag. Binuksan ko iyon. Akmang huhubadin ko na ang aking palda...
"What do you think you're doing young lady?" Halos magimbal siya.
"Feeling mo; magbibihis lang ako. Tsaka don't worry, may pantalon nako sa loob. Nakatupi lang" assuming ang gago.
Tumalikod nalang siya ng may super na pulang mukha. Ano napahiya ka? Lagi nakong ganto. May pantalon na para kung mag cutting man madali nalang sakin.
" Talikod ka lang jan. Magbibihis lang ako ng pang taas" .Tumalikod lang siya. Good! Masunurin naman pala. Sinoot ko lang ang aking spaghetti strap na yellow croptop at inayos ko ang aking white highwaist ripped jeans. Okay nako sa yellow sneakers ko . Nilugay ko lang ang aking nakabun na buhok so now medyo may curls na.
"Okay na. Pwedi kanang humarap," habang tinitiklop ko ang aking gamit at pinasok sa bag.
"Tara na sa baba? Need pako don sa gate." Aya ko sa kanyang nakatitig lang sakin. May mali ba sa red lipstick ko? Ano bang meron dito at titig na titig?
"I guess, I'll be tailing on you tonight," pabulong niyang sabi pero rinig ko naman konti.
Nakapamulsang lumakad na siya palabas. Nasa likuran niya ko. Super tangkad niya and guess what? Nakawhite shirt siya at jeans na black na may ripped ang left knee partnered with blank vanz. Kingina!! Gwapong-gwapo pa naman talaga ako sa lalaking ganto soot. Napaka neat lang.Tama nga siya. Buong event either nasa likod ko siya or ako naman nasa likod niya. Guard lang?
______________________________