"Do you have plans later Lang? Gonna bring you to my house for lunch,"
"No, why?" Nagtatakang tanong ko.
"It's just a plan. Lunch with my family nothing else," simpleng sagot niya.
FAMILY???! Naglalakad kani nyan papuntang room. Halos magkanda out balance ako kakaisip non. First time ko silang mame-meet. Tas family pa? Hindi ko alam kong papa at mama niya lang or buong angkan. What is, Pilipinas! Tsaka wala naman akong matandaan na okasyon eh. Bat kasi may pa lunch lunch pa with "family".
Don't get me wrong, wag nyo kong sabihan na pamilya nya lang yan. Like hello, pano kung di ako magustuhan? Pano kung ingrata naman pala ang nanay? Buti sana kong may pa "10 million, layuan mo anak ko."
Tuliro ako buong klase. Kinakabahan ako. Hi di ko alam kasi kung sino sino. Mababait ba sila? Matatanggap kaya ako na isang dukha pero may looks naman?
"Let's go?" Ay pusang gala bat andito nato? Hindi ko naman lang namalayan nasa harap ko na.
Tumango lang ako at wala sa sariling kinuha ang kamay niya. Pinisil naman niya ito. Wow, moral support? Alam kong alam niya na kinakabahan ako. Daig ko pa may ice sa kamay. Kinginang to.
Dahil lumilipad ang isip ko, di ko namalayang nakarating na kami. It hit me hard. Yung puso ko grabi na kung magdabog. Naiihi at natatae nako. Pero maganda pa din naman kahit sing puti ko na ang papel. Yawa lang.
"Where's Mom?" Tanong niya sa katulong nila. Punyeta Mom?! As in Mommy? Sabi kasi ng lolo ko pag ganyan tawagan, mayayaman yan tas istrikta. In short mapangmata. "You're quiet. Should I keep on bringing you here to make you like this?" Natatawang sabi niya.
"Gago!" Sabay hampas ko sa kanya ng biglang.....
"Is that her?" Pota!!!! Mama!!! Baka sabihing bogbog sarado ko anak niya. Bat ba kasi ang galing tumiming nito! Mahihimatay nako.
Palapit ng palapit na siya sakin. At ako naman ay palapit na ng palapit malagutan ng hininga. Hello Satanas! I'm your daughter.
Tekaaa. Yung buhok ko gusot gusot! Malamang paghihilahin to, magigrip niya kasi nagkanda buhol buhol na!!! Ayan na siya!!!!!!
Niyakap lang ako. At kasama don ang pagkahimatay ko. Joke lang.
Oh my god!! Dahil sa bigla, naging sing tigas ako ng bangkay. I huhug back ko ba to? Or nagkukunwari lang tong nakahug para sakalin talaga ako nito? Ano ba!!
Narinig ko ang mahinang tawa ng mama niya. "Hindi ako nangangagat iha. You can loosen up," tawang tawa siya at kanyang mama.
"Eh?" Pota? Eh? Please paki batukan niyo na ako!!!!
Humalakhak na mama niya. Sinong hindi? Yung mukha ko! Yung gulat, takot tas naka-awang pa labi, dagdagan mo pa ng Eh? Lord, nawala poise ko don. Gandang first impression naman to.
Nung nahimasmasan na Mama niya, sinenyasan niya na kaming pumasok. Nasunod lang kami sa kanya. Pasimple ko namang kinurot tagiliran ni Theo na patawa tawa pa din. Kakaasar lang.
Nakayuko lang ako habang papunta kami sa dining table. Hindi ko tuloy napagmasdab bahay nila. Pero base sa tiles alam kong maganda ito.
Huminto lakad ni Theo. Dahan-dahang inangat ko ang ulo ko. Nagulantang ako na puno ng tao ang napakahabang lamesa. May pa balloons pa sa gilid. At cake na may hally birthday. Pinaghandaan talaga tas nagsasalo salo sila. Sana all. Nakuha ni Theo ang tingin ko at mapaklang ngumiti sa kanya.
"Sinong may birthday? Bat di mo sinabi ? Kakahiya wala akong dalang gift," pabulong kong sabi. Tinaasan lang ako ng kilay ng mokong.
"HAPPY BIRTHDAY, MARIA!" Sabay sabay nilang sabi.