SIMULA

22 0 0
                                    

WARNING:
ANG PARTENG ITO NG STORYA AY NAGLALAMAN NG MASESELANG SALITANG HINDI DAPAT NABABASA NG BATA. KUNG IKAW AY INOSENTE AY MAARI MO NAMANG LAGPASAN ITO O DI KAYA NAMAN AY MAG HANAP NG IBANG BABASAHIN.
God_Hades :)

Zee I'm breaking up with you. Marahang sinabi ni Krade ang mga salitang iyon ng hindi nakatingin sa aking mga mata. Narito kami ngayon sa kwarto ko sa bahay at hindi ko malaman kung ano ba ang nagawa ko at ganito ang sinasabi ngayon sa akin ng lalaking ito.

Ng mga oras na yon ay hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Nag hahalo-halo ang pakiramdam. Pero isa lang ang alam ko. Nasasaktan ako ng sobra ng dahil sa sinasabi niya.

Baby please pagusapan natin ito. Ano ang nagawa ko? Sabihin mo sakin kung ano ang nagawa ko at mag papaliwanag ako. Baby wag namang ganito.

Nanginginig ang dalawang tuhod ko ng dahil marahil sa sakit na aking nararamdaman. Hindi ko akalaing ang unang lalaking minahal ko at nakapagparamdam sa akin ng samut-saring pakiramdam ay sasabihin sa akin ang makabagbag damdaming linyang yon.

Zee planado ang lahat ng ito. Ashynxiah give me a dare and that dare is to made you fall inlove with me. Ang kapalit ay magiging Girlfriend ko siya. Zee I'm sorry but I didn't love you since day one. Zee I'm really sorry I can't stand to stay with you ng iba ang nilalaman ng puso ko. Hindi kita mahal. Hindi kita minahal. At hindi kita kayang mahalin. Zee I'm a straight guy.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng dahil sa mga salitang yun na nanggaling mismo sa kanya.
Sa lalaking minahal ko ng higit pa sa sarili ko. Sa lalaking ginawa kong mundo. Sa lalaking nagparamdam sakin kung paano ang pagiging isang babae.
pumapasok sa aking isipan ang bawat salitang binitiwan niya ngunit Hindi ko matanggap.

Baby please don't leave me. I can't live without you. You are the only one who made me feel that I'm also special. You made me realize that loving a gay is not a sin. Please don't leave me I'm begging you.

Ng sandaling yon ay hindi ko na napigilan ang lumuhod sa harapan niya. Handa akong gawin ang lahat. Handa akong lumuhod at magmakaawa sa kanya wag niya lang akong iwan. Ganun ko kamahal si Krade Hades Ryougi na kahit hadlang sa relasyon naming dalawa ang pamilya niya ay ginawa ko ang lahat para ipaglaban siya dahil noon ang alam ko lang ay ang salitang mahal namin ang isat isa. Ngunit ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa simula pa nung una.

Noon ay napuno ng katanungan ang isip ko.
Napuno ako ng tanong na bakit ang simula.
Kung may lakas lamang sana ako ng loob at hindi inuuna ang gustong gawin ng puso ko ay itinanong ko na iyon sa kanya.

Bakit sa dalawang buwang relasyon namin ay hindi ko naramdaman ang sinasabi niya ngayon?
Bakit sa dalawang buwang relasyon naming dalawa ay ramdam kong mahal niya ako ng totoo?
At kung totoong napilitan lamang siya dahil sa isang Dare Bakit sa dinami rami ng kaklase namin ay ako ang naisipan nilang paglaruan?

Zee please. Let go of me. I'm a straight guy and I didn't love you since the first day. Zee marami pang ibang lalaki hindi lang ako......

Pero ikaw ang gusto ko! Mahal kita ng sobra sobra Krade! Mahal kita higit pa sa sarili ko! Ikaw lang yung kaisa isang taong nagkapagparamdam sakin na hindi ako magisa! Ikaw lang yung kaisa isang lalaking nakapagparamdam sakin na kahit eto lang ako pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili na kahit Bakla lang ako ay may karapatan parin akong ituring na tunay na babae. Pinadama mo saking hindi ako nag iisa dahil kasama kita sa mundong ginawa ko dahil sa pakiramdam na ayaw sakin ng lahat. Pinaramdam mo sakin ang pagiging isang prinsesa Krade kaya hindi ko matanggap ang mga sinasabi mo. Ayokong tanggapin. Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Humagulhol kong wika sa kanya. Hindi pa rin nag babago ang kanyang tindig nakatayo parin at hindi makatingin sa akin.

HIDING THE RYOUGI'S HEIRSWhere stories live. Discover now