CHAPTER 4

22 0 0
                                    

Ayoko nang isipin.



Ayoko nang isipin. 



Pero di parin mawala sa isip ko yung nangyare kahapon.



Anong nangyare kahapon?



Wala naman.



Nang-istorbo lang ulit sa life ko Gene.



Nagtext sya kahapon.



Hanggang ngayon di ko pa rin nirereplyan. 



Di ko sure if gusto ko pa syang replyan, kausapin, or what.



Pero sa totoo...



Wala lang talaga akong load. HAHAHA



Isa to sa mga signs ng pagiging single ko. 



Laging walang load.



Sayang lang kase panload kung wala namang katext.



Minsan nga noong second year college ako, pumasok ako sa school na walang dalang phone kase nakalimutan ko sa bahay. 



Wala kase akong katext kaya minsan nakakalimutan ko saan ko nalalagay yung phone ko. 



Tsaka ang dami kong ginagawa e. 



Di ko masyadong type yung nasa bahay ka na nga tapos gusto pa nila kausap ka.



Imbes na for family na yung time mo, kukunin pa nila.



Dami ko reklamo. hahaha.



Ah basta.



Hindi ko muna rereplyan. 



At hindi ako magpapaload para replyan sya. hahahaha.



Ang harsh ba?



Naging harsh din naman sya sakin ah.



Mas masakit pa rin naman yung ginawa nya sa akin.



Kahit hindi naging kami...



Nagkaroon naman ako ng interest sa kanya.



Minsan na nga lang ako magentertain, niloloko pa ako.



Suki na ako ng panloloko.



Kaya ayoko na.



AYOKO NA.



Focus nalang sa pag-aaral ngayon.



By the way...Nasa isang kainan pala kami ngayon magkakaklase.



Mga sampung tumbling lang to away from school. 



Naging kaclose na namin yung may-ari na si Tita Lori.



Halos kaming buong klase dito na naglalunch. 



May dalang gitara si John Paul kaya tumutugtog sila ngayon after nilang kumain.



Magkasama kaming apat nina Gillian, Richard, at Jack sa isang table habang yung mga tropa nina Paolo yung sa kabilang table.



Oh. Wag kayong malilito ha. 



Meron akong kaklase na John Paul Bueno at meron din Paolo Rosales.



Pareho ko silang kaclose pero mas close ko si Paolo.



The Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon