CHAPTER 4

9 1 12
                                    

Third Person's POV

Habang nag-kukwentuhan ang dalawang magkaibigan ay pumasok rin sa Café ang isang babae.Napansin ng babae na madami ang mga customers dito kung kaya't alam niya na masasarap ang mga menu dito.Medyo mahaba na yung pila sa counter kaya habang naghihintay siya ay nag-libot libot muna siya ng kanyang paningin.Napansin niya ang dalawang babae na nagkukwentuhan sa isang table na malapit sa bintana.Hinintay niya muna na maka-order siya bago siya lumapit ng paunti-unti sa dalawang babae at tinitignan kung kilala nga ba niya talaga ang mga ito.

"Eh?!Zesthine!!???" gulat na sambit nito nang masiguradong kilala nga niya ang mga ito.Napatigil sa pagkukuwentuhan ang dalawang dalaga.Tinitigan pa ni Zesthine kung sino ang tumawag sa kanya.Unti-unting namuo ang pagkatuwa sa kanyang makita nang makilala kung sino ito.Pati si Miyuki na kung kanina ay nagtataka ngayon ay nakangiti na rin.

"GEVI!!" sabay na sabi nina Zesthine at Miyuki.Tumayo silang dalawa para yakapin si Gevi.Saka sila muling naupo.Mabuti na lang at hindi masyadong masikip ang table na pinagupuan nila.

"Hala!!! Nandito ka na din pala, Zesthine! Musta naman ang life??" Tanong ni Gevi.

"Eto, Hakdog pa rin." Sagot naman ni Zesthine at nagtawanan silang tatlo.Si Gevi ay isa din sa mga kabatch mate nila nung highschool at sila ang magkakatropa ngunit lumipat siya ng paaralan kaya naging madalang na lang ang pagsama nito sa kanila.Kahit ganoon pa man ay close pa rin naman sila.Lagi din kasi sila nag-uusap kahit sa video call o text basta tapos na ang klase.Kaya updated pa rin sila sa buhay ng isa't isa. Nawalan na nga lang sila ng contact dito nung nag-college na sila dahil lumipad si Gevi ng abroad para doon ipagpatuloy na mag-aral. At kahit na sobrang tagal nila na hindi nagkita ay nararamdaman parin nila ang closeness sa isa't-isa.

"Actually, Nagkita kami ni Miyuki nung last month lang ata yon eh.Hindi niya man lang nasabi na babyahe ka pala dito sa Japan."-Gevi

"Biglaan nga lang din yung desisyon ko na papuntahin siya dito eh.Tsaka kasi Birthday niya na kaya ito na lang naisip kong gift.Tsaka nalimutan ko na din sabihin since parang nagmamadali ka noon" Paliwanag ni Miyuki.Saka din naalala ni Gevi na malapit na birthday ni Zesthine ngunit nakaisip agad siya ng panregalo.

"Oo nga pala pero buti na lang lagi prepared utak ko, Nakaisip agad panregalo. Bigay ko na lang sa bday mo. Kung magmemeet ulit tayo" Sabi ni Gevi at sakto naman na tinawag na siya sa counter.Pinuntahan niya ito at linapag sa table.Ang order niya at 6 na iba't ibang take out na kape.

"Pinaorder lang sakin yan.Oh ano una nako ha? Baka magalit manager namin. See you when I see you na lang.Bye!" Sabi ni Gevi at bago siya umalis ay binigay niya yung contact number niya.Sinabi niya rin na magkukwento siya ng mga ganap niya mamaya pag-nakabreak time na sila.Nang matapos ang kanilang pagkakape ay nagstroll na sila around Aoyama.Manghang-mangha si Zesthine sa kanyang mga nakikita sapagkat napakaganda ng neighborhood na ito.Makikita mo talaga kung bakit isa sa mga mayayaman na neighborhood ang Aoyama dahil napakaelegante nga talaga naman.Hindi mo pa maipagkakait na sobrang linis din dito at sosyalin din ang iba pa nilang mga shops.

Hindi mo pa maipagkakait na sobrang linis din dito at sosyalin din ang iba pa nilang mga shops

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Guy I Met On Japan(Yuichiro Umehara ff)Where stories live. Discover now