CHAPTER 3

59 2 0
                                    

             Linggo. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na si Penelope. Gusto niya kasing mapanood ang pagsikat ng araw. Noon pa man ay may kakaibang epekto na ang sunrise sa kanya.   Gumagaan kasi ang pakiramdam niya sa tuwing makakakita siya niyon.

                 Kaagad siyang bumangon, inayos niya ang kanyang higaan at dali-daling bumungad sa terrace upang mapanood ang unti- unting paglabas ng araw. Habang masaya siyang naghihintay sa pagsikat nito, hindi siya nakapagpigil at napakanta siya.

Kung ako ay papalarin

Na ako’y iyong mahal na rin

Pangakong ikaw lang ang iibigin

Magpakailanman

Di kita pipilitin

Sundin mo pang iyong damdamin

Hayaan nalang tumibok ang puso mo

Para sa akin-

Naputol ang pagkanta niya nang may narinig siyang pumapalakpak. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng mga palakpak na iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang taong nakatayo sa teresa sa kabilang bahay. 

     Bigla ring kumabog ng pagkalakas lakas ang dibdib niya nang makitang nakangiti ito habang patuloy pa rin na pumapalakpak ito sa kanya. Patakbo siyang pumasok sa loob ng kuarto niya upang magtago.

      Napakamot siya sa kanyang ulo. Sa dinami-raming pwedeng maging kapit-bahay, eh bakit si Sir Nathan pa?!

     Umupo siya sa sahig at sumandal sa kama niya habang nag-iisip ng mga maaring kasagutan sa kanyang mga tanong...

 NAPAILING ng marahan si Nate habang pinapanood si Penelope na papasok sa kuarto nito. Tumigil na rin siya sa pagpapalakpak. Mukhang nagulat ito nang makita siya. Sino ba naman ang hindi magugulat kung malalaman mo na kapitbahay mo pala ang teacher mo? Worst, crush mo pa at talagang magkatapat pa ang kuarto ninyo? 

Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagkakagusto ni Penelope sa kanya. Halata naman kasi sa kilos nito eh. Ngumiti siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon