Tahimik na tiniklop ni Penelope ang binabasa niyang libro. It was Meg Cabot’s Princess Diaries. Gift iyon sa kanya ng daddy niya nu’ng ika-15th birthday niya.
Naagaw ng atensiyon niya ang kanyang BFF na si Via na kanina pa nagd-drawing ng malalaking puso na nagkakabitak-bitak. Mukhang nag-away na naman ito at ang boyfriend nitong si Paulo.
“Nakakalunod naman ‘yun.” komento niya. Ang tinutukoy niya ay ang malalim na paghugot ni Via ng hininga.
Isang mapaklang ngiti ang itinugon nito sa kanya. It’s confirmed. Nag-away nga ang dalawa. Nagiging tahimik ito na para bang Biyernes Santo kapag nagkakaroon ito ng misunderstanding with Paulo.
“Ano na naman ba ang pinag-awayan niyo?” tanong niya rito.
Kasalukuyang nasa loob sila ng classroom. It was June at katatapos lang ng two-month summer vacation nila. Siyempre pa, excited ang lahat kabilang na siya dahil after two months ‘together again’ ang drama nilang magkakaibigan. Pero itinago niya muna ang excitement na ‘yun. Alangan namang ngingiti-ngiti siya sa harap ni Via habang ito’y nagmumukha ng natipus.
They were best friends since kindergarten. They were treating each other like sisters. O mas tamang sabihing ‘kambal’ sila. Iisa lang yata kasi ang takbo ng isipan nila. Mula sa pagkahilig sa hollywood movies, sa pagiging adik sa mga koreanovela at anime, sa pagkahilig sa pagkain lalo na sa pasta, at pagkagusto nilang mag-best friend sa iisang brand ng sapatos. Magkapareho talaga sila ng gusto maliban na lang siguro sa dalawang bagay- taste sa lalaki at nakakalokang paniniwala nito sa pag-ibig.
“Ang hayop na lalaking iyon matagal na pala akong pinagmumukhang tanga! That jerk! Akalain mong tatlo kaming pinagsasabay ng Paulo na ‘yun?!” naghihimutok na sumbong ni Via sa kanya.
Finally! Nagawa mo ring ma-realize na Hudas ang boyfriend mo!
Matagal na siyang miyembro ng anti-Paulo club. Unang beses pa lang na pagkakita niya rito ay nakaramdam na siya ng di masukat na pagkayamot. Kung maka-asta kasi animo'y kasing angas siya ni Gu Jun Pyo ng sikat na koreanovela na Boys Over Flowers. At ang isa pang inaayawan niya rito ay ang pagiging "superman' nito. Sa tuwing tititigan kasi siya nito, pakiramdam niya’y hinuhubaran siya. Para bang ini-imagine nito kung ano ang nilalaman ng kanyang blouse at ng kanyang red plaid skirt.
Madalas magkaroon ng tampuhan ang dalawa. At ang dahilan? Ano pa e di ang pagiging babaero ni Paulo. Pero ang best friend niya ay kabilang yata sa mga pinaka-bangag sa pag-ibig. Kaya kaunting suyo lang ng boyfriend nito at saka nangangakong hindi na uulit- na napapako naman, ay nagpapadala naman kaagad. Minsan nga, parang gusto na niya itong sakalin o di kaya’y sampalin ng isang daang beses para matauhan.
“Hey!”pukaw nito sa kanya. Kanina pa pala ito nag-e emote sa tabi niya. “Comments? Suggestions? Any violent reactions? Words of wisdom? Come on, Penelope! I know marami kang bitbit diyan.”
Tama ito. Marami nga siyang bitbit na ganoon. Ang kaso, kahit anong comment niya tungkol sa pinaggagagawa ng boyfriend nito at pag-susuggest sa tama nitong gagawin sa babaero, hinayupak, at demonyo nitong boyfriend, wala pa ring nangyayari. Paulit-ulit na rin niya itong binibigyan ng kanyang words of wisdom ngunit paulit-ulit rin nitong hindi sinusunod. Kaya ngayon, gustuhin man niyang magbigay ng hinihingi nitong words of wisdom ay tikom ang apat na sulok ng kanyang mga labi. Naubos na rin kasi ang pasensya niya para dito.

BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
RomanceHindi masama ang umibig Lalong hindi masama ang umibig sa lalaking sampung taon ang agwat sa'yo. Age doesn't matter naman, di ba? Pero what if sa History Teacher mo ikaw na-inlove? May chance kaya na maging kayo sa bandang huli? Hay...kung natuturua...