Humahangos si Penelope paakyat sa third floor ng building kung saan naroroon ang klase niya. Dalawam-pung minuto na siyang late sa klase ni Sir Nathan. Sinabi pa naman nito na ayaw nitong may nale-late sa klase nito. Wala naman talaga siyang pakialam sa plus five sa final grades na sinasabi nito. Ang gusto lang niya’y magkaroon ng magandang impresyon sa kanya si Sir Nathan.
Muntikan na siyang magkaroon ng kissing scene sa sahig nang papasok na siya ng classroom. Hindi naman siya clumsy. Baka epekto lang ‘yun ng hindi niya pagkain sa tamang oras kaya naman kaunting ihip lang hangin ay kaagad-agad siyang natutumba. Mabuti na lamang at may humawak sa braso niya.
Parang aatakihin siya sa puso nang makitang si Sir Nathan ang kanyang knight in purple shirt and khaki jeans. Nagdala ng malalaking boltahe ng kuryente sa buo niyang katawan ang pagkakahawak nito sa mga braso niya. Hindi pa rin siya binibitiwan ni Sir Nathan kahit ligtas na siya sa kapahamakan. Nakatitig lang ito sa kanya. Gusto niya sanang manghagilap ng salamin at tingnan ang mukha niya. Baka kasi bigla na lamang umiba ‘yung hitsura niya o baka naman may dumi siya sa mukha.
Siya na mismo ang bumitiw mula sa pagkakahawak ni Sir Nathan sa kanya bago pa niya maisipang yumakap rito.
Malandi Teh!?Tse! “Ahm...papasok na po ako sa loob,” wika niya. Tumango ito bilang tugon.
Ikinagulat niya at muntik na niyang ikamatay nang makitang walang tao sa loob ng classroom. Tiningnan niya ang wall clock na nakabitin sa pader ng classroom. Isang oras at dalawampung minuto pa ang natitira bago mag-alas nueve. Napamura siya sa sobrang pagkainis at nasabunutan din niya ang sarili. Iisang tao lang ang dapat patawan ng kamatayan- ang nakababata niyang kapatid na si Tristan.
Dalawa silang magkapatid at siya ang panganay. At dahil siya nga ang panganay, dapat niyang intindihin ang nakababatang kapatid. At papaano naman niya iintindihin ang nakakainis, nakakapikon, makulit, at sobrang takaw na kapatid niya?
Nasa Spain ngayon ang magulang nila. Nagkasakit kasi ang kanyang abuela kaya pumunta kaagad roon ang mommy at daddy niya. Kaya heto, siya ngayon ang nahihirapan sa “pag-aalaga” sa bunsong kapatid niya.
She sighed. Mamaya na sila magtutuos ng kapatid niya. Ang iintindihin niya muna sa ngayon ay ang nagrerebelde niyang sikmura. Sa sobrang pagmamadali hindi na niya inintindi ang rule number one ng mama niya: kumain sa tamang oras. Kasi naman eh!
Nakarinig siya ng nagri-ring na cellphone. Lumingon siya sa pinanggagalingan ng tunog na iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nasa labas lang pala ng classroom si Sir Nathan! Ang buong akala niya’y nakaalis na ito kanina. Nakasandal lang pala ito sa pader at tila minamatyagan siya.
“K-Kanina pa po ba kayo rito?” tanong niya rito.
He smiled shyly. “Hmm...parang ganu’n na nga,”
“Kung ganu’n...kung ganu’n...n-nakita ninyo?” He nodded. Nabitawan niya ang hawak-hawak na libro nang tumango ito. Aww! Sobrang nakakahiya talaga!
Pinulot ni Sir Nathan ang libro niya. Aabutin na sana niya ang libro na hawak-hawak ni Sir Nathan but he held it back.
“Uhmm...Hindi pa kasi ako nakakapag-almusal. Baka gusto mong sumabay sa’kin?” kaswal na tanong nito. “Don’t worry...my treat.”
Wala namang masama kung sasama siya, hindi ba?! Napaka-ipokrita naman niya kung tatanggi pa siya sa alok nito. At saka ito rin naman ang inaasam-asam niya, eh. Tumango siya bilang tugon. Ngumiti ito nang um“oo” siya.
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
RomanceHindi masama ang umibig Lalong hindi masama ang umibig sa lalaking sampung taon ang agwat sa'yo. Age doesn't matter naman, di ba? Pero what if sa History Teacher mo ikaw na-inlove? May chance kaya na maging kayo sa bandang huli? Hay...kung natuturua...