Kabanata 7

2 1 0
                                    

"Marka"

The defeaning silence of the vast field made me shivered in fear. The tall, brownish and almost dead grasses are gently moving because of the subtle breeze of air. The eerie atmosphere of this place is beyond imaginable.

I looked at my back to look for Joachim but I see no one. I started to feel more frightened.

Once again, I glanced at the tall grasses when I feel like there are many eyes hiding in there, watching my every move.

I took a step backward to search for Joachim in the woods and when I was about to run, someone grabbed my arms.

Iminulat ko ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang mga kamay naming magkahawak.

"Nananaginip ka..." saad ni Joachim.

Bumangon ako at lumingon sa paligid. Nasa loob kami ng isang kweba na pansamantala naming tinigilan. May dalawang sulo na nililiyaban ng apoy ang nakatayo sa malapit.

"Anong mayroon sa panaginip mo at mukhang takot ka?"

"Iisang lugar lamang ang nasa mga panaginip ko," saad ko habang nakatitig sa naglalagablab na apoy.

Kumunot ang kaniyang noo. "Maaari mo bang ilarawan sa akin ang lugar na nasa panaginip mo?"

"Isang malawak na lupain ngunit ang mga halaman ay parang wala nang buhay."

"Alam mo ba ang lugar na iyon?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot at mukhang nag-iisip. Nakakatakot man ang lugar na iyon, gusto kong malaman kung saan iyon. Nararamdaman kong may ipinapahiwatig ang mga panaginip ko sa akin. Hindi lang kasi iisang beses ko iyong nakita. Simula noong nawala si Lola, unang beses kong napanaginipan ang lugar na iyon.

"That place is not existing in this world, Andriette."

Nilingon ko si Joachim nang tumayo siya. Bigla akong kinilabutan nang sabay na mamatay ang apoy ng dalawang sulo. Agad din namang nagbalik ang apoy nang mawala ang dumaang hangin.

"It's in Dunia Fostoria, in Archarion to be exact."

Umahon ako mula sa sahig ng kweba. Lumapit ako kay Joachim na nakatitig sa labas ng kweba.

"Gusto kong pumunta sa lugar na iyon, Joachim. Nararamdaman kong naroon ang kasagutan sa katauhan ko."

Humarap siya sa akin at pinakatitigan ang mukha ko, mula sa aking mata, ilong, at hanggang sa labi. Muli kong naalala ang panahon na una kaming nagkita at pinagkamalan niya akong isang Diyosa. Parang sinaksak ang puso ko sa isiping may nakikita siyang ibang katauhan sa aking kaanyuan.

"Ngunit masyado pang maaga. Maaaring hindi kayanin ng iyong katawan ang pagtawid natin sa lagusan. Hindi ko rin maipapangako na pagtungtong natin sa kabilang mundo ay patuloy tayong makakapagtago mula sa mga kalaban."

"Patawad kung sa tingin mo ay nagmamadali ako," saad ko.

Mukhang may sasabihin pa siya pero hindi niya itinuloy kaya tumalikod na ako para bumalik sa pagtulog.

Nagising ako kinabukasan na mag-isa. Iginala ko ang aking paningin pagkalabas ko ng kweba ngunit hindi ko matagpuan si Joachim.

Dumako ang tingin ko sa kalangitan at napansing nagbabadya na ang ulan kahit umaga pa lang. Muli akong pumasok sa loob ng kweba at piniling doon nalang hintayin si Joachim.

"Joachim?" I tried to call him using our mind link but I got no response.

Nagsimula nang pumatak ang mga butil ng ulan ngunit hindi ko pa rin alam kung nasaan siya kaya nagsimula na akong mag-alala. Lumabas akong muli ng kweba upang hanapin siya.

The General's Immortal VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon